Pandiwa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pokus ng pandiwa)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.

Mga halimbawa (naka-italiko):

  • Pumunta ako sa tindahan
  • Binili ko ang tinapay
  • Kumain ako ng tinapay kaninang umaga

Tuon ng pandiwa[baguhin | baguhin ang batayan]

Tuon ng pandiwa ay ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Tagaganap[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?"

(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)

  • Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
  • Si Anne ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

Layon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "ano?". Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles.

(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)

  • Binili ni Jomelia ang bulaklak.
  • Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.

Ganapan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap.Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?"

(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)

  • Dinaraan ng tao ang kalsada.
  • Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.

Tagatanggap[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "para kanino?"

(i- , -in , ipang- , ipag-)

  • Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
  • Pinakilala sa madla ang kampeon.

Gamit[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?"

(ipang- , maipang-)

  • Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat.
  • Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.

Sanhi[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "bakit?"

(i- , ika- , ikina-)

  • Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
  • Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang ipinagkasakit sa puso ni Tong.

Direksiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?"

(-an , -han , -in , -hin)

  • Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
  • Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng kagamitan.