Portero ng klab
Ang portero ng klab o bawnser (mula sa Ingles na bouncer, literal na "[taong] tagatalbog", "[taong] panalbog", o "mananalbog"; tinatawag ding doorman o security guard) ay isang taong bantay sa pinto o bantay pampintuan at isang inpormal na tawag para sa guwardiyang pangseguridad na nagpapalabas o nagtataboy ng magugulo o nanggugulong mga tao mula sa loob ng isang panggabing klab[1] o ng isang konsiyerto. Kabilang sa mga gawain ng ganitong portero ang magbigay ng seguridad, tiyakin ang legal na edad, at tanggihan ang pagpapasok sa establisamyento ng isang tao batay sa pamantayan ng pagkalasing o intoksikasyon, agresibong kaasalan, o iba pang mga pamantayan. Kadalasang kailanganan ang mga mananalbog kung saan malaki ang bilang ng mga tao o kung saan maaaring magdulot ng away o sagutan ang pag-inom ng mga inuming nakalalasing.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Bouncer - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Bouncers & Doormen Naka-arkibo 2007-06-07 sa Wayback Machine., crimedoctor.com, napuntahan noong 2008-05-02.)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Trabaho ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.