Prinsipe Henry, Duke ng Sussex
Prinsipe Henry | |
---|---|
Prinsipe Henry, Duke ng Sussex | |
Asawa | Meghan, Dukesa ng Sussex (m.2018) |
Buong pangalan | |
Henry Charles Albert David[1] | |
Pamagat at sagisag | |
HRH Prinsipe Henry ng Wales | |
Kabahayang maharlika | Kabahayan ng Windsor |
Ama | Charles, Prinsipe ng Wales |
Ina | Diana, Prinsesa ng Wales |
Kapanganakan | Ospital ng Sta. Maria, London | 15 Setyembre 1984
Nabinyagan noong | 21 Disyembre 1984 Kapilya ni San Gregorio, Kastilyong Windsor |
Hanapbuhay | Cornet, Blues at Royals |
Si Prinsipe Henry, Duke ng Sussex (Henry Charles Albert David; ipinanganak noong 15 Setyembre, 1984), na mas kilala sa katawagang Prinsipe Harry, ay ang nakababatang anak na nina
Hari Charles III at ng unang aaniy na mao nang si Diana, Prinsesa ng Walim- siyam siya sa hanay ng pagpapalitan sa mga trono ng Nagkakaisang Kaharian at ng iba pang labinlimang Nagkakaisang Nasasakupan, mula sa likod ng kaniyang ama at ng nakatatandang kapatid na lalaking si Prinsipe William. Nag-kasal siya kay dating Amerikanong artista, Meghan Markle noong Mayo 19, 2018.
Bilang apong lalaki ni Reyna Elizabeth II, tangan ni Prinsipe Harry ang ranggong Pangalawang Tenyente (na kilala sa rehimyento bilang Cornet sa rehimyentong Blues at Royals ng Hukbong-Kabayuhan ng Kabahayan ng Hukbo ng Britanya. Dati siyang komandante ng tangke, nagsanay para pamunuan ang isang pangkat na may 12 tao, na gumagamit ng apat na may-baluti at tagapagmanmang mga sasakyan. Matapos ang pasiya na hindi siya ipadala sa Iraq, muli siyang nagsanay bilang gabay ng mga sasakyang panghimpapawid sa pook ng digmaan, isang trabaho na ginagawa niya sa Afghanistan. Kasalukuyan siyang naglilingkod sa Afghanistan.[2]
Ang buo niyang pamagat ay “Ang Kaniyang Kamahalan” si “Prinsipe Henry ng Wales”, bagaman karaniwang siyang binabansagang Prinsipe Harry. Katulad ng kapatid niyang si William, ginagamit ni Harry ang “Wales” bilang kapalit ng huling pangalan kung kinakailangan.
Mga talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Bilang isang pinamagatang maharlika, walang pinanghahawakang apelyido si Harry, ngunit, kung lalagyan, ginagamit ang Mountbatten-Windsor (o, sa paraang impormal, ang katawagang pangnasasakupan ng kaniyang ama, ang Wales)
- ↑ "Britain's Prince Harry in Afghanistan" (Nasa Afghanistan Si Prinsipe Harry ng Britanya), ABC News, 28 Pebrero 2008
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.