Pumunta sa nilalaman

Tuluyan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Prosa)

Ang pananalitang tuluyan, tuluyan, o prosa ay ang pangkaraniwang anyo ng nasusulat o sinasalitang wika.[1] Hindi ito patula, at hindi anumang natatanging anyo na katulad ng mga talaan, tala, o mga na nag papakita ng isang taludtodtalahanayan. Sa pagsusulat, wala itong natatanging ritmo, at kahalintulad ng pang-araw-araw na komunikasyon. Ito ang pinakamahalagang pagkakaiba ng tuluyan sa panulaan, at sa mga akdang pangtanghalan na katulad ng mga dula.

Nagmula ang salitang prosa buhat sa Latin na prosa, na nangangahulugang "tuwiran" o "hindi paliguy-ligoy", kaya't ang katagang "prosaiko" ("deretsahan" o "hawig sa prosa") ay karaniwang ginagamit para sa paglalarawan ng mga katotohanan o talakayan ng kung anuman ang nasa isipan ng isang tao, na isinangkap sa malayang dumadaloy na pananalita. Maaari itong gamitin para sa mga pahayagan, mga nobela, mga ensiklopedya, midyang binobrodkast o sumasahimpapawid, mga liham, mga kuwento, kasaysayan, pilosopiya, talambuhay, at marami pang ibang mga anyo ng midya.

Sa pangkalahatan, walang pormal na kayarian ang tuluyang pananalita, katulad ng metro o rima (tugmaan ng tunog ng huling mga pantig) na kadalasang natatagpuan sa panulaan. Kung gayon, ginagamit ito upang ilarawan ang panitikang hindi patula, at hindi pangteatro. Subalit mayroon isang paghahalo ng dalawang mga anyong ito sa panitikan, na kung tawagin ay tuluyang panulaan o prosang panulaan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Concise Oxford Dictionary.

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.