Purdah
Ang Purdah o Pardaa (Urdu: پردہ, Hindi: पर्दा, literal na nangangahulugang "kurtina" o "tabing") ay ang pagsasagawa ng pag-iiwas na makita ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Mayroon itong dalawang anyo: pisikal ng segrasyon ng mga kasarian, at ang pagbibigay ng obligasyon sa mga babaeng takpan nila ang kanilang mga katawan at itago ang kanilang hubog. Umiiral ang Purdah sa sari-saring mga anyo sa mundong Islamiko.[1] and among Hindu women in parts of India.
Sa mundong Muslim, ang pagpigil na makita ng mga lalaki ang mga babae ay may napakalapit na kaugnayan sa konsepto o diwa ng Namus.[2][3] Isang kaurian o kategoryang etikal ang Namus, isang pagpapahalaga, sa katangiang patriyarkal ng mga Muslim sa Gitnang Silangan. Isa itong malakas na kategoryang espesipiko sa kasarian ng relasyon o ugnayan sa loob ng mag-anak na nilalarawan ayon sa katakdaan ng karangalan, pagpansin, paggalang o pagiging kagalang-galang, at kahinhinan. Karaniwang isinasalinwika ang salitang ito bilang "karangalan".[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ World faiths, Teach yourself - Islam. By Ruqaiyyah Maqsood. ISBN 0-340-60901-X Pahina 154.
- ↑ 2.0 2.1 Werner Schiffauer, "Die Gewalt der Ehre. Erklärungen zu einem deutsch-türkischen Sexualkonflikt." ("The Force of the Honour"), Suhrkamp: Frankfurt am Main, 1983. ISBN 3-518-37394-3.
- ↑ 3.0 3.1 Dilek Cindoglu, "Virginity tests and artificial virginity in modern Turkish medicine," pp. 215–228, nasa Women and sexuality in Muslim societies, P. Ýlkkaracan (patnugot), Women for Women’s Human Rights, Istanbul, 2000.
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Babae at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.