Pumunta sa nilalaman

Radiyasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Radiation)
Ang internasyunal na simbolo para sa mga uri at antas ng pag-ionisa ng radyasyon (radyoaktibidad) na di ligtas para mga taong walang pananggalang. Sa pangkalahatan, mayroon ang radyasyon sa kalikasan, tulad ng liwanag at tunog.

Sa pisika, ang radiyasyon o dagilap[1] ay ang paglabas at paghahatid ng enerhiya sa anyong mga onda (alon o wave) o partikula sa pamamagitan ng espasyo o sa pamamagitan ng isang materyal na medyum.[2][3] Kabilang dito ang:

Kadalasang inuuri ang radyasyon bilang naa-ionisa o di naa-ionisa, depende sa enerhiya ng mga partikulang naradyasyon. Naghahatid ang radyasyong naa-ionisa ng higit sa 10 eV, na sapat na ionisa ang mga atomo at molekula at wasakin ang mga kimikang buklod. Isang mahalagang kahalagaan ito dahil sa malaking pagkakaiba sa kapinsalaan sa mga organismong nabubuhay. Isang karaniwang napagkukunan ng radyasyong naa-ionisa ang mga materyal na radyoaktibo na naglalabas ng mga radyasyong α, β, o γ, na binubuo ng mga nukleo ng helyo, mga elektron o mga positron, at mga poton, sa ganoong pagkakaayos. Kabilang sa ibang napagkukunan ang mga X-ray mula sa radyograpiyang medikal na pagsusuri at mga muon, mga meson, mga positron, mga neutron at ibang mga partikula na binubuo ng sekondaryang sinag kosmiko na nalilikha pagkatapos ng pangunahing mga sinag kosmiko na may interaksyon sa atmospera ng Daigdig.

Ang mga sinag na gamma, mga X-ray at ibang mga mas mataas na saklaw ng enerhiya ng liwanag na ultraviolet na binubuo ng naa-ionisang bahagi ng espektrong elektromagnetiko. Tumutukoy ang salitang "ionisa" sa paghihiwalay ng isa o higit pa na mga elektron palayo mula sa isang atomo, isang aksyon na nangangailangan ng relatibong mas mataas na enerhiya na tinutustos ng mga along elektromagnetikong na ito. Pababa pa sa espektro, hindi naa-ionisa ang mga atomo ng di naa-ionisang mas mababang mga enerhiya ng mas mababang espektrong ultraviolet, sa gayon, winawatak-watak ang mga molekula sa halip ang mga atomo; isang mabuting halimbawa dito ang dagandang (o pagkasunog ng balat sa araw) na dulot ng mahabang-haba ng alon ng solar ultraviolet. Hindi nawawasak ang buklod ng mga alon ng mas mahaba na haba ng alon kaysa UV sa mga dalasan (o frequency) ng liwanag na nakikita, infrared at microwave subalit maaring magdulot ng mga yanig sa mga buklod na nararamdaman bilang init. Sa pangkalahatan, hindi tinuturing ang mga haba ng alon ng radyo at mas mababa pa dito bilang nakakapinsala sa mga sistemang pangbiyolohiya. Hindi ito mga eksaktong delineasyon ng mga enerhiya; may ilang pagsasanib sa mga epekto ng partikular na mga dalasan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Radiation - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Weisstein, Eric W. "Radiation". Eric Weisstein's World of Physics (sa wikang Ingles). Wolfram Research. Nakuha noong 2014-01-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Radiation". The free dictionary by Farlex (sa wikang Ingles). Farlex, Inc. Nakuha noong 2014-01-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Electromagnetic Spectrum" (sa wikang Ingles). Centers for Disease Control and Prevention. 7 Disyembre 2015. Nakuha noong 29 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)