Pumunta sa nilalaman

Raha Siagu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Raha Siagu
NasyonalidadKarahanan ng Butuan Calagan
Ibang pangalanRaah Siawi
Raha Awi
Raha Siaui
TituloRaha
Kamag-anakRaha Kolambu
Raha Humabon
Raha Tupas

Si Raha Siagu ay ang raha ng Karahanan ng Butuan na tinatawag din ng mga dalubhasa sa kasaysayan o mga mananalaysay bilang Raha Siawi[1] o Raha Awi.[2] Namuno siya sa Butuan at Calagan[3] (Lungsod ng Surigao na ngayon[4][a]) sa Hilagang Mindanao noong tinatayang maagang ika-16 na dantaon.[5] Siya ang naging pinuno ng mga Manobo.[6]

Noong Marso 28, 1521, tinanggap ni Raha Siagu at ni Raha Kolambu na raha ng Limasawa at kapatid ni Raha Siagu ang pagdating ng manggagalugad na Portuges na si Fernão de Magalhães (o si Ferdinand Magellan) sa pulo ng Limasawa na bahagi na ngayon ng bansang Pilipinas.[7] Nangyari bago mapatay si Magalhães sa pulo ng Mactan sa pamumuno ni Lapulapu.[8] Isa sina Raha Siagu at Raha Kolambu sa mga unang pinunong nakilala ni Magalhães na tinanggap ang Kristiyanismo at dumalo sa kauna-unahang Misang Katoliko sa lugar na bahagi na ngayon ng mga Kapuluang Pilipinas na naganap noong Marso 31, 1521, Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.[9][5]

Ginawa nina Raha Siagu at Raha Kolambu ang sanduguan o pagsasandugo (o blood compact sa Ingles) kay Fernão de Magalhães,[10][11] na inangkin ang pag-aari ng mga kapuluan para sa hari ng Espanya,[12] na si Carlos V, Banal na Emperador Romano sa panahon iyon.[13][b] Naipangalan ang pulo bilang Kapuluan ng San Lazaro noong Marso 16, 1521.[14] Ang sanduguan ay tanda ng pagkakasundo at pagkakaibigan sa pagitan ng mga partido kung saan kinukuha ang dugo ng pinuno ng bawat partido at hinahalo sa alak na iinumin ng lahat ng nakisali.[15] Nakipagkaibigan ang mga Kastila sa mga raha sa pamamagitan ng sanduguan para maging teritoryo ng Espanya ang kapuluan.[16]

Sabi sa mga talang Tsino na natapos ang Karahanan ng Butuan nang sinuko ni Raha Siagu ang kanyang soberanya sa pagpapalawak ng kolonyalismo ng Espanya noong 1521.[17]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinsan ni Raha Siagu si Raha Humabon ng Karahanan ng Sugbo (o Cebu).[18] Pamangkin ni Raha Humabon si Raha Tupas,[19] ang huling ng Raha ng Sugbo,[20] at dahil dito, pamangkin[c] din siya ni Raha Siagu. Si Raha Siagu ang unang Waray na nakilala ng mga mananakop na Kastila.[21] Ang kanyang kasuotan ay yari sa seda at bulak, may malaking hikaw, may tila gintong patak sa mga ngipin, puno ng tatu sa katawan at may tangan na balaraw.[22] Ipinakita niya ang kanyang hospitalidad sa mga Kastila at hinainan sila ng litsong baboy nakalagay sa platerang poselana at tuba na lahat ay nakalagay sa banig.[23] Naganap ang piging na binigay ni Raha Siagu nang Biyernes Santo kung saan bawal kumain sa Katoliko ng karne[24] at nakalimutan ito ng mga banyagang Kastila.[21]

Ayon sa tagapagtala ni Fernão de Magalhães na si Antonio Pigafetta, mayroong minahan ng ginto si Raha Siagu.[4] Sinalarawan ang Butuan noon na maraming ginto at may palamuting ginto sa mga bahay, at kahit ang alipin ni Raha Siagu ay mayroong gintong alahas.[25]

Ang Gawad Raha Siagu (o Rajah Siagu Award) na binigay ng Pambansang Komisyon sa Ginagampanan ng Kababaihang Pilipina (Komisyon sa Kababaihan ng Pilipinas na ngayon), Sangay sa Lungsod ng Butuan, ay ipinangalan kay Rajah Siagu.[26] Ibinibigay ang parangal na ito sa Pinakatangi-tanging Mamamayan sa Larangan ng Agham at Teknolohiya.[26] Isa sa mga nagawaran ng parangal na ito ang kilalang siyentipikong marina na si Jurgenne Honculada-Primavera.[27]

  1. Sa isang sanggunian, sinabi na ang Calagan ay Caraga.[3]
  2. Kilala pa siya noong panahon na inangkin ni Magalhães ang kapuluan bilang Carlos I.[13]
  3. Kung ikukunsidera ang konseptong Ingles ng pinsan, si Raha Tupas ay first cousin once removed (lit. unang pinsan kapag tinanggal ang isa) ni Raha Siagu.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gloria, Heidi K. (1975). Events in Maktan from 1521 to the Beginnings of American Rule in 1900 (sa wikang Ingles). University of San Carlos. p. 48.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Field, Richard J. (2012-06-08). Magellan’S Cross (sa wikang Ingles). Trafford Publishing. ISBN 978-1-4669-1878-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Ladrido, R.C. (2022-10-27). "Bulawan: Early Philippine Gold and Imprints of Hindu-Buddhism". VERA Files (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Patanñe, E. P. (1996). The Philippines in the 6th to 16th Centuries (sa wikang Ingles). LSA Press. p. 107. ISBN 978-971-91666-0-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Hoh, Anchi (2018-07-10). "Catholicism in the Philippines during the Spanish Colonial Period 1521-1898 | 4 Corners of the World". The Library of Congress. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Looking for a "Royal Family;" A Royal Delusion". Get Real Post (sa wikang Ingles). 2015-01-03. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Vivas, Jules (2022-03-21). "Magellan, the first diplomat". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Magellan was killed by warriors of Lapu-Lapu April 27, 1521". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2012-04-26. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Introduction of Christianity in the Philippines". catholicspirit.com. 2021-07-21. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Blood Compact, A sign of Boholano Hospitality". Now In Bohol (sa wikang Ingles). 2021-01-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-01-23. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Hermoso, Christina (2022-03-30). "First Christian Mass in the country remembered on March 31". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Jernegan, Prescott Ford (1914). A Short History of the Philippines: For Use in Philippine Schools (sa wikang Ingles). D. Appleton. p. 45.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "Charles V | Accomplishments, Reign, Abdication, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "A short Philippine History before the 1898 Revolution". www.sspxasia.com. Okt–Dis 2001. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: date format (link)
  15. "Blood Compact 500 Years Ago". 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Sandugo". Asian American Writers' Workshop (sa wikang Ingles). 2022-06-06. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Saran, Shyam (2018-07-20). Cultural and Civilisational Links between India and Southeast Asia: Historical and Contemporary Dimensions (sa wikang Ingles). Springer. p. 97. ISBN 978-981-10-7317-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Indian imprints in pre-colonial Philippines - Kreately". Kreately (sa wikang Ingles). 2020-07-27. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Peace Treaty of Cebu was signed on June 4, 1565". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2012-06-03. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "The Last Rajah of Cebu". Sugbo.ph (sa wikang Ingles). 2021-05-23. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 Fortunato, Teresita (2017-10-02). Mga Pangunahing Etnolinggwistikong Grupo sa Pilipinas. Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-971-27-2742-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Braganza, Jose Vicente (1965). The Encounter: The Epic Story of the Christianization of the Philippines (sa wikang Ingles). Catholic Trade School. p. 48.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Tantuico, Francisco Sypaco (1964). Leyte: The Historic Islands (sa wikang Ingles). Leyte Publishing Corporation.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "What Can You Eat During Lent? - Best Foods To Eat During Lent". www.forkliftandpalate.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Umali, Justin (2019-12-16). "The Powerful Rajahs and Sultans of Pre-Colonial Philippines". Esquire Philippines. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 "Jurgenne Primavera". www.spheres.dost.gov.ph. Nakuha noong 2023-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Sulong Pilipina! Sulong Pilipinas!: A Compilation of Filipino Women Centennial Awardees (sa wikang Ingles). National Centennial Commission, Women Sector. 1999. p. 313. ISBN 978-971-91276-5-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)