Pumunta sa nilalaman

Redford White

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Redford White
Kapanganakan
Cipriano Cermeño II

5 Disyembre 1955(1955-12-05)
Kamatayan25 Hulyo 2010(2010-07-25) (edad 54)
Caloocan, Pilipinas
TrabahoAktor, komedyante
Aktibong taon1977–2008
AsawaElena Cermeño
AnakJeruie Cermeño

Si Cipriano "Dodoy" Cermeño II (Disyembre 5, 1955 – Hulyo 25, 2010), mas kilala sa pangalan sa entablado na Redford White, ay isang artista at komedyante mula sa bansang Pilipinas. Kilala siya sa pagganap niya bilang Sol sa sitcom sa telebisyon na Buddy and Sol katambal si Eric Quizon na gumaganap na Buddy. Nakilala si White bilang Pinakamahusay na Komedyanteng Aktor sa ika-5 PMPC Star Awards para sa Telebisyon dahil sa kanyang pagganap bilang Sol.

Maagang buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang naging tanyag si White noong huling bahagi ng dekada 1970 sa kanyang pansuportang pagganap sa sitcom na Iskul Bukol.[1] Mayroon siyang ilang mga pumatok na pelikula bilang bidang lalaki noong dekada 1980 tulad ng Boni and Klayd, Darakula at Hee Man: Master of None, ang kanyang unang pangunahing ginampanan.[2] Sa ilang mga taon, bumida siya sa sitcom sa telebisyon na Buddy en Sol kasama si Eric Quizon.[3]

Sa huling bahagi ng kanyang karera, lumabas si White sa ilang pelikula para sa Star Cinema tulad ng Tar-San, Ala eh... Con Bisoy! Hale-hale-hoy!: Laging panalo ang Mga Unggoy, at Haba-baba-doo! Puti-puti-poo! na pinapares sa iba't ibang komedyante kabilang si Babalu, Bonel Balingit, Carding Castro at Leo Martinez.[4] Ang kanyang huling pelikula ay ang Iskul Bukol 20 Years After: The Ungasis and Escaleras Adventure at ang huling labas sa telebisyon ay sa Palos ng ABS-CBN, na parehong lumabas noong 2008.

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naiulat si White na mayroong albinismo simula pa noong ipinanganak siya,[5] na pinagmulan ng apelyido ng kanyang pangalan sa entablado. Sa kabilang banda, hinango ang unang pangalan niya sa Amerikanong aktor na Robert Redford.[6]

Kinasal siya kay Elena Cermeño at mayroon silang anak, si Jeruie.[7] Ilan sa mga malapit na kaibigan niya ang kasamang artista sa Buddy En Sol na si Eric Quizon, si Vic Sotto na nakatrabaho niya sa sitcom na Daddy Di Do Du, ang mang-aawit at manunulat na awitin na si Jim Paredes at ang mga komedyanteng sina Gabe Mercado at Leo Martinez.

Sakit at kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namatay si White sa edad na 54 dahil sa kanser sa baga at tumor sa utak noong Hulyo 25, 2010 sa ganap na 06:47 ng umaga PST (GMT+8). Naiulat na nakaranas siya ng pagkahilo at nahirapan sa paglakad, at nawalan ng balanse noong unang bahagi ng Hulyo 2008, na unang ipinagkamali ng aktor sa sintomas ng bertigo. Nagtagubilin ang kanyang mga doktor na sumailalim siya sa MRI (magnetic resonance imaging), na tinanggihan ni White. Sa kalaunan, nasuri siya na mayroon na siyang ikaapat na yugto ng kanser sa utak noong Pebrero 2010.[8]

Naganap ang kanyang lamay sa Dambana ng Santo Niño de Maligaya[8] sa Liwasang Subdibisyon ng Maligaya, Novaliches, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila.[4]

  • Nanalo, Pinakamagaling na Komedyanteng Aktor para sa Buddy En Sol - ika-5 PMPC Star Awards para sa Telebisyon
  • Nominated, Pinakamagaling na Komedyanteng Aktor para sa Kokey - ika-22 PMPC Star Awards para sa Telebisyon[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Erwin Santiago (Hulyo 25, 2010). "Comedian Redford White Has Passed Away". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Agosto 3, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Salanga, Elyas Isabelo (16 Agosto 2007). "Comedy's dynamic duos". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 25 Hulyo 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dedace, Sophia (25 Hulyo 2010). "Redford White, actor-comedian, is dead". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Hulyo 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Comedian Redford White passes away". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Hulyo 25, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Macaraeg, Pauline (2019-04-03). "Nakakatawa! These Filipino Comedians Made Generations Laugh". Esquiremag.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Villasanta, Boy (2010-07-26). "Quizon et al reminisce good old days with Redford". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. "Redford White, 55, R.I.P." SPOT.PH (sa wikang Ingles). 2010-07-25. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. 8.0 8.1 "Comedian Redford White passes away". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Setyembre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Navarro, Mell T. (2008-10-16). "PMPC bares nominees for "22nd Star Awards for Television"". PEP.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-22. Nakuha noong 2021-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]