Pumunta sa nilalaman

Sistemang respiratoryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Respiration)
Ang sistemang respiratoryo ng tao.

Sa mga hayop na lumalakad sa pamamagitan ng apat na paa, ang sistemang respiratoryo o pamamaraang panghinga ay karaniwang kinabibilangan ng mga tubo, katulad ng mga bronchi, na ginagamit sa pagdadala ng hangin papunta sa mga baga, kung saan nangyayari ang pagpapalitan ng mga hangin. Hinihila ng dayapram papasok ang hangin at itinutulak palabas. Maaaring matagpuan ang mga iba't ibang uri ng sistemang respiratoryo sa malawak na bilang ng iba't ibang mga organismo. May mga sistemang respiratoryo din ang mga puno.

Sa mga tao at ibang mga mamalya, ang sistemang respiratoryo ay kinabibilangan ng mga daanan ng hangin, mga baga, at ng mga masel pang-respiratoryo na namamagitan sa galaw ng hangin papasok at papalabas ng katawan. Sa loob ng sistemang alveolar ng mga baga, nagpapalitan ang mga molecule ng oksiheno at carbon dioxide, sa pamamagitan ng pagkakalat, sa pagitan ng mahanging kapaligiran at ng dugo. Samakatuwid, nagpapasinaya ng oksihenasyon ng dugo ang sistemang respiratoryo na may tiyak na pag-aalis ng carbon dioxide at ibang mga duming metaboliko nalikha ng mga gas o hangin mula sa sirkulasyon. Tumutulong din ang sistema sa pagpapanatili sa timbang ng asido at alkalina ng katawan sa pamamagitan ng epektibong pagtanggal ng carbon dioxide mula sa dugo.

Sa mga tao at ibang mga hayop, maaaring hati-hatiing may kagaanan ang sistemang respiratoryo sa pang-itaas na pitak respiratoryo (o sona ng paghahatid), pang-ibabang pitak respiratoryo (o sonang respiratoryo), trachea at mga baga.

Kumikilos ang hangin sa loob ng katawan sa ganitong pagkakasunud-sunod:

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.