Sahara
Sahara (الصحراء الكبرى) | |
The Great Desert (Ang Malaking Ilang) | |
Desert | |
Ang Sahara sa NASA World Wind.
| |
Mga bansa | Algeria, Chad, Egypt, Eritrea, Libya, Mali, Mauritania, Morocco, Niger, Sudan, Tunisia, Kanlurang Sahara |
---|---|
Pinakamataas na tuldok | Emi Koussi 11,204 tal (3,415 m) |
- coordinates | 19°47′36″N 18°33′6″E / 19.79333°N 18.55167°E |
Pinakamababang tuldok | Qattara Depression −436 tal (−133 m) |
- coordinates | 30°0′0″N 27°5′0″E / 30.00000°N 27.08333°E |
Haba | 4,800 km (2,983 mi), E/W |
Lapad | 1,800 km (1,118 mi), N/S |
Pook (area) | 9,400,000 km² (3,629,360 sq mi) |
Biyoma | Disyerto |
Ang Sahara (Arabe: الصحراء الكبرى, aṣ-ṣaḥrā´ al-kubra, "Ang Dakilang Ilang" sa diwang "Ang Malaking Ilang) ay ang pinakamalaking maiinit na ilang sa buong Daigdig. Mayroon itong higit sa 9,000,000 kilometro kwadrado (3,500,000 milya kuwadrado) na lawak, tinatakpan nito ang karamihan ng Hilagang Aprika, na halos katumbas ang laki sa Estados Unidos o sa lupalop ng Europa. Umaabot ang ilang mula sa Dagat na Pula, kabilang ang ilang bahagi ng baybayin ng Mediteraneo, hanggang sa dakong labas ng Karagatang Atlantiko. Sa patungong timog, hinihiwalay ito ng Sahel: isang sinturon ng medyo-tuyot na tropikal na sabana na binubuo ng hilagang rehiyon ng gitna at kanlurang Subsahariyanang Aprika.
May pahintu-hintong kasaysayan ang Sahara na maaaring ibakas ng mga 3 milyong taon.[1] Umaabot ang ilang mga bunton ng buhangin sa 180 metro (600 piye) ang taas.[2] Nagmula ang pangalan nito sa Arabeng salita para sa ilang: (صَحراء), "ṣaḥrā´" ( صحراء (tulong·impormasyon)).[3][4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ MIT OpenCourseWare. (2005) "9-10 thousand Years of African Geology Naka-arkibo 2009-03-27 sa Wayback Machine.". Massachusetts Institute of Technology. Pahina 6 at 13
- ↑ Arthur N. Strahler at Alan H. Strahler. (1987) Modern Physical Geography–Third Edition. New York: John Wiley & Sons. Pahina 347
- ↑ "Sahara." Talasalitaan ng Etimolohiya ni Douglas Harper, Dalubhasa sa Kasaysayan. Kinuha noong Hunyo 25, 2007.
- ↑ "Talasalitaan ng Ingles-Arabe". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-09. Nakuha noong 2009-05-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)