Pumunta sa nilalaman

Saki (manga)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Saki
Ang pabalat ng unang bolyum ng mangang Hapones na ipinapakita si Saki Miyanaga
咲-Saki-
DyanraPalakasan
Manga
KuwentoRitz Kobayashi
NaglathalaSquare Enix
MagasinYoung Gangan
DemograpikoSeinen
TakboHunyo 2006 – kasalukuyan
Bolyum7
Teleseryeng anime
DirektorManabu Ono
EstudyoGonzo, Picture Magic
Inere saTV Tokyo
Takbo6 Abril 2009 – 28 Setyembre 2009
Bilang25 (Listahan ng episode)
 Portada ng Anime at Manga

Ang Saki (咲-Saki-) ay isang patuloy na Hapones na seryeng manga na isinulat at ilustrasyon ni Ritz Kobayashi. Umiikot ang istorya sa isang babaeng nasa unang taon ng sekundarya na si Saki Miyanaga na nagdala ng kompetisyong mundo ng mahjong sa isang istudyanteng unang taon pa lamang, si Nodoka Haramura. Ininuran ang manga ng Square Enix sa Young Gangan simula noong Hunyo 2006 at nalikom sa pitong igkas na bolyum sa Hapon noong Abril 2010. Isang 25 episodyo na adapsiyong animeng Gonzo ang ipinalabas sa pagitan ng Abril at Setyembre 2009 sa TV Tokyo.

Si Saki Miyanaga, isang istudyante ng unang taon sa sekundarya, ay umaayawa sa larong mahjong sapagkat ang kanyang pamilya ay pinupwersa siyang maglaro nito at pinarurusahan sa mga pagakamali sa laro. Dahil dito, natutuhan niyang paano magtago ng kanyang mga puntos at zero, kahit na matalo manalo, mas mahirap ang kakayahan kaysa sa pagiging panalo. Subalit, ang kanyang kaibigan na si Kyōtarō mula sa sekundaryang paaralan, ay walang kaalam-alam mula rito, na nag-udyok sa kanya na pumunta sa maliit na samahan ng mahjong sa kanilang paaralan bago pumunta ng sekundarya. Pagkatapos makita ang kakayahan niya, kinuha nila siya ng permanente at sinabihan na laging manalo sa halip na makipagkalas dito. Madali niyang nagagamit ang kanyang mga kakayahan at makatutuklas ng pagmamahal sa mahjong. Nagbunsod ito sa pagkakasali ng samahan sa paligsahan ng mga sekundaryang paaralan sa mahjong ng prepektura na may layuning maabot ang kompetison na para sa nasyonal na antas.

Isinulat at iginuhit ni Ritz Kobayashi, ang seryeng manga na Saki ay ininuran ng Square Enix sa dalawahang linguhang magasin na seinen manga, ang Young Gangan.[1] Sinimulan ang paguran noong Hunyo 2006 at sa ngayon ay patuloy pa ito, na may bagong kabanata sa bawat babasahin. Nililikom din ng Square Enix ang mga kabanata sa igkas na bolyum. Nailabas ang unang bolyum noong 25 Disyembre 2006, at simula noong 24 Abril 2010, pitong bolyum na ang nailalabas.[2]

Inanunsiyo ang isang adapsiyong anime ng Saki sa ika-24 na babasahin ng Young Gangan.[3] Inadap ang serye ng Gonzo, derektado ni Manabu Ono, at isinulat ni Tatsuhiko Urahata.[4] Mula noong ika-15 na episodyo pataas, ginawa na nang Picture Magic ang produksiyong animasyon. Noong 31 Enero 2009, isang 105 sekundong bidyong nagaanyaya ang sinimulang ipalabas sa opisyal na websayt pang-anime.[5] Sinimulang ipalabas ang serye noong 6 Abril 2009 sa TV Tokyo at mga kasanib na estasyon.[6] It is also streamed with English subtitles on Crunchyroll.

Mayroong limang piraso ng musikang pangtema ang serye; dalawang pambungad na anta at tatlong pangwakas na kanta.[7] "Glossy:MMM" ang unang pambungad na kanta ni Miyuki Hashimoto na ginamit sa pagitan ng ikadalawa at ika-14 na episodyo; ginamit din ito bilang pangwakas na kanta sa una at 25 episodyo. "'Bloooomin'" namann ang ikalawang pambungad na kanta na ginawa ni Little Non na ginamit sa pagitan ng ika-15 at ika-25 na episodyos. "Netsuretsu Kangei Wonderland" (熱烈歓迎わんだーらんど) ang unang pangwakas na kanta na ginawa naman ni Kana Ueda, Ami Koshimizu, Rie Kugimiya, Ryōko Shiraishi, at Shizuka Itō na ginamit sa 2-6, 8-9, at 11-14 episodyo. "Zankoku na Negai no Naka de" (残酷な願いの中で) ang pangalawang pangwaas na ni Ueda at Koshimizu na ginamit sa 7, 10, 16, 18 at 22 episodyo. "Shikakui Uchū de Matteru yo" (四角い宇宙で待ってるよ) ang ikatlong pangwakas na kanta ni Ueda, Koshimizu, Kugimiya, Shiraishi at Itō na ginamit sa 15, 17, 19-21, 23-24 episodyo.

Isang larong bisyong pang-mahjong ang ibinulgar sa Pandaigdigang eksibit ng anime sa Tokyo noong 2009.[8] MAkikipagtulungan ang Gonzo kasama ang Sega sa pagpapaunlad sa arkada ng larong bidyo ng mahjong na base sa serye, at kukuha lamang sa larong pang-mahjong ng MJ4 Ver.C network.[9] Isasama ang laro sa Isahang Kaparaanan ng Saki, na kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makipaglaro sa mga tauahn ng Saki sa halip na makipaglaro sa mga tao na online. Panibagong laro namang ang inayos ng Alchemist para sa PlayStation Portable,[10] at inilabas noong Marso 2010 sa Hapon sa pangalang Saki Portable.

  1. "Opisyal na websayt pang-manga ng Saki" (sa wikang Hapones). Square Enix. Nakuha noong 2009-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Seksiyong pangkagamita sa opisyal na websayt pang-anime ng Saki" (sa wikang Hapones). Gonzo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-23. Nakuha noong 2009-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Saki Mahjong Manga to Get TV Anime from Gonzo in 2009 (Update 2)". Anime News Network. 2008-12-04. Nakuha noong 2009-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Staff and cast at Saki's anime official website" (sa wikang Hapones). Gonzo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-31. Nakuha noong 2009-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Saki High School Mahjong Anime's Promo Video Streamed". Anime News Network. 2009-01-31. Nakuha noong 2009-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "TV Anime Saki Broadcast Information Unveiled! And Also New Character Information!!" (sa wikang Hapones). Dengeki Online. 2009-03-06. Nakuha noong 2009-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "CD goods section at Saki's anime official website" (sa wikang Hapones). Gonzo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-23. Nakuha noong 2009-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "TAF 2009: Bishojo Mahjong Anime Saki is to come out as a Mahjong Game". Gigazine. 2009-03-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-09. Nakuha noong 2009-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "MJ4 Ver.C's Exhibit at Tokyo International Anime Fair 2009" (sa wikang Hapones). Sega. 2009-03-19. Nakuha noong 2009-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "人気アニメ『咲-Saki-』がPSPのゲームに! 夏コミ・アルケ祭2009 ぷちで発表" (sa wikang Hapones). ASCII Media Works. 2009-08-17. Nakuha noong 2009-08-17. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Ugnay Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]