Pumunta sa nilalaman

Salamat, Kaibigan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
"Salamat, Kaibigan"
Ramon "Bong" Revilla, Jr.
Matapos manalumpati, niyakap ni Senador Revilla sina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, na kasama din niya bilang akusado sa Pork barrel scam
Matapos manalumpati, niyakap ni Senador Revilla sina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, na kasama din niya bilang akusado sa Pork barrel scam
PetsaHunyo 9, 2014
Oras3:30 ng hapon
LokasyonSenado ng Pilipinas, Lungsod Pasay, Kalakhang Maynila, Pilipinas
PaksaPork barrel scam
Haba30 minuto(tinakda)
38 minuto (aktwal)
BidyoRappler coverage
Sipitranscript

Ang "Salamat, Kaibigan"[1] ay isang pribelehiyong talumpati ni Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa Senado ng Pilipinas noong Hunyo 9, 2014, bilang tugon sa mga kasong isinampa ng Sandiganbayan laban sa kaniya dahil sa pagiging sangkot diumano sa Pork barrel scam. Isa ito sa mga dalawang pribelehiyong talumpati na ginawa ni Revilla ukol sa nasabing scam, kung saan siya nagbigay ng unang talumpati noong Enero 2014. Sa kaniyang talumpati, sinubukan ni Revilla na maisaayos ang kanilang gusot ni Pangulong Benigno Aquino III at ang mga kaniyang kaalyado, at kaniyang ginigiit na mayroon silang magkaparehong interes para sa ikabubuti ng Pilipinas, at mayroong mga mas mahahalagang mga isyu na kailangang tutukan, at wala siyang kinalaman sa nasabing scam.[2]

Bagaman giniit ni Revilla na ang kaniyang talumpati ay para sa masa,[3] karamihan sa mga naging reaksiyon sa kaniyang talumpati ay negatibo, lalu na sa social media, kung saan ang tugon ng mga netizen ay "nakakalibang, nakakagalit at hindi-kapanipaniwala".[4] Maya-maya ay humingi siya ng paumanhin sa mga taong nakaramdanm ng pagkasuklam sa kaniya ukol sa kaniyang labis na pagganap, partikular na sa awit na kaniyang pinatugtog sa katapusan ng kaniyang talumpati, na sinabi niya na ang kantang ito ay para sa kaniyang mga tagasuporta, at naunawaan niya ang mga reaksiyong lumabas sa internet.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bong Revilla's speech that made everyone..." Rappler. Rappler, Inc. Hunyo 9, 2014. Nakuha noong Hunyo 12, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Macaraig, Ayee (Hunyo 9, 2014). "Revilla privilege speech turns into a show". Rappler. Rappler, Inc. Nakuha noong Hunyo 12, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Antiporda, Jefferson (Hunyo 10, 2014). "REVILLA'S PLEA: STOP THE MUDSLINGING". The Manila Times. Manila Times Publishing Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 6, 2014. Nakuha noong Hunyo 12, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Netizens, a singing Bong Revilla and #BongPanes". Rappler. Rappler, Inc. Hunyo 9, 2014. Nakuha noong Hunyo 12, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ager, Maila (Hunyo 11, 2014). "Revilla says sorry to netizens over speech". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong Hunyo 12, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)