Pumunta sa nilalaman

Wikang Arabe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Salitang Arabe)
Arabo
العربية
Bigkas/alˌʕaraˈbijja/
RehiyonKaraniwan sa mga estadong Arabo ng Gitnang Silangan at ng Hilagang Aprika
wikang pang-liturhiko ng Islam.
Mga natibong tagapagsalita
Higit-kumulang 280 milyong katutubong mananalita[1] at 250 milyong nagwiwikang hindi katutubo[2].
Alpabetong Arabo, Alpabetong Siryako (Garshuni), Eskritong Bengali [1] [2]
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika ng 25 bansa, ang ikatalong pinakamarami sunod sa Ingles at Pranses[3]
Pinapamahalaan ngSyria: Arab Academy of Damascus (the oldest)

Egypt: Academy of the Arabic Language in Cairo
Iraq: Iraqi Science Academy
Sudan: Academy of the Arabic Language in Khartum
Morocco: Academy of the Arabic Language in Rabat
Jordan: Jordan Academy of Arabic
Libya: Academy of the Arabic Language in Jamahiriya
Tunisia: Beit Al-Hikma Foundation

Israel: Academy of the Arabic Language [4]
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1ar
ISO 639-2ara
Mapa ng mundong gumagamit ng Arabe.
Luntian: Tanging opisyal na wika.
Bughaw: Kasamang opisyal na wika.

Ang Arabo (Arabo: العربية, al-'arabiyyah) ang pinakamalaking kasapi ng sangay Semitiko ng pamilya ng mga wikang Aproasyatiko at malapit na kamag-anak ng Ebreo at Arameo. Sinasalita ito sa buong daigdig Arabo at malawakang inaaral at naaalam sa buong daigdig Muslim. Ang Arabo ay isang wikang pampanitikan mula pa noong mga ika-6 dantaon at ang wikang panliturhiya ng Islam.

Sa katotohanan, wala talagang nagsasalita ng pamantayang Arabo (اللغة العربية الفصحى, al-luġatu-l-ʿarabīyatu-l-fuṣḥā, “ang pinaka-elokwenteng wikang Arabo”) bilang wikang pang-araw-araw; limitado lamang ang ganong gamit sa mga pormal na okasyon. Sa halip, sinasalita ng mga Arabo ang iba’t ibang diyalekto nito ngunit madalang na magkaunawaan ang mga tagapagsalita ng dalawang magkakaibang diyalekto; sa mga ganitong kaso, ang pamantayang wikang Arabo ang ginagamit.

Nagmula rin sa wikang Arabo ang Maltes, na nagkakaloob ng malaking bilang ng mga salita mula sa Italyano at Ingles.

Wikipedia
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Arabe


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. S. Procházka, 2006, "Arabic", in the Encyclopedia of Language and Linguistics, 2nd edition
  2. Ethnologue (1999)
  3. John W. Wright (2001). The New York Times Almanac 2002. Routledge. ISBN 1579583482.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Knesset approves Arabic academy - Israel News, Ynetnews