Samosa
Ibang tawag | Sambusa, samusa,[1] siṅgaṛā/siṅāṛā |
---|---|
Uri | Pasteleryang malinamnam |
Kurso | Entrée, pamutat, meryenda |
Rehiyon o bansa | Timog Asya, Gitnang Silangan, Silangang Aprika, Gitnang Asya, Timog-silangang Asya |
Pangunahing Sangkap | Harina, gulay (hal. patatas, sibuyas, gisantes, lentehas), mga espesya, sili, giniling at keso. |
|
Ang samosa mula sa Persang salita, Sambosag (سنبوسگ) ("tatsulukang pastelerya"), ay isang piniritong pastelerya sa Timog Asya[2] at Iraning (Persang) pagkain. Malinamnam ang palaman nito na karaniwang binubuo ng gulay, pinaanghang na patatas, sibuyas, gisantes, pati di-behetaryanong karne at isda. Maaari itong magkaroon ng iba't ibang hugis, kabilang ang tatsulok, balisuso, o kalahating buwan, depende sa rehiyon.[3][4][5] Kadalasang pinapares ang samosa sa chutney, at may pinagmulan sa panahong medyebal o mas maaga pa.[3] Mayroon ding mga matatamis na bersiyon. Isang sikat na entrée, pampagana, o meryenda ang samosa sa mga lutuin ng Timog Asya, Gitnang Silangan, Gitnang Asya, Silangang Aprika at kani-kanilang mga diaspora ng Timog Asyano.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nanggaling ang salitang samosa sa salitang Hindustani na 'samosa' (Urdu: سموسہ, Hindi: समोसा),[6] na matutunton sa Gitnang Persang salita na sanbosag (سنبوسگ)[7] 'pasteleryang tatsulok'.[8] Sa wikang Arabe, tinatawag na sambusak ang mga kahawig na pastelerya; minsan sambusaj ang baybay nito sa mga Medyebal Arabeng aklat-resipi.[9]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaniniwalaan na hango ang Timog Asyang samosa sa hinalinhang medyebal mula sa Gitnang Silangan[10][11] na hinurno, hindi pinirito. Unang binanggit ang hinalinhan ng samosa ni Ishaq al-Mawsili, isang makata noong panahong Abasida, na nagpapuri sa sanbusaj. Masusumpungan ang resipi sa mga Arabeng aklat-luto noong ika-10–ika-13 siglo, sa mga pangalang sanbusak, sanbusaq, at sanbusaj, lahat hango sa Persang salita, sanbosag. Sa Iran, sikat dati itong pagkain hanggang ika-16 na siglo, ngunit pagsapit ng ika-20 siglo, sikat na lang ito sa iilang probinsiya (kagaya ng mga sambusas ng Larestan).[3] Binanggit ito ni Abolfazl Beyhaqi (995–1077), isang Iraning mananalaysay, sa Tarikh-e Beyhaghi.[12]
Ipinakilala ang samsa ng Gitnang Silangan sa subkontinenteng Indiyano noong ika-13 o ika-14 na siglo ng mga kusinero mula sa Gitnang Silangan at Gitnang Asya na nagluto sa mga maharlikang kusina para sa mga pinuno ng Sultanato ng Delhi.[11] Nagsulat si Amir Khusro (1253–1325), isang iskolar at maharlikang makata ng Sultanato ng Delhi, noong mga 1300 PK na nagustuhan ng mga prinsipe at maharlika ang "samosa na gawa sa karne, ghee, sibuyas, at iba pa".[13] Inilarawan ni Ibn Battuta, isang ika-14th siglong biyahero at eksplorador, ang isang ulam sa korte ni Muhammad bin Tughluq, kung saan inihain ang samushak o sambusak, isang pastel na pinalamanan ng giniling na karne, almendras, pistatso, nogales, at espesya bago ang ikatlong kurso ng pulao.[14] Ibinanggit sa Nimatnama-i-Nasiruddin-Shahi, isang aklat-luto noong medyebal Indiya na sinimulan para kay Ghiyath Shah, ang pinuno ng Sultanatong Malwa sa gitnang Indiya, ang sining ng paggawa ng samosa.[15] Ibinanggit sa Ain-i-Akbari, isang dokumentong Mughal noong ika-16 na siglo, ang resipi para sa qottab, kung saan nakalagay, "tinatawag na sanbúsah ng mga tao ng Hindustan".[16]
Mga rehiyonal na baryante
[baguhin | baguhin ang wikitext]Indiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa paghahanda ng samosa, ginagamit ang maida, isang uri ng panlahatang harina, at ginagawang palaman ang timpla ng patatas na dinais at niluto o minasa't pinakuluan, sibuyas, gisantes, lentehas, luya, espesya at siling berde.[11] Maaaring pambehetaryano o hindi ang samosa, depende sa palaman. Pinipritong-lubog ang buong pastelerya sa mantikang gulay o bihira, sa ghee hanggang mamula-mula ang balat. Inihahain ito nang mainit, at kadalasang pinapares sa sariwang berdeng chutney, kagaya ng menta, unsoy, o sampalok. Maaari ring gumawa ng matamis na bersiyon. Kadalasang inihahain ang mga samosa sa chaat, na tradisyonal na sinasabayan ng inihandang garbansos o puting gisantes, at inihahain kasama ang yogurt, minasang sampalok at berdeng chutney, at binudburan ng hiniwang sibuyas, kulantro, at chaat masala.
Sa mga Indiyanong estado ng Assam, Odisha, Kanlurang Bengal, Bihar at Jharkhand, sikat na meryenda ang mga singara o singra (চিংৰা)[17] (bersiyon ng samosa sa Silangang Indiya) at makikita sa halos lahat ng dako. Mas maliit ito nang kaunti kumpara sa mga ibang bahagi ng Indiya, at binubuo ang palaman ng nilutong patatas na dinais, mani, at minsan pasas.[11] Nakabalot ang mga shingra sa maninipis na masa (na gawa sa harinang panlahatan) at ipiniprito. Maganda ang kalidad ng shingra kapag patumpik-tumpik ang balat nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "samosa". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.) - ↑ "Samosa | Description, Origin, Indian, & Pastry | Britannica" [Samosa | Paglalarawan, Pinagmulan, Indiyano, & Pastelerya | Britannica]. www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-11-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Davidson, Alan (1999). The Oxford Companion to Food [Ang Kompanyerong Oxford sa Pagkain] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 0-19-211579-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Arnold P. Kaminsky; Roger D. Long (23 Setyembre 2011). Middle East Today: An Encyclopedia of Life in the Republic [Gitnang Silangan Ngayon: Isang Ensiklopedya ng Buhay sa Republika] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 151. ISBN 978-0-313-37462-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Mayo 2013. Nakuha noong 22 Abril 2012.
{{cite book}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reza, Sa’adia (18 Enero 2015). "Food's Holy Triangle" [Banal na Tatsulok ng Pagkain] (sa wikang Ingles). Dawn. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2018. Nakuha noong 28 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Samosa".
- ↑ Lovely triangles Naka-arkibo 01-08-2009 sa Wayback Machine. Hindustan Times, 23 Agosto 2008.
- ↑ Nişanyan - Türkçe Etimolojik Sözlük: Samsa. nakuha: 26 Abril 2021.
- ↑ Rodinson, Maxime, Arthur Arberry, and Charles Perry. Medieval Arab cookery [Lutong Medyebal Arabe] (sa wikang Ingles). Prospect Books (UK), 2001. pa. 72.
- ↑ Indigenous Culture, Education and Globalization: Critical Perspectives from Asia [Katutubong Kultura, Edukasyon at Globalisasyon: Mga Kritikal na Pananaw mula sa Asya] (sa wikang Ingles), Springer, 23 Oktubre 2015, p. 130, ISBN 9783662481592, inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2019, nakuha noong 5 Enero 2019
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 11.3 "TBI Food Secrets: Unravelling the Fascinating History of the Samosa, India's Favourite Street Snack" [Mga Sikreto ng Pagkaing TBI: Pagsisiwalat sa Kamangha-manghang Kasaysayan ng Samosa, Paboritong Pagkaing-kalye ng Indiya]. The Better India (sa wikang Ingles). 2017-01-04. Nakuha noong 2021-12-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beyhaqi, Abolfazl, Tarikh-e Beyhaghi, pa. 132.
- ↑ Savoury temptations [Mga malinamnam na katakam-takam] Naka-arkibo 12-05-2008 sa Wayback Machine. The Tribune, 5 Setyembre 2005.
- ↑ Regal Repasts [Mga Makaharing Pagkain] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 01-07-2009 sa Wayback Machine. Jiggs Kalra and Dr Pushpesh Pant, India Today Plus, Marso 1999.
- ↑ M Bloom, Jonathan (2009). The Grove Encyclopedia of Islamic Art and Architecture Vol 1 [Ang Ensiklopedyang Grove ng Islamikong Sining at Arkitektura Tomo 1.] (sa wikang Ingles). Oxford: Oxford University Press. p. 236. ISBN 978-0-19-530991-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Recipes for Dishes Naka-arkibo 07-21-2011 sa Wayback Machine. Ain-i-Akbari, ni Abu'l-Fazl ibn Mubarak. Salinwikang Ingles ni Heinrich Blochmann at Koronel Henry Sullivan Jarrett, 1873–1907. Asiatic Society of Bengal, Calcutta, Tomo I, Kabanata 24, pahina 59. "10. Quṭáb, na tinatawag na sanbúsah ng mga tao ng Hindústán. May ilang paraan para gawin ito. 10 s. karne; 4 s. harina; 2 s. g'hí; 1 s. sibuyas; ¼ s. sariwang luya; ½ s. asin; 2 d. paminta at binhi ng kulantro; kardamono, binhi ng kumin, klabo, 1 d. ng bawat isa; ¼ s. ng summáq. Maaari itong lutuin sa 20 ibang paraan, at nagbubunga ng apat na buong pinggan".
- ↑ "চিংৰা". Xobdo.org. Nakuha noong 23 Nobyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)