Pumunta sa nilalaman

Sarsang Henobes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sarsang Henobes
Sarsang Henobes at pastang candele na inihain sa Villa Cimbrone sa Ravello, Campania, Italya
UriSarsa
LugarItalya
Rehiyon o bansaCampania
GumawaImigranteng Henobes
TaonIka-15 o ika-16 siglo
Pangunahing SangkapSibuyas
Karagdagang SangkapKarne ng baka, guya, o baboy

Ang sarsang Henobes ay isang mabigat sarsa ng pasta na gawa sa sibuyas mula sa rehiyon ng Campania, Italya. Marahil ipinakilala sa Napoles mula sa hilagang Italyanong lungsod ng Genoa noong panahon ng Renasimiyento, naging sikat ito sa Campania at nakalimutan sa ibang lugar.

Pambihira ang sarsa dahil matagal ang paghahanda upang mapalambot at maging malasa ang mga sibuyas.

Sa kabila ng pangalan nito na nangangahulugang "sa estilong Genoa," ang sarsang Henobes ay isang pangunahing sarsa ng pasta ng Napoles at makabuluhang bahagi ng kasaysayan ng pagluluto nito na ipinakilala sa lungsod noong ika-15 o ika-16 na siglo.[1][2] Maaaring ipinakilala ang sarsa ng mga Henobes na imigrante o mangangalakal noong panahon na ang Genoa at Napoles ay dalawa sa pinakamahalagang daungan ng Italya.[1][3] Maaari rin itong tumutukoy sa pangalan ng tagagawa nito, dahil laganap na na apelyido ang Henobes (Genovese) sa Campania. Hindi na kilala ngayon ang sarsang Henobes na lampas sa Campania.[4]

Iminumungkahi ng paggamit ng sarsa ng mga sibuyas ang impluwensyang Pranses, at makahawig ito sa Boeuf à la mode.[1] Noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, inihain ang 'Salmon sa sarsang Holandes at Henobes' sa restawrang Grand Véfour ng Palais-Royal sa Paris bilang isang putaheng luho.[5]

Ang sarsang Henobes ay hindi dapat malito sa Pesto mula sa Genoa at Liguria, ni sa Salsa Genovese na gawa sa pulang alak at gulay para sa mga isda,[6] ni sa sarsang génevoise mula sa Lawa ng Geneva na inihahain din kasama ng isda.

Inihanda ang sarsang Henobes sa pamamagitan ng paggisa ng alinman sa karne ng baka o guya sa mararaming sibuyas mula dalawa hanggang sampung oras.[1][3][7] Karaniwang sinamahan ang sibuyas ng tinadtad na karot at kintsay sa isang soffritto.[1][2][3][7][8]

Napakahalaga ang mabagal na pagluto ng mga sibuyas para sa lasa ng sarsa,[9] at pinapadali ito sa pagdaragdag nang pagdaragdag ng puting alak, sabaw, o pareho.[1][3] Maaaring ihain ang sarsa at kasamang pasta ng karne mula sa sarsa o hiwalay, pinalamuti ng mga kamatis, at pinatungan ng pecorino.[2][7]

Mas mainam gamitin ang malaki, silindrikong pasta tulad ng rigatoni, ziti o candele dahil maaari nilang hawakan ang mabigat na sarsa.[1][2]

Mga sangkap para sa 4 na plato

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karne 600 g, ̈gintong sibuyas 1 kg, asanorya 60 g, kintsay 60 g, langis ng oliba.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Seed, Diane (2012). The Top One Hundred Pasta Sauces. Random House. pp. 137–8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 May, Tony (2005). Italian Cuisine: The New Essential Reference to the Riches of the Italian Table. Macmillan. pp. 31–32.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Licino, Hal. "The Greatest Pasta Sauce You've Never Tasted". Hubpages. Nakuha noong 23 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. Asimov, Eric (28 Agosto 2002). "Restaurants: the cooking of Naples, pure and simple". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kingston, Ralph (2012). Bureaucrats and Bourgeois Society: Office Politics and Individual Credit in France 1789-1848. Palgrave Macmillan. p. 141.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Plotkin, Fred (1997). Recipes from Paradise: Life & Food on the Italian Riviera. Little, Brown and Company. p. 86. ISBN 0316710717.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 Alberts, Bonnie. "Cooking with Giuseppe – Paccheri alla Genovese". Nakuha noong 23 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Schwartz, Arthur (1998). Naples at Table: Cooking in Campania. HarperCollins. p. 4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Rosentals, John (31 Mayo 1990). "THE Sheraton Hobart has added more variety to the theme nights it has been running in the hotel's Gazebo Restaurant". Hobart Mercury.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)