Sasakyang panghimpapawid
Ang sasakyang lumilipad o sasakyang panghimpapawid[1][2] (Ingles: aircraft [pang-isahan at pangmaramihan] ay isang sasakyan o behikulong may kakayahang lumipad o sumalipadpad sa pamamagitan ng tulong ng hangin, o dahil sa suporta ng atmospero ng isang planeta. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sasakyang may lobo (napapaangat dahil sa mainit na hangin), mga eroplano, mga glayder (sasakyang walang makina ngunit sumasalimbay o sumasabay at nagpapatangay lamang sa hangin), at mga helikopter. Hindi itinuturing na isang sasakyang panghimpapawid ang karamihan sa mga kuwitis (mga rocket o skyrocket) o misil sapagkat hindi sila inaalalayan ng hangin bagaman may kakayahang sumahimpapawid. Tinatawag na abyasyon o pagpapalipad ang gawain ng taong may kaugnayan sa mga sasakyang lumilipad. Mayroon na ring mga sasakyang may makinang lumilipad subalit hindi naman talaga naglululan ng tao.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Blake, Matthew (2008). "Aircraft, sasakyang panghimpapawid". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Aircraft Naka-arkibo 2012-12-02 sa Wayback Machine. - ↑ Gaboy, Luciano L. Aircraft, sasakyang lumilipad; sasakyang panghimpapawid - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.