Pumunta sa nilalaman

Sistemang pandama

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sensual)
Tungkol ito sa sistemang pangkatawan, para sa laro pumunta sa dama. Hinggil sa emosyon, pumunta sa damdamin.
Unang elemento ng isang sistemang pandama ang mata ng tao: sa kasong ito, ang paningin, para sistemang biswal.

Ang sistemang pandama, sistemang pandamdam, o sistemang sensoryo ay isang bahagi ng sistemang nerbyos na may kinalaman sa pagproseso ng mga impormasyong pandama. Binubuo ang sistemang pandama ng mga tagatanggap ng pandama, mga landas ng nyural, at mga bahagi ng utak na kinakasangkutan ng pang-unawang pandama. Ang mga karaniwang kinikilalang mga sistemang pandama ay ang paningin, pandinig, pandamdam (panghipo), panlasa, at pang-amoy.

Ang mga organo ng pandama ay mga transduktor na pinapalitan ang datos mula sa panlabas na mundong pisikal tungo sa dominyo ng isip kung saan ipinakahulugan ang impormasyon ng indibiduwal, na nililikha ang kanilang pang-unawa sa mundo sa palibot nila.[1]

Ang espasyong reseptibo o receptive field ay isang lugar sa katawan o kapaligiran na kung saan tumutugon ang organong tagatanggap o selulang tagatanggap. Halimbawa, ang bahagi ng mundo na nakikita ng mata ay espasyong reseptibo nito; ang liwanag na nakikita ng bawat baras o kono ay ang espasyong reseptibo nito.[2] Natukoy ang mga espasyong reseptibo sa sistemang pantanaw, sistemang pandinig at sistemang somatosensoriyal.

Estadong inaktibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan na nasa estadong tahimik o inaktibo ang mga sistemang pandama, iyan ay, ang estado na nagtatagpo ang isang sistemang pandama sa kung kailan walang resepsyon o tinatanggap.

Maayos ang kahulugan nito sa isang sistemang inbaryanteng-oras na lineyal, na isang espasyong bektor ang pinasok na espasyo, at, sa gayon, mayroon itong puntong sero ayon sa depinisyon. Maayos din ang kahulugan nito sa pasibong sistemang pandama, iyan ay, isang sistema na gumagana na hindi kailangan ng pinasok na pampagana. Isang estado ng sistema ang estadong inaktibo na nagtatagpo kung kailan walang pinasok na pampagana.

Hindi laging maayos ang kahulugan sa mga organong pandama na di-lineyal at di-pasibo, yayamang, hindi sila gagana kung walang enerhiyang pinasok. Halimbawa, ang kolea (o cochlea) ay hindi organong pasibo, subalit aktibo itong nanginginig sa kanyang sariling buhok pandama upang ipagbuti ang pagkamapagdamdam nito. Naihahayag ito bilang emisyong otoakustiko sa mga taingang malulusog, at ang tinnitus sa mga taingang patolohikal.[3]

Mga sistemang pandama

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sistemang pandinig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistemang pandinig (Ingles: auditory system) ay ang sistemang sensoryo para sa pandama ng tunog o pakikinig. Tinatawag din itong sistemang auditibo at sistemang auditoryo.

Sistemang pantanaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistemang pangmata o sistemang biswal ay ang bahagi ng sistemang nerbyos na nagpapahintulot sa mga organismo upang makakita, makatingin, o makatanaw. Ipinapaunawa nito ang kabatiran mula sa nakikitang liwanag upang makabuo ng representasyon o kinatawan ng mundong nakapaligid sa katawan. May masalimuot na tungkulin ang sistemang ito na buuin o muling buuin ang mundong may tatlong dimensiyon mula sa isang pagpapakita o proyeksiyong may dalawang dimensiyon ng mundong ito. Tinatawag na persepsiyong biswal ang sikolohikal na manipestasyon ng kabatiran o impormasyong biswal. Tinatawag rin itong sistemang pantanaw at sistemang pantingin.

Mga sanggnian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Krantz, John. "Experiencing Sensation and Perception - Chapter 1: What is Sensation and Perception?" (PDF) (sa wikang Ingles). p. 1.6. Nakuha noong Mayo 16, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kolb, Bryan (2003). Winshaw, Ian Q. (pat.). Fundamentals of human neuropsychology (ika-5th (na) edisyon). New York, NY: Worth Publishers. ISBN 0-7167-5300-6. OCLC 55617319.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dallos, P (1992-12-01). "The active cochlea". The Journal of Neuroscience (sa wikang Ingles). 12 (12): 4575–4585. doi:10.1523/jneurosci.12-12-04575.1992. ISSN 0270-6474. PMC 6575778. PMID 1464757.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)