Seudosiyensya
Ang seudosiyensya (Kastila: pseudociencia; Ingles: pseudoscience; mula sa Griyego: Ψευδοεπιστήμη (Psevdoepistími) na nangangahulugang "agham na bulaan") ay isang pahayag (claim), paniniwala (belief), o kaugalian (practice) na ipiniprisentang pang-agham, ngunit hindi sumunod sa mga pang-agham na pamamaraan.[1] Ang isang sangay, pagsasanay, o kalipunan ng kaalaman ay maaaring makatwirang matawag na pseudoscientific kapag ito ay ipiniprisentang kapareho sa mga kaugalian ng makaagham na pananaliksik, ngunit bigo itong matugunan ang mga kaugaliang iyon.[2]
Ang pseudoscience ay madalas na nailalarawan sa mga sumusunod: pasalungat, malabis o hindi mapatunayang pahayag; labis na pananalig sa pagkumpirma sa halip na ang mahigpit na pagtatangka sa pagpapabulaan; kakulangan ng pagiging bukas sa pagsusuri ng iba pang eksperto sa field; at ang kawalan ng sistema ng mga kasanayan sa makatwirang pagbuo ng teorya. Ang terminong pseudoscience ay madalas na itinuturing na nakakasira[3] dahil ito ay nagmumungkahi ng ang isang bagay ay hindi tumpak o mapaglinlang na inilalarawan bilang agham. Alinsunod dito, ang mga sinasabing nagsasanay o nagtataguyod ng pseudoscience ay madalas na nilalaban ang ganitong mga paglalarawan.[4]
Ang agham ay maibubukod sa pahayag (revelation), teolohiya, o kabanalan (spirituality) dahil nag-aalok ito ng kaalaman (insight) sa pisikal na mundo na nakuha sa pamamagitan ng empirikal na pananaliksik at pagsubok.[5] Sa mga karaniwang paniniwala sa mga popular na agham (popular science) ay hindi maaaring matugunan ang mga pamantayan ng agham.[6] Maaring pinapalabo ng "pop science" ang dibisyon ng agham at pseudoscience sa masa, at maaari ring kasangkot ang science fiction.[6] Ang paniniwalang pseudoscientific ay laganap, kahit na sa mga guro ng agham at editor ng pahayagan.[7]
Ang paghihiwalay sa pagitan ng agham at pseudoscience ay implikasyong pilosopiko at pang-agham.[8] Ang pagtukoy sa pagkakaiba ng science mula sa pseudoscience may praktikal na implikasyon sa pangangalaga ng kalusugan, dalubhasang patotoo (expert testimony), patakaran sa kapaligiran, at edukasyon pang-agham.[9] Ang pagtatangi sa katototahan at teoryang makaagham mula sa paniniwalang pseudoscientific tulad ng matatagpuan sa astrolohiya, alchemy, medikal na pandaraya (medical quakery), paniniwalang occult, at creation science[9] na sinamahan ng konseptong pang-agham, ay bahagi ng edukasyong pang-agham at scientific literacy.[10]
Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "Wordnik, pseudoscience".
- ↑ Cover JA, Curd M (Eds, 1998) Philosophy of Science: The Central Issues, 1–82.
- ↑ Hill, Sharon (January 30, 2013). "The Trouble with Pseudoscience—It Can Be a Catastrophe". Skeptical Inquirer. Nakuha noong April 25, 2015.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong); Invalid|ref=harv
(tulong); Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ Hansson, Sven Ove (2008). "Science and Pseudoscience Section 2: The "science" of pseudoscience". Stanford Encyclopedia of Philosophy.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong) - ↑ Gould, Stephen Jay (1997). "Nonoverlapping magisteria". Natural History. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-01-04. Nakuha noong 2016-04-29.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong) - ↑ 6.0 6.1 Pendle, George. "Popular Science Feature – When Science Fiction is Science Fact". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2006-02-14. Nakuha noong 2016-04-29.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong) Maling banggit (Invalid na<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "Pendle" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Art Hobson (2011). "Teaching Relevant Science for Scientific Literacy" (PDF). Journal of College Science Teaching. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2011-08-24. Nakuha noong 2016-04-29.
- ↑ Imre Lakatos, Science and Pseudoscience, Science and Pseudoscience (transcript), Dept of Philosophy, Logic and Scientific Method, 1973.
- ↑ 9.0 9.1 Hansson, Sven Ove (September 3, 2008).
- ↑ Hurd PD (June 1998). "Scientific Literacy: New Minds for a Changing World". Science Education. 82 (3): 407–416. doi:10.1002/(SICI)1098-237X(199806)82:3<407::AID-SCE6>3.0.CO;2-G.