Pumunta sa nilalaman

Pamutat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Side dish)
Isang pamutat na makaroni at keso

Ang pamutat o pagkaing palamuti (Ingles: side dish, literal na "pagkaing panggilid", side order, side item, o side [panggilid] lamang, na kung minsan ay natatawag din bilang hors d'oeuvres) ay isang uri ng pagkain na kapiling ng entrée o pangunahing putahe ng isang magkakasunod na hain ng mga pagkain.[1]

Karaniwang mga uri

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang pamutat na ensaladang Griyego

Ang mga pamutat na katulad ng mga ensalada, mga patatas, at mga tinapay ay karaniwang ginagamit sa piling ng mga pangunahign kurso ng pagkain sa maraming mga bansa na nasa mundong kanluranin. Ang bagong mga pagkaing palamuti na ipinakilala sa loob ng nakalipas na dekada, katulad ng kanin at couscous ay naging napakatanyag sa buong Europa, natatangi na sa mga okasyong pormal (na ang couscous ay mas karaniwang lumilitaw sa mga handaang panghapunan na ipinakilala ng maraming mga pinanggalingang pang-Gitnang Silangan.

Kapag ginamit bilang isang pang-uri, ang mga salitang "pamutat" o "palamuti" ay madalas na tumutukoy sa isang mas maliit na dami na inihain bilang pagkaing "panggilid", sa halip na isang malaking hain na katulad ng sa pangunahign pagkain inihahain. Halimbawa, ang isang "palamuting ensalada" na isinilbing nakalagay sa isang maliit na mangkok o plato ay palamuti o pandagdag lamang kung ihahambing sa isang ensalada inihaing nakalagay sa isang malaking platong panghapunan.

Ang isang karaniwang paghahain ng pagkain sa Estados Unidos na mayroong pangunahing pagkain na mayroong karne ay maaaring magbilang ng isang pamutat na gulay, na kung minsan ay nasa anyo ng isang ensalada, at ng isang pamutat na gawa mula sa o mayroong gawgaw, katulad ng tinapay, mga patatas, kanin, o pasta.

Mayroong ilang mga kainan na nag-aalok ng may limitasyong mapagpipilian ng mga pamutat na kabilang sa presyo ng entrée bilang isang kumbinasyon ng mga pagkain. Bilang paghahambing, kung minsan ang mga pamutat ay nakahiwalay na inihahain magmula sa menung a la carte. Ang kataga ay maaari o hindi maaaring magpahiwatig na ang pagkain ay maaari lamang orderin na kapiling ang iba pang pagkain.[kailangan ng sanggunian]

Ang French fries ay ang pinaka pangkaraniwang pamutat na isinisilbi sa mga kainang fast-food at iba pang mga lutuin sa Estados Unidos.[kailangan ng sanggunian] Bilang pagtugon sa pagpuna hinggil sa nilalaman ng French fries na maraming taba at kaloriya, mayroong ilang mga kainang pam-fast food na kamakailang nagsimulang mag-alok ng iba pang mga pamutat, katulad ng mga ensalada, bilang panghalili para sa pamantayang French fries sa kanilang mga pagkaing tambalan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Side dish." (definition.) Merriam-webster.com. Napuntahan noong Agosto 2011.
  • Greene, Janet; atbp. (1982). Putting Food By. Stephen Greene Press. ISBN 0-8289-0468-5. Nakuha noong December 2011. {{cite book}}: Check date values in: |accessdate= (tulong); Explicit use of et al. in: |first= (tulong)
  • Family Living: Simply Delicious Side Dishes. Nakuha noong December 2011. {{cite book}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]