Pumunta sa nilalaman

Sigoto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sigoto
Pagbuo ng sigoto: ang selulang itlog pagkatapos ng pertilisasyon sa isang esperma. Nagtatagpo ang pronuclei ng babae at lalaki, subalit hindi pa nakakaisa ang materyal na henetiko.
Mga detalye
Araw0
TagapagpaunaMga gameto
Naguusbong saMga blastomero
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.45
TEE2.0.1.2.0.0.9
FMA72395

Ang saygot[1] (mula sa Ingles na zygote, bigkas: /zay-gowt/, mula Griyego ζυγωτός (zygōtós), na ang kahulugan ay "pinagsama, kinabit", mula ζυγοῦν (zygoun), na ang kahulugan ay "upang isama, upang ikabit"), sigota, o sigoto[2] (batay sa Kastilang cigoto)[3]) ay ang resulta ng pagtatagpo ng mga gameto ng lalake at ng babae. Sa saygot nagmumula ang bilig ng namumuong sanggol. Kombinasyon ang henoma ng sigoto ng DNA sa bawat gameto, at naglalaman ng lahat ng mga henetikong impormasyon ng isang bagong indibiduwal na organismo.

Sa mga organismong multiselular, ang sigoto ang pinakamaagang yugto ng paglaki. Sa mga tao at karamihan sa ibang organismong anisogamo, nabubuo ang sigoto kapag nagsasama ang isang selulang itlog at selulang esperma upang makalikha ng isang bagong katangi-tanging organismo. Sa mga organismong iisang-selula, aseksuwal na nahahati ang mga sigoto sa pamamagitan ng mitosis upang magkaroon ng kamukhang bunga.

Ang mga Alemang soolohistang sina Oscar at Richard Hertwig ay gumawa ng ilang unang tuklas sa mga pagbuo ng sigoto ng hayop noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Henetikong binago ang sigoto ng tao sa mga eksperimento na dinisenyo upang gamutin ang mga minanang sakit.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Zygote = Saygot Naka-arkibo 2008-03-11 sa Wayback Machine., batay sa bagong ortograpiyang Filipino (kasama naging halimbawa ang pagsasaling "saygot" mula sa Ingles na zygote na nasa loob ng isang talaan), NCCA.gov.ph, nakuha noong Marso 14, 2008.
  2. Gaboy, Luciano L. zygote - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. "English etymology of zygote". etymonline.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Editing human germline cells sparks ethics debate" (sa wikang Ingles). Mayo 6, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 18, 2015. Nakuha noong Mayo 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)