Simbahan ng Barasoain
Ang Simbahan ng Barasoain ay isang Katolikong simbahang matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas: ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15, 1898; ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos mula noong Setyembre 29, 1898 hanggang Enero 21, 1899; at ang pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899.<name="nih">"Simbahan ng Barasoain: Isang Pambansang Liwasan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-24. Nakuha noong 2007-05-23.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)</ref>
Sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 260, iprinoklama ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang simbahan bilang isang pambansang liwasan noong Agosto 1, 1973.[1]
Ito ngayon ang nasa likod ng sampung pisong papel, at ito din ay naging tanawin para sa mga turista.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.