Pumunta sa nilalaman

Sinagumpit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang sinagumpit ay isang lutuing katutubo ng mga taong Dumagat sa Luzon. Ang pagkaing ito ay binubuo ng dinikdik na talangka, bawang, sili, asin at talbos ng sili. Niluluto ito sa buho na pabanghi (parang ihaw). Maaring ipalit ang hipon at isda sa talangka at maari ding lagyan ng gata upang lalong maging masarap. Isa itong katutubong lutuin na ginagawa lamang sa kabundukan ng Quezon at Rizal.

PagkainPagluluto Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Pagluluto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.