Sinarapan
Itsura
Sinarapan | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Actinopterygii |
Orden: | Gobiiformes |
Pamilya: | Oxudercidae |
Sari: | Mistichthys |
Espesye: | M. luzonensis
|
Pangalang binomial | |
Mistichthys luzonensis Smith, 1902
|
Ang sinarapan o tabyos (Mistichthys luzonensis) ay pinakamaliit na isdang pangkalakalan (commercial) na inaani na matatagpuan lamang sa Pilipinas. Endemiko ito sa Rehiyon ng Bikol, partikular sa Lawa ng Buhi, Lawa ng Bato, Ilog ng Bikol at ibang bahagi ng tubig sa lalawigan ng Camarines Sur.
Isang uri ng goby ang sinarapan at nanganganinag sila, maliban sa mga itim na mata. Karaniwang nasa 12.5 milimetro ang haba nito at mas maliit ang lalaki kaysa babae.
Sa ngayon, nanganganib ang sinarapan na maglaho dahil sa labis na pangingisda.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sinarapan—Ang Pinakamaliit na Isdang pangkalakalan (commercial) Naka-arkibo 2004-10-10 sa Wayback Machine.
- Proyektong Pagpapanatili sa Bicol University
- Fishbase.org: Buod ng Mistichthys luzonensis Species
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.