Pumunta sa nilalaman

Singsing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sing-sing)
Huwag ikalito sa sinsin.

Ang singsing o anilyo ay isang piraso ng alahas na karaniwang isinusuot sa daliri, partikular na sa daliring palasingsingan. Kalimitang gawa ito sa metal na katulad ng ginto, pilak, platino, ngunit maaari ring yari sa iba pang mga bagay na tulad ng buto o salamin. Marami sa mga singsing ang mayroong nakapatong o nakadikit na batong hiyas. Sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya, mayroong "gintong singsing" na nilalarawan sa Henesis 24:20 na, ayon kay Jose Abriol, ay mga uri ng singsing na ikinakabit sa ilong, at ginagamit ng mga kababaihan sa Sirya at Ehipto magpahanggang sa kasalukuyang panahon.[1][2] Tinatawag na munting singsing, siningsing, o buklod ang isang maliit na anilyo.[2][3]

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Singsing". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 40.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Singsing, anilyo, munting singsing (ringlet, little ring), palasingsingan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1245.
  3. Blake, Matthew (2008). "Ringlet, siningsing, buklod". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa ringlet Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.