Sipero
Sa kriptograpiya, ang sipero(cipher) ang algoritmo upang isagawa ang enkripsiyon at dekripsiyon ng impormasyon.
Kaurian[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang sipero ay maaaring uriin ayon sa:
- kung ang sipero ay gagawin sa mga bloke(block) ng mga simbolo na karaniwan ay nakatakda ang sukat o kung ang sipero ay gagawin sa sunod-sunod na strimo(continous stream) ng mga simbolo.
- kung ang parehong susi ay gagamitin para sa enkripsiyon at dekripsiyon(o simetrikong susi na algoritmo) o kung magkaibang susi ang gagamitin sa enkripsiyon at dekripsiyon(asimetrikong susi na algoritmo).