Sistemang pahalang ng mga koordinado
Ang sistemang pahalang ng mga koordinado ay isang sistemang panlangit ng mga koordinado na gumagamit ng lokal na horizon ng tagatingin bilang pundamental na lapta. Hinahati ng sistemang koordinadong ito ang kalangitan sa hilagang hemispero na kung saan ang mga bagay ay nakikita at ang timog hemispero na kung saan ang mga bagay ay hindi nakikita[kailangan ng sanggunian] dahil ang mundo ay umiikot. Ang malaking bilog na naghahati sa hemispero ay tinatawag na panlangit na guhit-tagpuan (celestial horizon) o rasyonal na guhit-tagpuan (rational horizon). Tinatawag na zenith ang polo sa hilagang hemispero. Tinatawag namang nadir ang polo sa timog hemispero. [1]
Ito ang mga pahalang na koordinado:
- Altitud (Alt), kadalasang tinatawag na elebasyon, ay ang anggulo sa pagitan ng bagay at ang lokal na guhit-tagpuan ng tagatingin. Ipinapakita ito bilang anggulo sa pagitan ng 0 hanggang 90 degree.
- Azimuth (Az), ito ang anggulo ng bagay sa palibot ng guhit-tagpuan, kadalasang sinusukat mula sa hilaga hanggang sa silangan.
- Layong Zenith, ito ang layo mula sa direktang taas ng ulo (halimbawa ang zenith) ay kadalasang ginagamit bukod sa altitud sa ilang kalkulasyon na gumagamit ng ganitong koordinado. Nakikisama ang layong zenith sa altitude (halimbawa ang 90°-altitud).
Kadalasang tinatawag rin ang sistemang pahalang ng mga koordinado ng az/el[2] o sistemang Alt/Az ng mga koordinado.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Schombert, James. "Earth Coordinate System". University of Oregon Department of Physics. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 8 Abril 2022. Nakuha noong 19 Marso 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ hawaii.edu