Pumunta sa nilalaman

Gusaling tukudlangit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Skyscraper)
Empire State Building sa Lungsod ng New York, Estados Unidos

Ang gusaling tukudlangit[1] o pangkaskaslangit (Ingles: skyscraper) ay isang patuluyang matitirahang napakataas na gusali o napakatayog na gusali.[2] Ito ay may higit sa 40 palapag[3] at mas matangkad sa halos 150 m (492 tal).[4] Ayon sa kasaysayan, unang tumukoy ang salita sa mga gusaling may 10 hanggang 20 palapag noong dekada 1880. Bumago ang kahulugan nito noong sumulong ang teknolohiya sa konstruksyon noong ika-20 siglo.[3] Ang mga ganitong gusali ay maaaring maglaman ng mga opisina, otel, tirahan at tingian.

Ang isang karaniwang katangian ng mga gusaling tukudlangit ang pagkakaroon ng balangkas-bakal na nakasusuporta sa mga dingding-kurtina. Nauugnay ang mga ito sa balangkas sa ilalim o nakasuspinde mula sa balangkas sa itaas, sa halip na nakasandal sa mga dingding de-karga ng pangkaraniwang konstruksyon. Ang ilan sa mga unang gusaling tukudlangit ay may balangkas-bakal na nagpapahintulot ng konstruksyon ng mga mas mataas na dingding de-karga kaysa sa mga gawa sa pinatibay na kongkreto.

Hindi de-karga ang mga dingding ng mga makabagong gusaling tukudlangit, at karamihan sa mga ito ay kakitaan ng mga malalaking dawak-ibabaw ng mga bintana na posible dahil sa mga balangkas-bakal at dingding-kurtina. Gayunpaman, ang mga gusaling tukudlangit ay maaaring magkaroon ng mga dingding-kurtina na gumagaya sa mga pangkaraniwang dingding na may maliit na dawak-ibabaw ng mga bintana. Karaniwang may istrukturang malatubo ang mga makabagong pangkaskaslangit, at idinisenyo upang makakilos bilang hungkag na bumbong upang malabanan ang hangin, lindol, at iba pang patagilid na pasan. Upang magmukhang mas balingkinitan, iwasan ang pagkalantad sa hangin at mas maarawan ang ibaba, maraming gusaling tukudlangit ang may disenyo na may sagabal, na sa mga ilang kaso ay kinakailangan ng istruktura.

Magmula noong January 2020, siyam na lungsod lang ang may higit sa 100 gusaling tukudlangit na may taas ng 150 m (492 tal) o mas mataas pa: Hong Kong (355), Lungsod ng New York (284), Shenzhen (235), Dubai (199), Shanghai (163), Tokyo (155), Chongqing (127), Chicago (126), at Guangzhou (115).[5]

Mga piling halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sagalongos, Felicidad T.E. (1968). "Gusaling tukudlangit". Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles.
  2. English, Leo James (1977). "Skycraper, napakataas na gusali, napakatayog na gusali". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 The Editors of Encyclopædia Britannica. "Skyscraper". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 25 Oktubre 2016. {{cite web}}: |last1= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ambrose, Gavin; Harris, Paul; Stone, Sally (2008). The Visual Dictionary of Architecture. Switzerland: AVA Publishing SA. p. 233. ISBN 978-2-940373-54-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Number of 150m+ Completed Buildings - The Skyscraper Center". Skyscrapercenter.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2019. Nakuha noong 19 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.