Estakte
Ang estakte[1][2][3] (Ingles: stacte) ay isang uri ng mabangong sahing na nakukuha sa punungkahoy. Ginagamit ito sa paggawa ng mga insenso.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang salitang estakte sa στακτή o staktḗ ng Griyego. Tinatawag din itong nataph, na nagmula naman sa nataf ng Ebreo. Ito ang mga katawagan sa mga sangkap na tinatalakay sa Exodus 30:34. Magkakaiba ang pagbabatay ng pagsasalin ng mga salitang ito mula sa terminong Griyegong (AMP: Exodus 30:34) o sa isang hindi matukoy na gum resin o kahawig na (NIV: Exodus 30:34): subalit dapat na ihalo ang estakte sa magkakatimbang na mga bahagi kasama ng unya (inihanda mula sa mga kabibe ng suso), galbanum at purong kamanyang. Gagawing pinong pulbos ang mga pinaghalong ito para sa pagsusunog ng mga insenso sa altar ng tabernakulo.
Itinuring na para sa mga banal na gawain lamang ang insensong ito upang purihin si Yahweh; pinaparusahan ang mali at masamang paggamit nito sa pamamagitan ng pagpapalayas, batay sa nasusulat sa Exodus 30:34–38 (KJV).
Hindi ganap na malinaw kung saan nagmula ang halamang nataf. Pinaniniwalaang ito ang mira ng pinakamataas na uri, ang dagta o resin ng Styrax officinalis (tingnan din ang benzoin resin), o maging ang storax, ang resin ng Turkish Sweetgum (Liquidambar orientalis).[4]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Estakte, Exodo 30:34". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Exodus 30:34, estacte
- ↑ Spices: stacte
- ↑ Encyclopedia Britannica (1911), ISBE (1915), Bible Encyclopedia.net (2007)
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa Encyclopædia Britannica Ika-11 Edisyon, isang publikasyon na nasa publikong dominyo na.
- Bible Encyclopedia.net (2007): Stacte Naka-arkibo 2008-06-01 sa Wayback Machine.. Version of 07:35, 22 June 2007. Retrieved 2007-DEC-19.
- International Standard Bible Encyclopedia (ISBE) (1915): Stacte. Retrieved 2007-DEC-19.