Pumunta sa nilalaman

Estepa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Steppe)
Steppe sa Mongolia

Ang estepa (mula Kastila: estepa, Ingles: steppe) sa heograpiyang pisikal ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng estepa ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang estepa ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.