Stupa ng Mankiala
Ang Stupa ng Mankiala (Urdu: مانكياله اسٹوپ ) ay isang ika-2 siglong Budistang stupa malapit sa nayon ng Tope Mankiala, sa lalawigan ng Punjab ng Pakistan. Ang stupa ay itinayo ng mga Kushan at sinasabing ginugunita ang lugar, kung saan ayon sa mga kuwento ng Jataka, isang pagkakatawang-tao ng Buddha na tinatawag na Prinsipe Sattva ang nagsakripisyo ng sarili upang pakainin ang pitong gutom na anak ng tigre.[1]
Kinaroroonan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang stupa ay Mankiala ay matatagpuan sa nayon ng Tope Mankiala, malapit sa pangalan ng lugar ng Sagri at ika-2 malapit sa nayon ng Sahib Dhamyal. Ito ay 36 km timog-silangan ng Islamabad, at malapit sa lungsod ng Rawalpindi. Ito ay makikita mula sa kalapit na makasaysayang Muog ng Rawat.
Kahalagahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang stupa ay itinayo upang gunitain ang lugar, kung saan ayon sa mga kuwento ng Jataka, ang Sutra ng Ginintuang Ilaw at popular na paniniwala, si Prinsipe Sattva, isang naunang pagkakatawang-tao ng Buddha, ay nagsakripisyo ng ilan sa kaniyang mga bahagi ng katawan o ang kanyang buong katawan upang pakainin ang pitong gutom na anak ng tigre.[1][2]
Kasaysaysan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing ang stupa ay itinayo noong panahon ng paghahari ng Kanishka sa pagitan ng 128 at 151 CE.[3] Ang isang alternatibong teorya ay nagmumungkahi na ang stupa ay isa sa 84 tulad ng mga gusali, na itinayo noong panahon ng paghahari ni Mauryanong emperador na si Ashoka upang ilagay ang mga abo ng Buddha. Sinasabing madalas na binibisita ni Emperador Kanishka ang stupa na ito para magbigay galang kay Buddha sa panahon ng kaniyang mga kampanya.[kailangan ng sanggunian]
Ang stupa ay kanluraning natuklasan ni Mountstuart Elphinstone, ang unang Briton na emisaryo sa Afghanistan, noong 1808 - isang detalyadong salaysay kung saan nasa kaniyang memoir na 'Kingdom of Caubul' (1815).[3] Ang stupa ay naglalaman ng isang ukit na nagpapahiwatig na ang stupa ay ipinanumbalik noong 1891.
Mga relikya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga relikyang deposita ng Mankiala stupa ay natuklasan ni Jean-Baptiste Ventura noong 1830. Ang mga labi ay tinanggal mula sa pook sa panahon ng Britanikong Raj, at ngayon ay nakalagay sa Britanikong Museo.[kailangan ng sanggunian]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Bernstein, Richard (2001). Ultimate Journey: Retracing the Path of an Ancient Buddhist Monk who Crossed Asia in Search of Enlightenment. A.A. Knopf. ISBN 9780375400094. Nakuha noong 16 Hunyo 2017.
Mankiala tiger.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Golden Light Sutra 18.
- ↑ 3.0 3.1 "The forgotten Mankiala Stupa". Dawn. 26 Oktubre 2014. Nakuha noong 16 Hunyo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |