Pumunta sa nilalaman

Sunog sa klab ng Khromaya Loshad

Mga koordinado: 58°0′49″N 56°13′55″E / 58.01361°N 56.23194°E / 58.01361; 56.23194
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sunog sa Perm Lame Horse club)
Sunog sa klab ng Khromaya Loshad
Distrito ng Lungsod ng Leninsky, Perm, Perm Krai, Rusya
Petsa 4 Disyembre 2009 (2009-12-04)
Oras Naiulat na noong:
11:15pm(MSK)[1]/01:08[2]/01:10[3]/01:30[4]
(all times YEKT)
Lokasyon Distrito ng Lungsod ng Leninsky, Perm, Perm Krai, Rusya
Mga nasawi
139 katao ang namatay[5] sa usok, sunog at pagtatakbuhan

Ang Sunog sa klab ng Khromaya Loshad ay isang sunog na dulot ng paputok sa Khromaya Loshad (Ruso: Хромая лошадь, na ang ibig sabihi'y "Lame Horse" o "lampang kabayo") naytklab sa Kalye Kuybysheva Blg.9 sa Perm, Rusya noong 4 Disyembre 2009.

Mahigit isang daang katao ang namatay at 160 pa ang sugatan sa nangyari sakuna sa nait klab, na noo'y nagdiriwang ng ikawalong toang anibersaryo nito.[6][7][8]

Ayon sa mga testigo, isang aksidente na kinasangkutan ng eksibisyon ng mga paputok na dinisenyo para sa paggamit sa loob ng gusali ang nangyari sa pagdiriwang ng ikawalong anibersaryo sa nasabing klab.[9]

Isang paputok ang pumailanlang sa itaas na dapat sana'y sasaluhin ang napadikit sa kisame na siyang nagsimula ng pagsabog. Ang mga pangdekorasyong hinabing mga maliliit na sanga sa dingdng at kisame ay inabot rin ng sunog na siyang naging dahilan sa pagkapuno ng usok sa buong gusali.

Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng pagtatabuhan ng maraming tao nang malaman nila na iisa lamang ang maaari nilang daanan palabas, dahil na rin sa pagsasara ng namamahala sa iba pang labasan at sa hindi pagkakaalam ng publiko sa labasang pang-hindi inaasahang pangyayari sa likod ng entablado.

Pasukan ng klab na "Lame Horse".

Nagpadala na ang Punong Ministro ng Rusya na si Vladimir Putin nang dalawang eroplano sa lugar upang madala ang mga biktimang nagkaroon ng sunog at trauma. Nagpadala naman si Pangulong Dmitry Medvedev ng ilang matataas na opisyal sa Perm para magbigay tulong sa mga biktima, pamahalaan ang insidente, at pasimulang ang imbestigasyon sa nangyari,[10] na nagpahayag pa na "walang utak o konsensiya" ang mga nagsimula ng sunog.[11] Idineklara ni Medvedev ang 7 Disyembre 2009 bilang pambansang araw nang pagluluksa.[10]

Sa tala noong 6 Disyembre 2009, 117 katao na ang namatay[12] at mayroon pang 123 mga biktima ang ang sumasailalim sa pangangalagang medikal sa mga ospital. Nadala ng EMERCOM ang animnapung (60) sugatan patungong Moscow at 30 patungong Saint-Petersburg.[13]

Isang hotline ang itinalaga sa Perm para sa mga mamamayan na naghahanap ng impormasyon sa mga nasugatan o namatay.[14]

Mga bulaklak na nasa harap ng klab.

Mayroong mga usap-usapan na ang pagsabog ay kagagawan ng mga terorista, subalit idineklara naman ni Vladimir Markin, tagapagsalita ng Rusyan Prosecutor's Investigative Committee, na ang sunog ay sanhi ng hindi maayos na paggamit ng mga paputok.[14][15] Ang sunog ang itinuturing na pinakagrabe sa Rusya mula noong bumagsak ang Unyong Sobyet noong 1991. Ang dating may pinakamaraming namatay sa sunog ay noong Marso 2007 sunog sa isang pansariling pagamutan sa Krasnodar kung saan 63 ang namatay. Nagkaroon na ng ilang nakakamatay na sunog sa mga pampublikong lugar sa Rusya sa mga nagdaang taon, bagay na iniuugnay sa mahinang pagpapatupad ng mga batas at alituntunin sa seguridad sa sunog.[16]

Mayroong mga pagkakatulad ang nasabing insidente sa Sunog sa Estasyon noong 2003 sa estado ng E.U. na Rhode Island, na ang dahilan rin ay ang pagsabg ng mga paputok sa loob ng klab kung saan maraming mga buhay ang nawala.[17]

Isang tagapagsalita ng serbisyong hindi inaasahang pangyayari ang nagsabi na karaminhan sa mga biktima ay namatay dahil sa pagkalanghap ng usok at pagkalason sa carbon monoxide.[18]

Imbestigasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hanggang noong 6 Disyembre 2009, apat na tao ang dinetina dahil sa nasabing sunog. Hindi pasila pormal na sinasampahan nang kaso at itinuturing na mga suspek. Noong Disyembre 6 pinayagan ng korte ang dalawang buwang pagkakakulong para sa suspek na kinikwestyon. Naghahanda naman na ang serbisyo ng prosekusyon sa pagsasampa ng kaso na walang ingat na pagpatay sa kapwa (artikulo 109 at 209 ng Kodigo ng Krimen ng Rusya).[19] Ayon sa ilang ulat ng medya nang Rusya, tinanggka umanong umiwas ni Anatoly Zak, isa sa mga suspek na iwasan ang pagkakakulong sa pag-alis sa Perm, bago pa siya mahuli ng mga pulis.[20]. Isa si Anatoly Zak sa mga may-ari nang Lame Horse club, isang akusasyong mariin niyang itinatanggi.[19]. Ang isang hindi pa kilalang suspek , na may-ari ng Lame Horse club ang sugatan pa rin at patuloy na sumasailalim sa pangangalang medikal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harding, Luke (2009-12-06). "Rusya mourns 109 killed in nightclub blaze". The Guardian. Nakuha noong 2009-12-06. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.newsru.com/russia/05dec2009/shoygu.html
  3. http://infox.ru/accident/incident/2009/12/05/Pozhar_v___Hromoy_lo.phtml
  4. http://www.baltinfo.ru/news/V-Permskom-krae-obyavleny-dni-traura-po-pogibshim-pri-pozhare-v-kafe-118656
  5. Число погибших в пермском клубе достигло 139 Pravda.ru Nakuha noong 2009-12-11.
  6. "BBC News – Explosion in Rusyan nightclub 'kills scores'". news.bbc.co.uk. Nakuha noong 2009-12-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Rusya: Explosion In Nightclub In Perm Kills 100 People, Reports Say". news.sky.com. Nakuha noong 2009-12-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Perm, Rusya Nightclub Explosion Kills More Than 100: Reports". www.huffingtonpost.com. Nakuha noong 2009-12-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. (sa Ruso) "Трагедия в Перми: более ста человек погибли при пожаре в ночном клубе". RIA Novosti. 2009-12-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-09. Nakuha noong 2009-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Дмитрий Медведев объявил 7 декабря в России днем траура в связи с пожаром в Перми Naka-arkibo 2009-12-08 sa Wayback Machine.//Русская служба новостей, 05.12.2009, 13:15
  11. "Rusyan president says nightclub blaze is criminal act". BBC. Nakuha noong 05 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  12. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Newsru); $2
  13. "Число жертв пожара в Перми увеличилось до 113 человек". Interfax.ru. Retrieved on 2009-12-07.
  14. 14.0 14.1 "Число погибших в ночном клубе в Перми превысило 100 человек". Lenta.ru (sa wikang Rusyan). Rambler Media Group. 5 Disyembre 2009. Nakuha noong 5 Disyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  15. "Investigators rule out terrorist attack on Urals cafe". RIA Novosti. 2009-12-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-13. Nakuha noong 2009-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Voutsen, Anna; Matthew Campbell (06 Disyembre 2009). "Blazing night club that claimed 109 lives had failed safety rules". The Times. Nakuha noong 06 Disyembre 2009. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)[patay na link]
  17. Levy, Clifford (6 Disyembre 2009). "Tolls Stirs Anger in Rusyan Nightclub Fire". The New York Times. The New York Times Company. Nakuha noong 6 Disyembre 2009. The Perm fire seemed to be similar to one that occurred in Rhode Island in 2003 when pyrotechnics at a rock concert touched off a blaze that killed 100 people.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Explosion in Rusyan nightclub 'kills scores'". BBC News. 2009-12-05. Nakuha noong 2009-12-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 "Заключение под стражу". Interfax.ru. Retrieved on 2009-12-06.
  20. "Милиция пресекла бегство владельца сгоревшего пермского клуба". Lenta.ru. Retrieved on 2009-12-06.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

58°0′49″N 56°13′55″E / 58.01361°N 56.23194°E / 58.01361; 56.23194