Pumunta sa nilalaman

Super Bagyong Pepito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
 Super Bagyong Pepito (Man-yi
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 5 (Saffir–Simpson)
NabuoNobyembre 9, 2024
NalusawNobyembre 20, 2024
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 195 km/h (120 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 260 km/h (160 mph)
Pinakamababang presyur920 hPa (mbar); 27.17 inHg
Namatay10+
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024

Ang Super Bagyong Pepito, (Pagtatalagang pandaigdig: Super Bagyong Man-yi ay isang napakalakas na bagyo na nanalasa sa Pilipinas, ang ika 16 na bagyong tatama sa Pilipinas at ang ika ikaapat bagyo sa buwan ng Nobyembre 2024, Matapos dumaan ang mga Bagyong Marce, Nika at Ofel na pare-parehong tumama sa Hilagang Luzon, Ang Super bagyo ay isa sa mga maituturing sa kasalukuyang malakas na bagyo matapos ang Bagyong Enteng. Ang Super bagyo ay maihahanay na isa sa mga malalakas na bagyong tumama sa kasaysayan ng Pilipinas.

Meteorolohikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang galaw ng super bagyong Pepito.

Ika Nobyembre 9 ay namataan ng JMA ng Japan at JTWC ng Amerika ang isang sirkulasyon sa likuran ng mga bagyong Marce, Nika at Ofel na nakahilera sa Kanlurang Karagatang Pasipiko maging sa Dagat ng Pilipinas (East Philippine Sea) ang bagyo ay kumikilos ng pasubsob sa direksyon pa timog-kanluran habang binabaybay ang malaking Karagatang Pasipiko, Ika Nobyembre 11 ay namataan ang bagyo sa layong 1,150 kilometro silangan ng Guiuan, Silangang Samar, Ika Nobyembre 14 ng gabi ay tuluyang pumasok ang sentro ng bagyo sa PAR ng Pilipinas ay patuloy na binabaybay ang mga rehiyon ng Silangang Kabisayaan, Rehiyon ng Bicol at sa Timog Luzon. Ika Nobyembre 16; 9:40 pm ng gabi ang naglandfall ang sentro ng bagyo Pepito sa bayan ng Panganiban, Catanduanes, habang tinatahak ang direksyon kanluran hilagang-kanluran sa isla ng Calaguas, Ika Nobyembre 17; 3:40 pm ng hapon muling naglandfall sa pangalawang pagkakataon ang sentro ng bagyo sa bayan ng Dipaculao, Aurora habang umuusad sa direksyong hilagang kanluran patungo sa mga bayan ng Nagtipunan, Quirino, Bambang, Nueva Vizcaya at Atok, Benguet, Humina ang sirkulasyon ng bagyo bilang Typhoon (2) Kategorya ng ito ay tumawid sa mga kabundukan ng Sierra Madre at Cordillera Ridge, hanggang sa ito ay makalabas sa bayan ng Bacnotan, La Union-San Juan, La Union area

Nakaantabay ang ilang ahensya ng PAGASA sa galaw ng bagyo na kung saan ang sentro ng bagyo, Nakataas sa red hightened alert ang mga rehiyon sa Silangang Kabisayaan, Kabikulan, Timog Katagalugan maging ang Gitnang Luzon, Puspusan ang paghahanda sa mga lalawigan ng Albay mga lalawigan ng Camarines, Catanduanes at t Sorsogon sa posibilidad na scenariong pag tama ng bagyo sa galaw na pababa o paangat, maging ang ilang ahensya sa mga weather forecast ay naalarma sa malikot na galaw ni Pepito.

Nag-iwan ng malaking pinsala ang bagyong Pepito partikular sa mga bayan ng Viga, Catanduanes, Panganiban, Catanduanes, Daet, Camarines Norte, isla ng Calaguas maging sa mga bayan ng Jomalig, Quezon, Panukulan, Quezon, Baler, Aurora at Dipaculao, Aurora na nagdulot ng kawalan ng suplay ng ilaw, tubig at komunikasyon, Nagiwan ang bagyong Pepito ng mga sirang kabahayan sa munisipalidad ng Baler sa Aurora.

Sinundan:
Ofel
Kapalitan
Pepito
Susunod:
Querubin (unused)