Pumunta sa nilalaman

Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024
Mapa ng mga dinaanan ng bagyo sa panahong ito
Hangganan ng panahon
Unang nabuoMayo 22, 2024
Huling nalusawHindi pa tukoy
Pinakamalakas
PangalanAghon
 • Pinakamalakas na hangin130 km/o (80 mil/o)
(10-minutong pagpanatili)
 • Pinakamababang presyur980 hPa (mbar)
Estadistika ng panahon
Depresyon2
Mahinang bagyo2
Bagyo1
Superbagyo0 (di-opisyal)
Namatay6
Napinsala$20.77 milyon (2024 USD)(PHP1.02 bilyon)
Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko
2022, 2023, 2024, 2025, 2026

Ang panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024 ay ang panahon ng bagyo na taunang nagaganap sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Bagamat taunan, nagiging aktibo ito pagsapit ng buwan ng Mayo hanggang Oktubre. Ang unang bagyo na nabuo at pinangalanan sa loob ng lugar ng responsibilidad, Aghon, ay nabuo noong Mayo 22 na kalaunan ay tumama sa Pilipinas at lumakas bilang ang unang matinding bagyo ng taon.

Limitado ang artikulong ito sa Karagatang Pasipikong nasa itaas ng ekwador sa pagitan ng 100° silangan at ika-180 meridyan. Sa loob ng bahaging ito ng Pasipiko, may dalawang pangunahing ahensiyang nagpapangalan sa mga bagyo na nagiging dahilan para magkaroon ng dalawang pangalan ang iisang bagyo. Papangalanan ng Ahensiyang Pampanahon ng Hapon (Japan Meteorological Agency, JMA) ang isang sama ng panahon kung ito ay may 10-minutong napapanatiling bilis ng hangin na hindi bababa sa 65 kilometro kada oras (40 milya kada oras) saanman sa nasasakupang lugar, samantalang pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga dumadaan na bagyo o nagiging depresyong tropikal (tropical depression) sa loob ng kanilang lugar ng responsibilidad sa pagitan ng 135° sa silangan hanggang 115° sa silangan at sa pagitan ng 5° hilaga hanggang 25° hilaga kahit na wala pang binibigay na pangalan ang JMA. Ang mga minamanmanan na depresyon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos ay binibigyan ng isang numero at hulaping "W."

Ginagamit ng artikulong ito ang pangalan na binigay ng PAGASA. Para naman sa mga bagyong di pinangalanan ng PAGASA, gagamitin ang pangalan nito sa buong mundo, nang ''nakapahilis''.

Pagtataya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pagtataya sa panahong 2024
Petsa ng pagtataya ng TSR Bagyo Malubhang bagyo Matinding bagyo ACE Sanggunian
Kadalasan (1991–2020) 25.5 16.0 9.3 301 [1]
Mayo 7, 2024 25 15 7 225 [1]
Panahon ng 2024 Ahensiya Bagyo Mahinang bagyo Matinding bagyo Sang.
Aktwal na aktibidad JMA 2 2 1
Aktwal na aktibidad JTWC 2 1 1
Aktwal na aktibidad PAGASA 1 1 1

Taon-taon naglalabas ang iba't ibang mga ahensiyang pampanahon ng maraming bansa ng kani-kanilang mga pagtataya patungkol sa kung ilan ang mabubuong bagyo sa isang panahon, o di kaya'y ilang bagyo ang makakaapekto sa isang partikular na bansa o rehiyon. Kasama sa mga ahensiyang ito ay ang Konsorsyo sa Peligro ng Bagyo (Tropical Storm Risk Consortium) ng University College London, ang PAGASA ng Pilipinas, at ang Kawanihang Sentral ng Panahon ng Taiwan.

Noong Mayo 7, inilabas ng Tropical Storm Risk (TSR) ang unang pagtataya nito para sa 2024 season, hinulaan na ang tropikal na aktibidad para sa 2024 ay mas mababa sa average na may 25 na pinangalanan bagyo, 15 na bagyo at 7 na malalakas na bagyo. Ito ay sa kadahilanan ng kasalukuyang El Niño sa panahong iyon, na inaasahan na mapalitan sa mahina o katamtamang La Niña sa kalagitnaan ng taon.[1]

Buod[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang nabuong bagyo sa halos limang buwan hanggang sa Mayo 22 nang may nabuong isang tropikal na depresyon sa timog-silangan ng Palau. Ito ay kalaunang pinangalanang Aghon ng PAGASA. Sumunod ay nag-landfall si Aghon nang siyam na beses sa Pilipinas: Isla ng Homonhon; Giporlos, Eastern Samar; mga Isla ng Basiao at Cagduyong ng Catbalogan, Samar; Batuan, Masbate; Masbate City; Torrijos, Marinduque; Lucena at Patnanungan, Quezon. Nang maglaon, ito ay binigyan ng pangalang Ewiniar ng JMA at sa kalaunan ay lumakas bilang isang typhoon sa Dagat Pilipinas. Kumilos ito papunta sa bansang Hapon at naging extra-tropikal na bagyo nong Mayo 30. Sa parehong araw, isang panibagong depresyon ang nabuo sa timog-kaliwa ng Haikou at pinangalanang Maliksi ng JMA. Kinabukasan ay tumama din ito sa Tsina at nalusaw noong Hunyo 2.

Mga sistema[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

1. Bagyong Aghon (Ewiniar)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagyong Aghon (Ewiniar)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 2 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoMayo 22
NalusawMayo 30
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 130 km/h (80 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 175 km/h (110 mph)
Pinakamababang presyur980 hPa (mbar); 28.94 inHg

Ang Bagyong Aghon ay ang unang bagyong pumasok sa Pilipinas sa taong 2024. Ito ay unang namataan bilang Low Pressure Area (LPA) sa layong 350km hilaga ng bansang Papua New Guinea sa Karagatang Pasipiko. Ito ay kumikilos sa bilis na 10kph sa direksyong kanluran-hilagang kanluran at naging isang ganap na bagyo sa layong 250 kilometro sa silangan ng Dinagat Islands sa Mindanao. Ika-Mayo 26 nang mag landfall ang bagyo sa isla ng Homonhon sa bayan ng Guiuan sa lalawigan ng Silangang Samar at kumilos sa direksyong hilagang kanluran. Tumama ang bagyo sa bayan ng Batuan at lungsod ng Masbate sa Masbate bago tumawid ang Dagat Sibuyan at muling nag landfall sa bayan ng Torrijos, Marinduque sa Baybaying Tayabas at sa lungsod ng Lucena. Kumilos ang sirkulasyon sa direksyong pa hilagang silangan bago lumabas sa Baybaying Lamon, silangan ng Mauban sa Quezon. Kalaunan ay lumakas lalo ito at tumama sa bayan ng Patnanungan bago ito tuluyang lumayo sa Pilipinas. Tumama ito sa isla ng Minamidaitōjima bago ito ay naging extra-tropikal kalaunan sa silangan ng Hapon noong Mayo 30.

Umabot sa ₱1.02 billion ang naging pinsala ni Aghon sa agrikultura at imprastraktura at kumitil ng 6 na buhay at 8 ang nasugatan mula sa bagyo. Libo-libo ang direktang na-apektuhan ng bagyo sa Pilipinas.[2] Natala naman ang malakas na bugso ng hangin ng bagyo sa Hapon.

Nasa labas ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

2. Bagyong Maliksi[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagyong Maliksi
Bagyo (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoMayo 30
NalusawHunyo 2
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur998 hPa (mbar); 29.47 inHg

Nabuo si Bagyong Maliksi bilang isang depresyon sa timog-silangan ng Haikou sa bansang Tsina noong Mayo 30. Ito ay mabagal na kumilos pa-hilaga hanggang sa pinangalanan ng JMA ang bagyo nang Maliksi nang sumunod na araw. Ngunit, pinatili ng JTWC ang pagiging depresyon nito hanggang sa mag-landfall ito sa Tsina ng madaling araw ng Hunyo 1. Ito ay nalusaw bilang LPA pagkalipas nang isang araw habang kumikilos pa-silangan patungong Taiwan.

Iba pang Sistema[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagpapangalan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gagamitin ng PAGASA ang mga pangalang huling ginamit noong panahon ng 2020, kung saan 22 ang pumasok sa Sakop na Responsibilidad nito. Ang mga pangalang Aghon, Querubin, Romina and Upang ay inaasahang gagamitin sa kauna-unahang pagkakataon sa taong ito, matapos nitong palitan ang mga pangalang Ambo, Quinta, Rolly at Ulysses.

  • Aghon (2401)
  • Butchoy (unused)
  • Carina (unused)
  • Dindo (unused)
  • Enteng (unused)
  • Ferdie (unused)
  • Gener (unused)
  • Helen (unused)
  • Igme (unused)
  • Julian (unused)
  • Kristine (unused)
  • Leon (unused)
  • Marce (unused)
  • Nika (unused)
  • Ofel (unused)
  • Pepito (unused)
  • Querubin (unused)
  • Romina (unused)
  • Siony (unused)
  • Tonyo (unused)
  • Upang (unused)
  • Vicky (unused)
  • Warren (unused)
  • Yoyong (unused)
  • Zosimo (unused)
Auxiliary list
  • Alakdan (unused)
  • Baldo (unused)
  • Clara (unused)
  • Dencio (unused)
  • Estong (unused)
  • Felipe (unused)
  • Gomer (unused)
  • Heling (unused)
  • Ismael (unused)
  • Julio (unused)


Internasyonal[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang JMA ang nagpapangalang sa mga bagyong may taglay na 65 kilometro kada oras o higit pa, sa loob ng 10 minuto. Ito ay kinukuha nila sa listahan ng 140 na pangalan, na nanggaling sa 14 na bansa at teritoryo na kabilang sa komite ng ESCAP/WMO.

  • Ewiniar (2401)
  • Maliksi (2402)
  • Gaemi (unused)
  • Prapiroon (unused)
  • Maria (unused)
  • Son-Tinh (unused)
  • Ampil (unused)
  • Wukong (unused)
  • Jongdari (unused)
  • Shanshan (unused)
  • Yagi (unused)
  • Leepi (unused)
  • Bebinca (unused)
  • Pulasan (unused)
  • Soulik (unused)
  • Cimaron (unused)
  • Jebi (unused)
  • Krathon (unused)
  • Barijat (unused)
  • Trami (unused)
  • Kong-rey (unused)
  • Yinxing (unused)
  • Toraji (unused)
  • Man-yi (unused)
  • Usagi (unused)
  • Pabuk (unused)
  • Wutip (unused)
  • Sepat (unused)

Epekto sa Panahon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangalan Petsang aktibo Tugatog Bilis ng hangin Presyur Naapektuhan Pinsala
(USD)
Namatay Sang.
Mga pumasok o nabuo sa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas
Aghon (Ewiniar) Mayo 22–30 Malakas na bagyo 130 km/h (80 mph) 980 hPa (28.94 inHg) Pilipinas, Mga Isla ng Daito $20.77 milyon (PHP 1.02 bilyon) &0000000000000000000000 6 [2]
Mga nasa labas ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas
Maliksi Mayo 30–Hunyo 2 Bagyo 65 km/h (40 mph) 998 hPa (29.47 inHg) Timog Tsina, Taiwan Wala &0000000000000000000000 Wala
Kabuuan ng panahon
2 bagyo Mayo 22 – Kasalukuyang nangyayari 130 km/h (80 mph) 980 hPa (28.94 inHg) PHP 1.02 bilyon 6
  1. 1.0 1.1 1.2 Lea, Adam; Wood, Nick (May 7, 2023). Extended Range Forecast for Northwest Pacific Typhoon Activity in 2024 [Pagtatayang Pinalawig ang Sakop para sa aktibidad ng mga bagyo sa Hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2024] (PDF) (Ulat) (sa Ingles). Tropical Storm Risk Consortium. Inarkiba (PDF) mula sa orihinal noong Mayo 6, 2023. Nakuha noong Mayo 7, 2023
  2. 2.0 2.1 Situational Report No. 10 for TC AGHON (2024) (PDF) (Ulat). National Disaster Risk Reduction and Management Council. Hunyo 3, 2024. Nakuha noong Hunyo 3, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]