Pumunta sa nilalaman

Bagyong Quinta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagyong Quinta (Molave)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 3 (Saffir–Simpson)
Si Quinta habang binabagtas ang Kanlurang Dagat Pilipinas
NabuoOktubre 23, 2020
NalusawOktubre 26, 2020
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 155 km/h (100 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 205 km/h (125 mph)
Pinakamababang presyur950 hPa (mbar); 28.05 inHg
Namatay61 patay, 56 nawawala
Napinsala$117.9 milyon (2020 USD)
ApektadoPilipinas, Kapuluang Spratlys, Vietnam, Laos, Cambodia, Malaysia at Thailand
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2020

Ang Bagyong Quinta (Pagtatalagang Pandaigdig: Bagyong Molave) ay isang napakalakas na bagyong pumasok sa Pilipinas, ang bagyo na ika 18 at ang ika-4 sa buwan ng Oktubre, ito ay namataan sa layong 1, 880 silangan ng Mindanao bilang Low Pressure Area (21W) ito ay kumikilos sa bilis na 100 kilometro, kanluran-hilagang kanluran at nagbabadyang tumama sa Rehiyon ng Bicol at Hilagang Samar sa katapusang buwan ng Oktubre at inaasahang lalabas sa Timog Luzon sa Batangas-Mindoro area. Ito ay nanatili sa 130 kph at 180 kph bugso ng hangin at naka antas sa Kategoryang 1 bago mag-landfall sa Bacacay, Albay.[1][2] Ito ay huling namataan sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro dakong 10 am ng umaga habang binabagtas ang Kanlurang Dagat Pilipinas.[3][4]

Ang tinatahak ng Bagyong Quinta (Molave)

Isang Low Pressure Area (21W) ang namataan sa layong 1, 900 kilometro silangan ng Mindanao bunsod ng pananalasa ng Bagyong Pepito maging ang COVID-19 si "Quinta" ay pumasok sa Oktubre 23 sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Ito ay inaasahang babagsak sa araw ng Oktubre 25 o 26. Ito ay huling namataan sa layong 880 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar habang binabagtas ang direksyong pag-galaw sa 100 kilometro hilagang kanluran patungong Catanduanes-Camarines Sur area at tatawirin ang dulong timog bahagi ng Quezon. Ito ay unang nag landfall sa Bacacay at Malinao, Albay habang binaybay ang Dagat ng Sibuyan, Ito ay inaasahang lalabas ng landmass ng Pilipinas, Oktubre 26 sa dakong 2pm ng hapon, ito ay nasa layong 140 kilometro kanluran ng Calapan, Oriental Mindoro. Ito ay nag-landfall sa mga bayan ng: Tabaco, Albay, Malinao, Albay, San Andres, Quezon, Torrijos, Marinduque at Pola, Oriental Mindoro.1[5][6]

Si Bagyong Quinta (Molave) papasok ng Pilipinas

Ito ay inaasahang mag-lalandfall sa Rehiyon ng Bicol sa Albay-Sorsogon at tatawirin ang Calabarzon o Mimaropa sa mga sususnod na araw. Unang nag taas ng Public Storm Warning Advisory ang PAGASA ng Signal #.1 sa Catanduanes at ilan pang mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Quezon, Romblon, Marinduque, Masbate at Hilagang Samar dahil sa pag-lapit ni 'Quinta' sa rehiyon. Ito ay inaasahang tatawid sa Pola, Mamburao, Occidental Mindoro sa Mindoro habang tinatahak ang Kanlurang Dagat Pilipinas.

Naminsala si 'Quinta' sa kabuuan ng Rehiyon ng Bicol sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Camarines Sur at Quezon, Marinduque, Romblon at mga lalawigan ng Mindoro, Ito ay nag-iwan ng malaking pinsala sa Catanduanes at Albay na nagsanhi ng pagkabagsak ng komunikasyon at dagitab (ilaw) at nagpabuwal ng mga puno, at nagpabaha sa ilang bahagi ng Camarines Sur at Marinduque, Habang nanalasa sa Pola at Naujan ay nawalan ng suplay ng dagitab, Sa Calamba, Laguna ay inilikas ang mga reisente sa ilang barangay dahil sa pagtaas ng Ilog Calamba at pag-apaw ng Lawa ng Laguna dahil sa pabugso-bugsong ulan.[7]

Bagaman malayo ang lalawigan ng Apayao na nasa Hilagang Luzon, ito ay sinalanta bunsod ng malalakas na pag-ulan sa loob ng dalawang araw dulot ni Quinta.

Matapos hambalosin ni "Quinta" ang Luzon sa Pilipinas mahigit 1.3 milyon na katao ang inilikas sa Vietnam ayon kay Prime Minister "Nguyen Xuan Phuc" ay nag order ng mga bangka dahil sa pagbabanta ng "Bagyong Molave", Si Molave ay maikukumpara sa nagdaang "Bagyong Damrey" noong 2017 sa Gitnang Vietnam, naka-antas sa Kategoryang 1 si Molave sa dagat palibot ng Vietnam, mahigit 250,000 troops ang 2,300 na mga sasakyan ang ginamit para mahanap at maisalba ang mga taong maiipit sa pag-baha.

Oktubre 27 ang bayan/lungsod Da Nang kung saan nag-landfall si "Molave" ay inabisuhan ng huwag ng lumikas kung hindi naman malakas ang bagyo, sa maagang paghahanda ng mga residente.

Si "Molave (Quinta)" ay nanira ng malawakan sa Gitnang Biyetnam na nagdulot ng pagbaha at pagkasira ng mga kabahayan na naihalintulad na nangyari sa mga lalawigan ng Mindoro, Pilipinas, Si Molave ay may taglay na hanging aabot sa 176 km/h (109 mph) ang naiulat sa lungsod ng "Quảng Ngãi" at nagbuhos ng mabibigat na ulan sa Sơn Kỳ (Quảng Ngãi) na aabot sa 18.50 inches (470 mm) sa loob ng 24 oras, Mahigit 56,163 na mga kabahayan ang nasira at nag-iwan ng 6.5 milyon ang nawalan ng suplay ng kuryente, Ito ay nag iwan 13 patay na katao, 16 sugatan at 48 na nawawala, Mahigit 1 bilyon ang maitatalang nawala sa "Quảng Nam".

Typhoon Storm Warning Signal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
PSWS LUZON BISAYAS
PSWS #3 Albay, Timog Batangas, Bondoc Peninsula (Quezon), Camarines Sur, Catanduanes, Burias, Masbate, Silangang Laguna, Marinduque, Masbate, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Sorsogon Hilagang Samar
PSWS #2 Hilagang Batangas, Bulacan, Camarines Norte, Cavite, Kanlurang Laguna, Kalakhang Maynila, Masbate, Rizal, Quezon Silangang Samar
PSWS #1 Bataan, Coron, Palawan, Pampanga, Subic, Zambales Boracay, Aklan, Biliran, Samar
Sinundan:
Pepito
Kapalitan
Querubin (unused)
Susunod:
Rolly
  1. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/10/23/2051779/bagyong-quinta-tuluyang-namuo-na-silangan-ng-mindanao
  2. https://newsinfo.inquirer.net/1351605/red-alert-raised-as-bicol-braces-for-typhoon-depression-quinta
  3. https://news.abs-cbn.com/news/10/26/20/bagsik-ng-bagyong-quinta-naramdaman-sa-southern-luzon
  4. https://www.garda.com/crisis24/news-alerts/393086/philippines-typhoon-quinta-molave-makes-landfall-on-san-miguel-island-albay-province-october-25-update-1
  5. https://www.cnn.ph/regional/2020/10/28/Typhoon-Quinta-Batangas-residents-damage.html
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-10-29. Nakuha noong 2020-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. https://www.vox.com/2020/10/26/21534754/typhoon-molave-philippines-vietnam