Bagyong Ambo (2020)
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 3 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Mayo 10, 2020 |
Nalusaw | Mayo 18, 2020 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 155 km/h (100 mph) Sa loob ng 1 minuto: 185 km/h (115 mph) Bugso: 230 km/h (145 mph) |
Pinakamababang presyur | 965 hPa (mbar); 28.5 inHg |
Namatay | 5 |
Napinsala | $50.0 milyon (USD) |
Apektado | Palau, Pilipinas, at Taiwan |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2020 |
Ang Bagyong Ambo, kilala sa labas ng Pilipinas bilang Bagyong Vongfong (bigkas [voŋfoŋ']), ay isang malakas na bagyong nanalasa sa Pilipinas noong Mayo 2020. Nagsimula bilang isang depresyon sa silangan ng Mindanao noong ika-10 ng Mayo, si Ambo ang pinakaunang nabuong bagyo ng taon. Unti-unting naging organisado habang tinatahak nito ang pahilagang direksyon, at umabot sa antas ng isang ganap na bagyo noong ika-12 ng Mayo bago kumurba pakanluran. Kinabukasan, nagsimulang lumakas nang matindi si Ambo, na naging dahilan upang marating nito ang antas na matinding bagyo kung saan umabot ang bilis ng hangin nito sa 150 kilometro kada oras, sa loob ng 10 minuto. Tumama ito sa kalupaang sakop ng San Policarpo, Silangang Samar sa ganitong lakas, bandang 12:15 ng tanghali (oras sa Pilipinas, 04:50 UTC) ng ika-14 ng Mayo. Matapos nito, tinahak ni Ambo ang mga isla sa Visayas papuntang Luzon, at nakatala ng pitong pagtama sa lupa. Dahil sa dami ng pagtama nito sa lupa, unti-unti itong humina at tuluyang nalusaw sa Kipot ng Luzon noong ika-17 ng Mayo.
Dahil sa pandemya ng COVID-19, naging pahirapan ang paghahanda para sa bagyo. Kinailangang isaayos ang mga paglilikasan ng mga residente upang makasunod ang mga ito sa pamantayan pangkalusugan at pagdidistansiyang panlipunan. Nakapagtala si Ambo ng tinatayang PhP1.57 bilyong halaga ng pinsala sa Pilipinas, at nakapatay ng limang katao.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bagyong Ambo ay ang (2001) na kaunahang pumasok sa karagatang Pilipinas sa buwan ng Mayo, Ito ay namuo noong Mayo 7, sa silangang bahagi ng Palau (U.S) sa Karagatang Pasipiko, Maihahalintulad ang Bagyong Ambo sa nagdaang Bagyong Tisoy (2019) at Bagyong Nina (2016).
Banta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maagang nagsagawa ng pagagayak ang mga lalawigan ng Albay at Sorsogon sa banta ng bagyong Ambo at maging ang Quezon, tatawirin nito ang mga karatig isla hanggang sa landmass sa Gitnang Luzon, Maging ang Kalakhang Maynila kasabay sa kasalukuyang pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas.
Pinsala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-iwan ang Bagyong Ambo ng mga sirang tirahan, pagka-lubog ng ilang bayan bunsod ng baha, at naminsala ng linya ng komunikasyon at ilaw sa lalawigan ng Silangang Samar at Hilagang Samar.
Matapos nito daanan, binagtas ng bagyo ang Masbate at Quezon, habang tinu-tumbok ang Hilagang Luzon.
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinundan: wala |
Kapalitan Aghon |
Susunod: Butchoy (Nuri) |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panahon at Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.