Pumunta sa nilalaman

Survivor Philippines

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Survivor Philippines
UriPalabas na Pangkatotohanan
GumawaCharlie Parsons
NagsaayosGMA News and Public Affairs
DirektorRico Gutierrez (2008-kasalukuyan)
Dante Nico Garcia (2011-kasalukuyan)
Monti Parungao (2008-2010)
Martin Cabrera (2009)
HostRichard Gutierrez (2010-kasalukuyan)
Paolo Bediones (2008-2009)
Kompositor ng temaRuss Landau
Diwa de Leon
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Bilang ng season4
Bilang ng kabanata269
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapMaria Carmela Torres (2011-kasalukuyan)
Kernan Gatbonton (2010)
Donnaliza Medina (2008-2009)
Oras ng pagpapalabas30-45 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Orihinal na pagsasapahimpapawid15 Setyembre 2008 (2008-09-15) –
kasalukuyan
Website
Opisyal

Ang Survivor Philippines ay ang bersyon ng Pilipinas ng kilalang palabas na Survivor, na orihinal na batay sa palabas na Expedition Robinson na nilikha ni Charlie Parsons noong 1997. Ang seryeng ito ay nagsimula noong 15 Setyembre 2008 sa GMA Network. Ito ay inihahandog ni Richard Gutierrez. Ang unang dalawang panahon ay inihandog ni Paolo Bediones. Ito ay ipinapakita sa GMA Network tuwing mga gabi ng Lunes hanggang Biyernes sa panahon ng kanilang oras sa Telebabad. Simula sa ikalawang panahon, ito ay ipinapalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV maliban sa Hilagang Amerika, dahil sa kasunduan ng Castaway Television at ng CBS na pinagbabawalan ipalabas ang ibang bersyon ng mga bansa ng naturang serye sa yaong rehiyon.[1].

Tulad ng ibang mga bersyon, ang palabas ay may isang takdang bilang ng mga kalahok na mamamalagi sa isang malayong lugar sa loob ng takdang bilang ng mga araw hanggang isa na lang ang maiwan na mabibigyan ng titulong Pinoy Sole Survivor (Celebrity Sole Survivor sa mga edisyong para sa mga kilalang tao). Bukod sa titulo, ang nagtagumpay ay makakakuha ng P3,000,000 (kumulang $65,000), ang pinakamalaking salaping premyo na ibinigay sa kasaysayan ng mga palabas na pampaligsahan sa Pilipinas.

Ang kasabihan ng palabas ay "Pautakan, Pagalingan, Patatagan", ang salin ng wikang Filipino sa kasabihang "Outwit, Outplay, Outlast" ng bersyon ng Estados Unidos. Ang palabas, sa pangkalahatan, ay tumutukoy sa kanilang mga tagahanga bilang isang "Katribo".

Panahon Pangalan Nagwagi Ikalawang Puwesto Ikatlong Puwesto Boto Blg. ng mga Kalahok Blg. ng mga Araw Mga Tribo Lugar Petsang Pinalabas
1
Survivor Philippines
John Carlo "JC" Tiuseco
Robert Vincent "Rob" Sy
Wala
6-2
18
39
     Jarakay
     Naak
     Chalam
Ko Tarutao, Lalawigang Satun, Thailand
15 Setyembre 2008 – 14 Disyembre 2008
2
Survivor Philippines:
Palau
Amanda Coolley Van Cooll
Justine Ferrer
Jeffrey "Jef" Gaitan
4-3-0
16
     Airai
     Koror
     Isla Purgatoryo
     Sonsorol
Peleliu, Palaw, Mikronesya
17 Agosto 2009 – 15 Nobyembre 2009
3
Survivor Philippines: Celebrity Showdown
Akihiro Sato
Solenn Heussaff,
Jon Ervic Manalo Vijandre
3-2-2
18
36
     Magan
     Nagar
     Sar Mayee
     Galone
Pambansang Parke ng Laem Son, Amphoe Kapoe, Lalawigang Ranong, Thailand
30 Agosto 2010 – 5 Disyembre 2010
4
Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown
Albert "Betong" Sumaya, Jr.
Mara Yokohama
Stef Prescott
4-2-1
20 (10 pares of 2)
     Bulan
     Tala
     Apolaki
San Vicente, Palawan, Pilipinas
14 Nobyembre 2011 – 19 Pebrero 2012

Nagkaroon ng apat na panahon ang naturang palabas:

  • Ang unang panahon ay naganap sa Ko Tarutao, Thailand mula Hulyo hanggang Agosto 2008. Ang mga awdisyon ay nagyari sa anim na lungsod sa Pilipinas noong Mayo 2008.[2] Labing-anim na tao ang unang napili pero dinagdagan hanggang 18 dahil ang mga gumawa ay nakadama na ang orihinal na bilang ay hindi sapat para malugudan ang pagkakaiba-iba ng mga personalidad na kasangkot.[3] Ang panahon na ito ay pinalabas sa loob ng 13 linggo simula Setyembre hanggang Disyembre 2008. Ang nanalo ay si John Carlo "JC" Tiuseco, isang modelo, estudyante at manlalaro ng basketbol galing sa Maynila.
  • Ang ikalawang panahon ay inihayag ng GMA noong Pebrero 2009 na may siyam na lugar ng awdisyon sa walong lungsod na nagyari noong Marso 2009.[4][5] Ang panahon, na kilala bilang Survivor Philippines: Palau, ay nagsimulang ipalabas noong August 17 ng parehong taon. Ito ay nagyari sa pulo ng Peleliu[6] sa naturang bansa[7] na may 16 na manlalaro. Ang panahon na ito ay pinalabas ng 13 linggo mula Agosto hanggang Nobyembre 2009. Ang nagwagi ay si Amanda Coolley Van Cooll, isang mangagawa ng paggawa ng mga gusali galing sa Mindoro.
  • Ang ikatlong panahon ay ipinakita noong 30 Agosto 2010. Si Richard Gutierrez ang ginawang bagong naghahandog ng palabas pagkatapos lumipat ni Paolo Bediones sa TV5 ng ilang buwan matapos ang pangalawang panahon. Ang panahon na ito, na pinamagatang Survivor Philippines: Celebrity Showdown, ay kinabilangan ng mga sikat na personalidad.[8] Ito ay ginanap sa isang pulo sa Lalawigang Ranong, Thailand. Ang nagtagumpay ay si Akihiro Sato, isang Brasilyano at Hapones na modelo at artista.
  • Ang ikaapat na panahon ay inihayag ng Agosto 2011. Inibunyag rin na ito ay magiging ikalawang edisyon ng mga kilalang tao sa ating lokal na bersyon.[9] Kinamamayaan na tatawagin bilang Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown, itong panahon ay mayroong mga personalidad na nakagrupo bilang mga pares na may relasyon sa bawat isa't-isa.[10][11] Itong palabas na ito ay nangyari sa isang isla sa San Vicente, Palawan sa loob ng 36 na araw. Ito ang unang panahon na nangyari sa loob ng Pilipinas. Ito ay sinimulang palabasin noong 14 Nobyembre 2011. Nanalo si Albert "Betong" Sumaya, Jr., isang komedyante at tagapagpalabas sa telebsiyon.
Mga lugar kung saan ginanap ang mga panahon ng Survivor Philippines. Ang mga numero ay ang kumakatawan sa bawat panahon.

Ang mga kalahok ay dadalhin sa malayong lugar, karaniwan sa isang mainit na klima. Hahatiin sila sa pagitan ng dalawa o higit pang mga "tribo" at mapipilitang mabuhay sa ilang na may kaunting suplay ng gamit at pagkain sa higit pang isang buwan.

Ang buong panahon ay hinahati sa siklo. Karaniwan ang isang siklo ay binubuo ng tatlong araw, isang araw para sa paligsahang panggantimpala, isang araw para sa paligsahang pangkaligtasan at isang araw para sa Konsehong Pantribo. Minsan ay hindi sinusunod ang pagkakaayos nito.

Ang mga tribo ay binibigyan ng mga kaunting kasangkapan para mabuhay sa isla tulad ng itak at palayok. Para sa pagkain, ang palabas ay nagbibigay ng bigas at bahala na sila maghanap ng ibang klaseng pagkain sa kapaligiran, tulad ng isda. Obligado rin ang bawat tribo na gumawa ng kanilang kanlungan para maprotektahan sila laban sa pabago-bagong klima.

Ang bawat tribo ay may sariling pangalan at kulay para mabukod ito sa ibang tribo at ginagamit ito para sa kanilang bandila, sa mga paligsahan at iba pa. Bawat manlalaro ay binibigyan ng isang tela na sumasagisag ng kanilang tribo (buff) na kailangan nilang suotin magdamag sa kahit saang parte ng katawan na natatanaw ng mga manonood.

Mga Paligsahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kabuuan, ang mga manlalaro ay makikipagkumpetensya bilang mga tribo o indibidwal sa mga paligsahan. Ang mga paligsahan ay binubuo ng pagkatibay, pagtutulungan ng mga magkakasama at paglutas ng mga palaisipan. Sa unang kalahati ng laro, ang mga tribo ay maglalabanan sa bawat isa sa mga paligsahan. Sa ikalawang kalahati, pagkatapos ng pagsasama (merge), ang mga kalahok ay makikipagpaligsahan sa bawat isa.

Mayroong dalawang uri ng paligsahan:

  • Mga Paligsahang Panggantimpala (Reward Challenges): Ang mga kalahok ay makikipagkumpetensya para sa mga premyo na maaaring gawin ang kanilang buhay na mas madali at mas kasiya-siya. Halimbawa ng ilang mga premyo ay pagkain, batong pingkian at mga maigsing biyahe malayo sa kampo. Pagkatapos ng pagsasama, ang mga paligsahang panggantimpala ay karaniwang nilalaro ng indibidwal o mga grupo na hindi pinipili. Kung ito ay indibidwal, ang nagwagi ay madalas magagawang magdala ng isa o higit pang manlalaro kasama nila.
  • Mga Paligsahang Pangkaligtasan (Immunity Challenges): Ang mga manlalaro ay makikipagkumpetensya para sa kaligtasan na nangangahulugan na ang kanilang tribo ay hindi pupunta sa Konsehong Pantribo (Tribal Council), ibig sabihin sila ay ligtas mula sa botohan na puwedeng ikatanggal nila. Pagkatapos ng pagsasama, ang mga paligsahang pangkaligtasan ay karaniwang indibidwal.

Minsan, maaaring magkaroon ng pinagsamang paligsahang panggatimpala at pangkaligtasan.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Survivor Philippines : Palau goes international via GMA Pinoy TV". gmapinoytv.com. August 7, 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Septiyembre 30, 2009. Nakuha noong December 25, 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  2. "THE OFFICIAL BLOG OF SURVIVOR PHILIPPINES". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-07-03. Nakuha noong 2008-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kapuso Mo, Jessica Soho, September 20, 2008
  4. "Survivor Philippines Season 2 will begin nationwide auditions". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-19. Nakuha noong 2009-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Survivor Philippines Season 2 Application". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-03-06. Nakuha noong 2012-01-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Survivor Philippines Season 2 Invades Palau Islands". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-08-03. Nakuha noong 2009-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Palau president drops fee for Philippines Survivor team". Nakuha noong 2009-06-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 24 Oras, aired March 18, 2010.
  9. "Richard Gutierrez will take a much needed breather in America before starting season 2 of Survivor Philippines: Celebrity Showdown". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-01-27. Nakuha noong 2011-08-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, Puputok na!". Nakuha noong 2011-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Who will be hailed as the Sole Celebrity Survivor of Survivor Philippines Season 4?". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-01-27. Nakuha noong 2011-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)