Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:K CMS/burador

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pilipinas Debates 2016

[baguhin | baguhin ang wikitext]
K CMS/burador
Talaksan:PiliPinas debate 2016 logo.jpg
GumawaKomisyon sa Halalan
NagsaayosIba't-iba
HostJessica Soho, Mike Enriquez
(GMA Network)
Luchi-Cruz Valdez
(TV5)
Karen Davila, Tony Velasquez
(ABS-CBN
Pia Hontiveros, Pinky Webb
(CNN Philippines)
Pambungad na temaPili Pinas
ng Gravity
Pangwakas na temaPili Pinas
ng Gravity
Bansang pinagmulanPilipinas
Bilang ng kabanata4 (PiliPinas Debates 2016#Buod)
Paggawa
ProdyuserIba't-iba
Lokasyon4
Oras ng pagpapalabas124 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
(Mindanao)
TV5
(Visayas)
ABS-CBN
(Luzon)
CNN Philippines
(Pampangalawang-pangulo)
Orihinal na pagsasapahimpapawid21 Pebrero (2016-02-21) –
24 Abril 2016 (2016-04-24)

Ang Pilipinas Debates 2016 (PiliPinas Debates 2016) ay serye ng mga debateng pinangasiwaan ng Komisyon ng Halalan bilang paghahanda sa Halalang Pampanguluhan sa Pilipinas sa Lunes, ika-9 ng Mayo, 2016.

Ang unang debate ay ginanap noong Linggo, ika-21 ng Pebrero sa Mini-Theater Building ng Capitol University sa Cagayan de Oro. Naisahimpapawid ito sa GMA Network at nasubaybayan sa Super Radyo DZBB at mga kaakibat na istasyong radyo ng KBP at RGMA sa buong bansa. May live stream coverage ng debate na masusubaybayan. Ang debate sa Mindanao ay pinamagitan nina Jessica Soho at Mike Enriquez ng GMA Network at ni John Nery ng inquirer.net.

Ang debate sa Visayas ay tuluyang naisahimpapawid sa TV5, AksyonTV, Bloomberg TV Philippines, Radyo5 92.3 News FM at mga kaakibat na istasyong radyo ng KBP sa buong bansa. May masusubaybayan na live stream sa news5.com.ph, bilangpilipino.com at YouTube. Pinamagitan ito ng puno ng News5 na si Luchi Cruz-Valdez.

Ang CNN Philippines ang namunong-abala sa debateng pampangalawang-panguluhan noong Linggo, ika-10 ng Abril. Pinamagitan ito nina Pia Hontiveros at Pinky Webb.

Ang ABS-CBN ang namunong-abala sa ikatlo at huling debateng pampanguluhan noong Lunes, ika-24 ng Abril. Tuluyang naisahimpapawid ito sa ABS-CBN, ABS-CBN News Channel, ABS-CBN Sports and Action, Radyo Patrol 630, The Filipino Channel, iWant TV app at mga kaakibat na istasyong radyo ng KBP sa buong bansa. May masusubaybayan na live stream sa news.abs-cbn.com, www.skyondemand.com.ph at  mb.com.ph. Ang debate ay pamamagitan nila Karen Davila at Tony Velasquez.

Pagsasahimpapawid

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga punong-abalang lungsod ng mga debate
Opisina Petsa Media partners Lokasyon
Telebisyon Pahayagan Debate Punong-abalang lungsod Unibersidad
Pagkapangulo Pebrero 21, 2016 GMA Network Philippine Daily Inquirer Mindanao Cagayan de Oro Capitol University
Marso 20, 2016 TV5 Philippine StarBusinessWorld Visayas Cebu City University of the Philippines Cebu[1]
Abril 24, 2016 ABS-CBN Manila Bulletin Luzon Dagupan University of Pangasinan
Pagkapangalawang Pangulo Abril 10, 2016 CNN Philippines Business Mirror Metro Manila Manila University of Santo Tomas
  Ang kandidato ay dumalo sa debate.
  Ang kandidato ay hindi dumalo sa debate.
Pampanguluhang debate
Lokasyon Jejomar Binay Miriam Defensor-Santiago Rodrigo Duterte Grace Poe Mar Roxas
Kapuluaan Lungsod
Mindanao Cagayan de Oro
Kabisay-an Cebu
Luzon Dagupan
Pangalawang-pampanguluhang debate
Lokasyon Alan Peter Cayetano Chiz Escudero Gringo Honasan Bongbong Marcos Leni Robredo Antonio Trillanes
Rehiyon Lungsod
National Capital Region Maynila
  1. Sibi, Juli Ann (Pebrero 22, 2016). "UP Cebu to host presidential debate". Cebu Daily News. Nakuha noong Pebrero 23, 2016. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


Di-malaya / patas na paggamit ng mediang batayang katwiran ukol sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020
Paglalarawan

Ang opisyal na logo ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020

Pinagkunan

https://en.wikipedia.org/wiki/File:2020_Summer_Olympics_logo_new.svg

Lathalain

Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020

Nagamit na bahagi

Ginamit ang buong logo upang ipabatid ang nais na kahulugan at iwasan madungisan, madumihan o mamali sa pamamahayag ng nasabing imahe.

Mababang resolusyon?

Oo.

Layunin ng paggamit

Ito ay isang SVG vector na imahe ng isang rehistradong tatak, o logo, selyo o icon sa kompyuter sa pangangalaga ng copyright. Ang imaheng ito ay hindi dapat ilarawan ng mas malaki sa kinakailangan para sa kadahilanan ng pagkikilala o mahalagang pagpuna. Ang default na paglalarawan ng imaheng ito ay ayon sa sukat at kalidad na sapat upang mapanatili ang kalidad na nais ng kumpanya o samahan, bagama't hindi mataas ang kalidad nito.

Madaling mapalitan?

Sapagkat ang imaheng ito ay hindi libre, halos walang representasyon ang makakapalit rito. Alinmang kapalit na hindi gawang paghango ay mabibigong ipabatid ang nais na kahulugan, maaring madungisan, madumihan o mamali sa pamamahayag ng nasabing imahe, o mabigo sa pakay ng pagkikilanlan o pagpuna.