Ang Wikipedia: Kapihan ang puntahang pook ng Pamayanan ng buong Tagalog Wikipedia na humahawak, tumatalakay, at nagsusulat hinggil sa mga paksang pang-ensiklopedya. Ang Kapihan ay isang salitang Tagalog na nangangahulugang isang pook na puntahan ng mga kasapi ng pamayanan upang magkape at mag-usap hinggil sa sari-saring mga bagay-bagay. Sa Tagalog Wikipedia, ito ang lugar kung saan pinag-uusapan ang lahat ng mga may kaugnayan sa malayang ensiklopedyang ito. Malaya kang makapagtatala sa pahina ng usapan (talk page) ng mga pabatid, katanungan, pagpapahalaga, at iba pang may kaugnayan sa wikipediang ito. Maaaring makilahok ang lahat ng nakatalang mga Wikipedista.
Sumali na ngayon sa Wikimedia Pilipinas...sa tatlong madaling hakbang:
1. Magpadala ng e-liham sa membershipwikimedia.org.ph o punan muna ang pormularyong ito. 2. Hintayin ang pagsang-ayon ng iyong pagsapi mula sa mga Lupon ng mga Katiwala ng Wikimedia Pilipinas. 3. Bayaran ang kaukulang bayad.
Kahit hindi ka isang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, maaari kang lumahok o sumapi!
Maaari ka rin na tumala bilang isang kasapi tuwing may pagtitipon sa Pilipinas, mga pangyayari sa Wikimedia Pilipinas, taunang kumbensiyon, o sa mga pagpupulong minsan sa tatlong buwan ng Wikimedia Pilipinas.
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.