Takamori Saigo
Takamori Saigo | |
---|---|
Kapanganakan | 23 Enero 1828
|
Kamatayan | 24 Setyembre 1877
|
Mamamayan | Hapon |
Trabaho | Samurai, politiko, military personnel |
Takamori Saigo | |||||
---|---|---|---|---|---|
Pangalang Hapones | |||||
Kanji | 西郷 隆盛 | ||||
Hiragana | さいごう たかもり | ||||
Kyūjitai | 西鄕 隆盛 | ||||
Shinjitai | 西郷 隆盛 | ||||
|
Si Takamori Saigo (西郷 隆盛 Saigō Takamori, 23 Enero 1828 – 24 Setyembre 1877) ay isang kilalang Hapong samurai na nabuhay noong mga unang taon ng Panahon ng Meiji. Siya ay may malaking kahalagahan sa kasaysayan ng mga Hapon at isa sa mga pangunahing tauhan, kasama sina Ōkubo Toshimichi at Kido Takayoshi, na gumanap bilang nangungunang pigura sa Pagpapanumbalik ng Meiji. Gayunpaman, si Takamori ay itinuturing na pinaka-pangunahing pigura sa pagpapanumbalik na ito. Makalipas ang ilang taon, siya ay muling naging sentro, sa pagkakataong ito ay pinamunuan niya ang Paghihimagsik ng Satsuma laban sa Gobyerno ng Meiji. Sa kabila ng pagmamatay nya na traydor sa gobyerno, naaalala pa rin siya bilang Huling Samurai.[1]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- ↑ "The Life of Japan's "Last Samurai" Saigō Takamori". nippon.com (sa wikang Ingles). 2018-05-09. Nakuha noong 2024-02-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)