Talaan ng mga kasapi ng One Direction
May apat na kasapi ang pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction: sina Niall Horan, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Kasapi si Zayn Malik sa banda hanggang sa opisyal na inanunsiyo ang paglisan nito noong 25 Marso 2015. Sina Malik, Payne, Styles at Tomlinson ay nagmula sa Inglatera, samantalang tanging si Horan ang nagmula sa Irlanda.
Mga kasalukuyang kasapi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Niall Horan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Niall James Horan, ipinanganak noong Mullingar, County Westmeath, Irlanda.[1] Sina Bobby Horan at Maura Gallagher ang kanyang mga magulang,[1] at may kuya siyang nagngangalang Greg.[2] Naghiwalay ang kanilang mga magulang noong siya’y limang taong gulang.[1] Nanirahan siya at ang kanyang kuya nang salit-salitan sa kanilang mga magulang nang ilang taon hanggang sa huli’y nagpasiya silang manirahan sa kanilang ama sa Mullingar.[1] Si Horan ay isang mag-aaral sa Coláiste Mhuire, isang paaralang Christian Brothers para sa mga lalaki.[3][4] Naging bahagi siya ng korong pang-eskuwela (school choir), na nagtatanghal kapag may pagkakataon tuwing Kapaskuhan.[5]
13 Setyembre 1993 ay mula saBago ang kanyang pagsali sa The X Factor, nakapaglibot at nakapagtanghal na siya sa kanyang bayan, kasama na ang pagiging suportang mang-aawit (support act) kay Lloyd Daniels sa Dublin.[6] Tumutugtog na ng gitara si Horan mula pagkabata.[7] Ipinahayag din ni Horan na isa siyang malaking tagahanga ng “big swing,” at tinitingala niyang mga paboritong mang-aawit sina Frank Sinatra, Dean Martin, at Michael Bublé.[8] Tagahanga rin siya ng musikang rock at isa ring tagahanga ng The Eagles, Bon Jovi, at The Script.[8][9] Sinusuportahan niya ang koponan sa Kampeonatong Liga ng Futbol (Football Championship League) na Derby County.[10]
Liam Payne
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Liam James Payne,[11] (39 Agosto 1993 - 16 Oktubre 2024) ay mula sa Wolverhampton, Kanlurang Midlands, Inglatera.[1] Maagang naipanganak nang tatlong linggo ng inang si Karen at kanyang amang si Geoff,[1][12] mayroon siyang dalawang ate, sina Ruth at Nicola.[4] Hanggang noong apat na taong gulang siya, si Payne ay sumasailalim sa regular na pagsusuri sa ospital dahil napansin ng mga doktor na isa sa kanyang mga bato (kidney) ay may gasgas at di gumagana.[12] Upang malampasan ang sakit, kinailangan niyang magpaturok ng 32 iniksiyon sa kanyang braso sa umaga at sa gabi noong kanyang kabataan.[12] Subalit noong Agosto 2012 ay masayang ipinahayag ni Payne sa pamamagitan ng isang twit na ayon sa pagsusuri sa kanya ay gumagana nang maayos ang dalawa niyang mga bato.[13] Bilang mag-aaral, napakaaktibo ni Payne sa palakasan (sports) at patunay rito ang pagiging miyembro niya sa Kapisanang Pampalakasan ng Wolverhampton at Bilston (Wolverhampton and Bilston Athletics Club) at kanyang pagsasanay bilang mananakbo (runner).[14] Si Payne ay naging biktima ng panloloko (bullying) sa kanyang paaralan noong hayskul at kumuha ng pagsasanay sa boksing sa edad na labindalawa.[15] Naging estudyante siya ng teknolohiyang pangmusika (music technology) sa City of Wolverhampton College.[16]
Minsan na ring nakapagtanghal si Payne sa harap ng 26,000 katao sa isang laban ng futbol ng pangkat na Wolverhampton Wanderers. Unang sumalang sa odisyon si Payne noong 2008 sa ikalimang serye ng The X Factor noong siya’y labing-apat na taong gulang.[16] Umabot siya hanggang sa bahay ng mga hurado, subalit inisip ni Cowell na hindi pa handa si Payne sa kompetisyon at sinabihan siyang bumalik na lamang matapos ang dalawang taon.[16] Tinitingala ni Payne si Justin Timberlake bilang isa sa kanyang pinakamalaking impluwensiya.[17] Sinabi rin niyang kumukuha siya ng inspirasyon mula sa miyembro ng Take That na si Gary Barlow kapag nagtatanghal noong 16 Oktubre si Payne ay Natagpuan Patay Matapos mahulog doon sa balcony na Hotel Room sa Argentina sa edad na 31.[17]
Harry Styles
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Harry Edward Styles, ipinanganak noong [18][19] ay mula sa nayon ng Holmes Chapel, Cheshire, Inglatera.[20] Dati siyang mag-aaral ng Holmes Chapel Comprehensive School, isang komprehensibong pampublikong paaaralan.[20] Ang kanyang mga magulang ay sina Des Styles at Anne Cox (noo'y Selley),[1][18][21] at mayroon siyang ate, si Gemma.[4] Pitong taong gulang lamang siya nang naghiwalay ang kanyang mga magulang, ngunit di naglao’y nagpakasal muli ang kanyang ina.[22] Matapos ang diborsiyo, sina Styles, ang kanyang ate, at kanyang ina, ay lumipat sa kabayanan ng Cheshire. Sa edad na labindalawa, bumalik siya sa Kapilya ng Holmes. Bago ang kanyang pagsali sa The X Factor, ang 16 na taong gulang pa noon na si Styles ay naglalaan ng oras upang magtrabaho sa Panaderya ng W. Mandeville sa Kapilya ng Holmes.[23]
1 Pebrero 1994 ,Si Styles ang punong mang-aawit (lead singer) ng bandang White Eskimo kasama noon ang mga kasaping sina Haydn Morris (punong gitarista), Nick Clough (bahista), at Will Sweeny (tambolista).[20] Minsan silang nakapasok sa patimpalak na Tagisan ng mga Banda (Battle of the Bands), kung saa’y nagwagi sila. Bilang bata, hilig ni Styles ang pag-awit, na tinitingala si Elvis Presley bilang isa sa kanyang mga impluwensiya. Si Presley rin ang kanyang modelo nung nagsisimula pa lamang siya sa musika. Modelo niya rin ang mga kontemporaryo tulad ng Foster the People, Coldplay, at Kings of Leon.[9] Sinabi ni Styles na ang The X Factor ay nagbigay pa sa kanya ng “higit na tiwala sa sarili” bilang mang-aawit. Isinaad din ni Styles na madalas niyang pagkunan ng inspirasyon ang punong mang-aawit ng Coldplay na si Chris Martin kapag nagtatanghal sa entablado.[17] Binigyang-diin din ni Styles na naimpluwensiyahan din siya ng The Beatles nung lumalaki siya, dahil malimit patugtugin ng kanyang ama ang mga musika nila.[24]
Louis Tomlinson
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Louis William Tomlinson, ipinanganak na Louis Troy Austin noong [25][26] ay mula sa Doncaster, Timog Yorkshire, Inglatera.[1] Ang mga magulang niya’y sina Troy Austin at Johannah Poulston,[1] subalit naghiwalay sila noong siya’y bata pa lamang, at ginamit niya ang pangalan ng kanyang amain na si Mark Tomlinson.[1] May lima siyang nakababatang kapatid sa ina, kung saan ang dalawa’y nagkaroon ng papel bilang mga sanggol sa sa seryeng pantelebisyon na Fat Friends, at si Tomlinson ay gumanap bilang ekstra. Matapos ang Fat Friends, pumasok siya sa isang eskuwela ng pag-arte sa Barnsley. Nagkaroon siya ng malilit na parte sa silang dramang pampelikula ng ITV1 na If I Had You at sa Waterloo Road ng BBC. Naging isa rin siyang estudyante ng antas dulong sekundarya (sixth form) ng Hall Cross School, isang komprehensibong pampublikong paaralan, at dating mag-aaral ng Hayfield School. Hindi niya naipasá ang lebel A (A levels) niya sa Hayfield School at kinalauna’y bumalik siya sa Hall Cross at nagsimulang muli sa lebel A. Nagkaroon din siya ng mga trabaho, kasama na yaong sa sinehan sa Vue at sa football stadium ng Doncaster Rovers bilang serbidor sa mga hospitality suites.[27]
24 Disyembre 1991 ,Bilang mag-aaral sa Hall Cross, naging bahagi si Tomlinson sa ilang mga produksiyong musikal.[28][29] Ang pagkakakuha niya sa pangunahing papel na si Danny Zuko sa produksiyong musikal ng Hall Cross na Grease ang nagbigay-lakas ng loob sa kanya upang sumali sa The X Factor. Tinitingala ni Tomlinson si Robbie Williams bilang kanyang pinakamalaking impluwensiya at idolo.[30] Sa isang panayam sa magasing Now, sinabi niyang: “Gustung-gusto ko na noon pa si Robbie. Napakataklesa niya, madali siyang makaagapay sa anumang bagay. Hindi kapani-paniwala ang kanyang mga pagtatanghal.”[30] Hinahangaan niya rin ang mang-aawit na si Ed Sheeran, na inilarawan niya bilang “pambihira.”[31]
Noong Agosto 2013, pumirma si Tomlinson para sa Doncaster Rovers F.C. bilang di-permanenteng manlalaro, upang makalikom ng salapi para sa Bluebell Wood na institusyon sa kawanggawa.[32]
Dating kasapi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Zayn Malik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Zain Javadd “Zayn” Malik,[33][34] ipinanganak noong 12 Enero 1993 ay mula sa Bradford, Kanlurang Yorkshire, Inglatera.[35] Ang mga magulang niya’y sina Yaser na isang Ingles-Pakistani at Tricia Malik (noo’y Brannan) na nagmula sa lahing Irlandes-Ingles,[36] at may isang ate, si Doniya, at dalawang nakababatang mga kapatid, sina Waliyha at Safaa.[4][37] Lumaki siya sa East Bowling,[35] isang mag-aaral ng Lower Fields Primary School, at tumuloy sa Tong High School, isang komprehensibong pampublikong paaralan.[38] Hindi siya naging angkop sa unang dalawang paaralan dahil sa kanyang magkahalong lahi. Isinaad ni Malik na nagsimula siyang ipagmalaki ang kanyang pisikal na kaanyuan matapos lumipat ng mga paaralan sa edad na labindalawa.[39]
Sa kanyang pagsali sa The X Factor, nagsabi siya: “Naghahanap ako noon ng karanasan.”[40] Itinuturing niya ang musikang urban bilang kanyang pangunahing impluwensiyang musikal; sa kanyang paglaki, siya’y nakikinig ng R&B at rap.[40] Siya at maging ang ibang mga miyembro ng One Direction ay nagsabing ang mga mang-aawit gaya ni Bruno Mars ang kanilang “pangarap makaawit”.[41] Si Malik ay may bisyo ng paninigarilyo; noong huling bahagi ng 2011, nagpahayag siya ng pagnanais na huminto.[42] Si Malik ay isang aktibong Muslim, at minsang nagtwit ng linyang “La ila ha ill lalla ho muhammed door rasoolalah”, na isang kilalang pagpapahayag ng pananampalataya ng mga Muslim, na nangangahulugang: “Walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ay ang propeta ni Allah.”[43][44] Pinupuna ng parehong Muslim at di-Muslim ang pakikitungo ni Malik sa Islam, kung saan inaakusahan siya ng mga di-Muslim na itinataguyod niya ang Islam sa mga batang tagahanga, samantalang nakatatanggap siya ng pagbatikos mula sa mga konserbatibong Muslim, dahil diumano’y hindi niya sineseryosong mabuti ang mga doktrina ng Islam.[44][45][46] Noong Hulyo 2014, sa kalagitnaan ng hidwaang Israel-Gaza, nagtwit si Malik ng mensaheng "#FreePalestine" (Tagalog: "Palayain ang Palestina") sa kanyang 13 milyong tagasunod sa Twitter, na ayon sa ulat ay ikinagalit diumano ng mga tagahanga ng One Direction sa Israel.[47]
Noong 18 Agosto 2013 ay itinakda (engaged) na si Malik sa kanyang kasintahan na isa sa mga miyembro ng grupong Ingles na Little Mix, si Perrie Edwards, at opisyal na nakumpirma ito ng publiko makalipas ang tatlong araw.[48] Si Malik, kagaya ng mga kabanda niyang sina Harry at Louis, ay tagasuporta ng Manchester United.[49] Sinusuportahan din niya ang pambansang koponang cricket ng Pakistan at minsang nagtwit nang matalo ang Pakistan sa semi-finals ng Cricket World Cup taong 2011.
Noong 19 Marso 2015, hindi na naipagpatuloy ni Malik ang nalalabing bahagi ng On The Road Again Tour at bumalik ito sa Inglatera.[50] Ayon sa tagapagsalita ng banda, si Malik ay labis na napagod at minabuting bumalik ng UK upang makapagpahinga.[51] Subalit makalipas ang anim na araw, opisyal na inanunsiyo ng banda na nilisan na ni Malik ang One Direction.[52][53] Ayon sa kanya, nais niyang "mamuhay bilang isang pangkaraniwang 22-taong gulang na nakakapaglibang at may pribadong oras na malayo sa lente ng mga kamera."[54][55]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maliban kung tuwirang tutukuyin, ang lahat ng mga sanggunian ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles. Isinalin ang mga bahagi ng pinagkunang pahinang web batay sa konsepto at pagkakaunawa ng mga sumulat ng artikulo.
- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 "Mums of One Direction stars reveal how the boys have grown into music sensations". 16 Abr 2012 09:08. Nakuha noong 25 Ago 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ McGarry, Lisa (06 Nob 2010). "X Factor 2010: Niall Horan's brother says One Direction get along well". Nakuha noong 25 Ago 2012.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Mullingar teen has got the X Factor". 7 Hul 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-20. Nakuha noong 25 Ago 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Thomas, Liz. "Beatlemania takes a whole new Direction! Thousands gather in Montreal to catch a glimpse of the band". Daily Mail. London: Associated Newspapers. Nakuha noong 25 Ago 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Niall Horan Biography". Bio. True Story. Nakuha noong 29 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "101 Niall Horan Facts!". 13 Dis 2012. Nakuha noong 29 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "One Direction, Jessie J And Wretch 32 Unveil Their Best Christmas Presents Ever". 95-106 Capital FM. 21 Dis 2011 11:54. Nakuha noong 29 Ago 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ 8.0 8.1 "Niall Interview (VEVO LIFT): Brought to you by McDonald's". YouTube. 16 Mar 2012. Nakuha noong 29 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Collins, Leah (12 Mar 2012). "One Direction is more than just another boy band". National Post. Canada: Postmedia Network Inc. Nakuha noong 29 Ago 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tyler, Kelly (17 Abr 2014). "Derby County fan and One Direction star Niall Horan to hold charity football challenge". Derby Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-10. Nakuha noong 17 Set 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Liam James Payne - Ancestry.co.uk". ancestry.com. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ 12.0 12.1 12.2 Davies, Rebecca (18 Set 2011). "One Direction's Liam Payne: 'I effectively died as a baby'". Digital Spy. Hearst Magazines UK. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ Harmsworth, Andrei (08 Ago 2012 17:25). "One Direction's Liam Payne reveals damaged kidney has healed". Nakuha noong 25 Ago 2013.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Liam Payne biography". Bio. True Story. Biography.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-06. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "101 Liam Payne Facts!". The Hits Radio. Bauer Media. 13 Dis 2012. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ 16.0 16.1 16.2 "Liam Payne now sprinting to X Factor success". 11 Set 2010 11:29. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong); Text "Black Country teenager Liam Payne is 6/1 favourite to win the X Factor. He speaks to Victoria Nash" ignored (tulong) - ↑ 17.0 17.1 17.2 "One Direction: "We Take Inspiration From Take That"". 23 Dis 2011 09:29. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) - ↑ 18.0 18.1 "Harry Edward Styles - Ancestry.co.uk". ancestry.co. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "Harry Styles". Capital FM. Global Radio. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ 20.0 20.1 20.2 Ryan, Belinda (29 Set 2010 00:05). "Holmes Chapel X Factor star Harry Styles can win show say school bandmates". Crewe Chronicle. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-06. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite news}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) - ↑ "Styles's grandfather proud of him". The Times of India. Bennett, Coleman & Co. Ltd. 24 Mar 2013 16:14 IST. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-04. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) - ↑ "One Direction star Harry Styles' dad on bond between him and his boy". Daily Record. Trinity Mirror. 24 Hun 2012 07:46. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Septiyembre 2014. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
,|date=
, at|archive-date=
(tulong) - ↑ "Harry Styles has got the X Factor in Holmes Chapel". BBC News. BBC. 17 Nob 2010 16:04 GMT. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2014. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) - ↑ Harmsworth, Andrei (21 Mar 2012 19:09). "Harry Styles: Ronnie Wood wanted to play guitar with One Direction". Metro. Associated Newspapers Ltd. Nakuha noong 04 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) - ↑ "Louis Troy Austin - Ancestry.co.uk". ancestry.co. Nakuha noong 05 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "Louis Turns 20!". onedirectionmusic.com. Sony Music Entertainment (UK) Ltd. 24 Dis 2011. Nakuha noong 05 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "Doncaster News and Features: Famous Doncastrian: Louis Tomlinson". Donny Online. Donny Online Network. 29 Hun 2011. Nakuha noong 05 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "Family album reveals my boy really has got the X Factor". The Star. Johnston Publishing Ltd. 19 Okt 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Septiyembre 2013. Nakuha noong 05 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|archive-date=
(tulong) - ↑ "Louis Interview (VEVO LIFT): Brought to you by McDonald's". YouTube. 23 Mar 2012. Nakuha noong 05 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ 30.0 30.1 "One Direction's Louis Tomlinson is a fan of Robbie Williams". STV. STV Group. 18 Ago 2011 00:00 BST. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2013. Nakuha noong 05 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) - ↑ Daniels, Colin (16 Okt 2011 13:19 BST). "One Direction name debut album 'Up All Night', reveal cover". Digital Spy. Hearst Magazines UK. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobiyembre 2014. Nakuha noong 05 Set 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
,|date=
, at|archive-date=
(tulong) - ↑ "Doncaster Rovers sign One Direction star". Eurosport Asia. 01 Ago 2013 21:40. Nakuha noong 03 Ago 2013.
{{cite news}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong) - ↑ "Zain Javadd Malik - Ancestry.co.uk". Ancestry.co. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: Text "0" ignored (tulong); Text "0" ignored (tulong); Text "0" ignored (tulong); Text "0" ignored (tulong); Text "0" ignored (tulong); Text "0" ignored (tulong); Text "1668500" ignored (tulong); Text "3251" ignored (tulong); Text "3257" ignored (tulong); Text "5271" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Diva Fever's Craig: One Direction's Zayn Malik wears the dog-tag I gave him". TeenNow Magazine. IPC Media Limited. 19 Dis 2010. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 35.0 35.1 Clayton, Emma (05 Okt 2010 09:47). "East Bowling teenager Zain Malik makes it to finals, but Bradford girl band Husstle bow out". Bradford Telegraph & Argus. Newsquest Media Group. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Mabey, Meghan (24 Abr 2012). "Zayn Malik's Two Arabic Chest Tattoos". PopTats. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Duff, Anna (22 Abr 2012). "Zayn Malik's mum: When my boy leaves home, I cry at the gate". Now Magazine. IPC Media Limited. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Barnett, Ben (26 Nob 2010 07:30). "Classmates seek support for East Bowling One Direction star Zayn Malik". Bradford Telegraph & Argus. Newsquest Media Group. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Zayn Malik has quite an exact routine for maintaining the quiff". SugarScape. 22 Hun 2012. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 40.0 40.1 "Zayn Interview (VEVO LIFT): Brought to you by McDonald's". YouTube. 30 Mar 2012. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Doherty, Maggie (26 Mar 2012 17:32 EDT). "Backbeat: One Direction's Harry Styles Gets a Faceful of Ice-Cream Cake at Z-100". Billboard.biz. Prometheus Global Media. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Hewett, Emily (29 Dis 2011 14:00). "One Direction's Zayn Malik vows to quit smoking for New Year resolution". Metro. Associated Newspapers. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Kalima". Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2013. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 44.0 44.1 Huus, Kari (18 Hun 2012 11:57 EDT). "One Direction singer Zayn Malik: Global pop star, and Muslim". msnbc.com. NBCUniversal. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Zayn Malik's sister defends the One Direction star after he's attacked on Twitter for having tattoos and touring during Ramadan". Now Magazine. 12 Abr 2013. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "One Direction's Zayn Malik victim of religious attack". Yahoo!OMG! UK and Ireland. 20 Hun 2012 08:48 BST. Nakuha noong 31 Ago 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Ritman, Alex (29 Hul 2014 09:00 EDT). "One Direction's Zayn Malik Barraged With Death Threats After '#FreePalestine' Tweet". Billboard. Nakuha noong 17 Set 2014.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "1D's Zayn confirms engagement to Perrie Edwards". IndependentWoman.ie. 21 Ago 2013. Nakuha noong 24 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "15 facts you probably didn't know about One Direction's Zayn Malik". Metro. 28 Mayo 2014 10:51. Nakuha noong 17 Set 2014.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "Zayn Malik leaves One Direction world tour". News.com.au. Australya: News Limited. 19 Mar 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2015. Nakuha noong 26 Mar 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McGrath, Rachel (19 Mar 2015 15:47 GMT). "Zayn Malik To Miss One Direction Tour Following Cheating Speculation". The Huffington Post. UK: AOL (UK) Limited. Nakuha noong 26 Mar 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Leopold, Todd (26 Mar 2015 03:13 GMT). "Zayn Malik leaving One Direction". CNN. Cable News Network. Nakuha noong 26 Mar 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Spanos, Brittany (25 Mar 2015). "Zayn Malik Quits One Direction". Rolling Stone. UK: Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2015. Nakuha noong 26 Mar 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Crookes, Del (25 Mar 2015). "Zayn Malik is leaving One Direction but group continues as four-piece". Newsbeat. UK: BBC. Nakuha noong 26 Mar 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lynch, Joe (25 Mar 2015 1:09 PM EDT). "Zayn Malik Explains One Direction Exit: 'I Have To Do What Feels Right in My Heart'". Billboard. US: Prometheus Global Media. Nakuha noong 26 Mar 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong)
Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Sityo Web ng One Direction Naka-arkibo 2012-03-27 sa Wayback Machine.
- Talaan ng mga kasapi ng One Direction sa AllMusic
- Talaan ng mga kasapi ng One Direction sa IMDb
- One Direction Naka-arkibo 2013-05-02 sa Wayback Machine. sa Modest! Management
- One Direction sa Twitter
- One Direction sa Instagram