Talisay, Camarines Norte
Talisay Bayan ng Talisay | |
---|---|
![]() | |
![]() Mapa ng Camarines Norte na nagpapakita sa lokasyon ng Talisay. | |
![]() | |
Mga koordinado: 14°08′08″N 122°55′28″E / 14.1356°N 122.9244°E | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Bicol (Rehiyong V) |
Lalawigan | Camarines Norte |
Distrito | — 0501611000 |
Mga barangay | 15 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Donovan A. Mancenido |
• Pangalawang Punong-bayan | Tina Zantua-Arevalo |
• Manghalalal | 18,147 botante (2025) |
Lawak | |
• Kabuuan | 30.76 km2 (11.88 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2024) | |
• Kabuuan | 26,371 |
• Kapal | 860/km2 (2,200/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 6,430 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-4 na klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 14.24% (2021)[2] |
• Kita | ₱ 143.1 million (2022) |
• Aset | ₱ 385.5 million (2022) |
• Pananagutan | ₱ 51.9 million (2022) |
• Paggasta | ₱ 125.8 million (2022) |
Kodigong Pangsulat | 4602 |
PSGC | 0501611000 |
Kodigong pantawag | +63 (0)54 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | Wikang Gitnang Bikol Tagalog |
Ang Talisay, o ang Bayan ng Talisay ay isang ika-4 klaseng bayan sa lalawigan ng Camarines Norte, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 26,371 sa may 6,430 na kabahayan. Ipinangalan ang bayan sa puno ng Talisay, na laganap sa pook noon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kasaysayan ng bayan ng Talisay ay nauugnay sa mga unang misyonerong Espanyol sa rehiyong ito. Noo'y kilala bilang "Tarisay" ang bayan ay tinatag bilang bisita o visita sa ilalim ng Daet noong taong 1654. Itong panahon ay naging tanda sa pagpapalawak ng mga Franciscanong misyonero, na dumating sa Daet noong taong 1583 upang mapalaganap ang Kristiyanismo sa buong Kabikulan.
Panahon ng mga Kastila (Ika-16 hanggang Ika-19 na siglo)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa huling bahagi ng Ika-16 na siglo at ng simula ng ika-17 na siglo, ang Talisay noon ay sumailalim sa hurisdiksyon ng mga Franciscano. Subalit, dahil sa kakulangan ng mga kaparian, ang Daet at ang mga bisita nito (kabilang ang Talisay) ay pahirapang panatilihin ang relihiyong pamumuno. Sa gitnang bahagi ng ika-17 na siglo, ang pamumuno ng mga lugar na iyon ay nailipat mula sa mga Franciscano sa mga sekular na kaparian.
Sa panahong ito, ang Talisay ay patuloy na umusbong at lumaki habang nakaugnay pa rin sa kolonyal na istraktura ng mga Espanyol. Ang bayan ay umuunlad sa pagsasaka ng palay, na naging pangunahing pang-ekonomiyang aktibidad. Sa ika-19 na siglo, ang Talisay ay nabuo bilang isang mas matatag na lugar ng tirahan, ginagaya ang uso sa urbanisasyon ng Daet at ng mga kalapit na komunidad.
Ang Simbahang Parokya ng San Francisco ng Assisi, na nagmula pa sa panahon ng mga Kastila ay nagsisilbi ngayon sa bayan bilang isang palatandaang pangkasaysayan. At isa sa mga simbahang sumailalim noon sa hurisdiksyon ng Franciscano.
Ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan (taong 1941-1944)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Talisay ay may papel sa noo'y pananakop ng mga Hapon sa bansa, maalalang mga kilusan na tumulong sa noo'y Gobernador Wenceslao Q. Vinzons na mag-alsa mula sa Hapon. Bagamat napasakamay ng mga Hapon ang gobernador, ang mga kilusan ay patuloy na lumaban upang makamit ang kalayaan. Makaraan ng digmaan, may isang maliit na bantayog na iniluklok bilang pagaalaala sa mga beterano at bayani, na ngayon ay nasa tabi ng munisipyo ng bayan.
Ang Modernong Talisay sa Kasalukuyang Panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ngayon, ang Talisay ay kilala sa kontribusyon sa agrikultura, particular sa pagsasaka ng palay. Bagamat lumaki na ito bilang natatanging komunidad sa kabila ng ilang siglo, ang kasaysayan ay nakaugat mula sa panahon ng mga kastila, pamumunong kolonyal, at ang katatagan ng mga mamamayan sa kabila ng pagsakop.
Ang Pista ng Paruyan, na ginaganap tuwing Ika-4 ng Oktubre, ay nagsisilbing patunay sa malalim na koneksyon nito sa pagsasaka, na nagpapatibay sa pagkakakila bilang isa sa mga pinakamahalagang komunidad na pang-agrikultura. Magkasabay ang Pista ng Paruyan sa Pista ni San Francisco ng Assisi, na nagsisilbi bilang patron ng mismong parokya sa bayan ng Talisay.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Talisay ay isang munisipalidad na may baybayin, na kilala bilang San Jose Beach, na matatagpuan sa Camarines Norte, sa loob ng Rehiyon ng Kabikulan ng Pilipinas. Ang Talisay ay kalapit ng Vinzons sa hilagang-kanluran, Daet sa timog-silangan, at San Vicente sa timog-kanluran. Bagamat matuturing na coastal town ang mga Talisay at ang mga kalapit na bayan nito, ang bayan ng Talisay ay pangunahing pang-agrikultural na komunidad kaysa coastal na komunidad. Samakatuwid, ang bayan ng Talisay ay nakasentro sa pagsasaka kaysa sa pangingisda.
Ang topograpiya ng bayan ay halos patag, na may ilang pagulong na burol sa ilang mga lugar. Ang mga palayan ay nangingibabaw sa tanawin, sumasalamin sa ekonomiyang agrkultural, habang ang mga ilog at daluyan ng tubig ay nagbibigay na mahalagang irigasyon.
Ang Talisay ay may tropikong klima, isinasalarawan ng malakas na pag-ulan tuwing Hunyo hanggang Disyembre at tagtuyo tuwing Enero hanggang Mayo. Kabilang sa Pacific typhoon belt, bulnerable ang bayan sa mga malalakas at baha lalo na sa mga komunidad na malalapit sa ilog. Sa kabila ng mga pagsubok, ang bayan ay nanatiling matatag, ang agrikultura nito'y may kritikal na papel sa pagsusustento ng lokal na ekonomiya.
Mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bayan ng Talisay ay nahahati sa 15 na mga barangay.
- Binanuaan
- Caawigan
- Cahabaan
- Calintaan
- Del Carmen
- Gabon
- Itomang
- Poblacion
- San Francisco
- San Isidro
- San Jose
- San Nicolas
- Santa Cruz
- Santa Elena
- Santo Niño
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 3,684 | — |
1918 | 5,222 | +2.35% |
1939 | 5,671 | +0.39% |
1948 | 6,843 | +2.11% |
1960 | 8,539 | +1.86% |
1970 | 12,042 | +3.49% |
1975 | 13,328 | +2.06% |
1980 | 13,869 | +0.80% |
1990 | 16,896 | +1.99% |
1995 | 17,841 | +1.02% |
2000 | 21,509 | +4.09% |
2007 | 22,942 | +0.89% |
2010 | 23,904 | +1.51% |
2015 | 25,841 | +1.49% |
2020 | 27,244 | +1.05% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
- ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
- ↑
Census of Population (2015). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region V (Bicol Region)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.