Taumbayan
Táumbáyan o táong-báyan (isinusulat ding táong báyan) ang katawagang ginagamit upang tukuyin ang publiko o masa (madla) ng mga tao sa isang politikal na entidad. Isa rin itong konsepto sa mga batas ukol sa karapatang pantao gayundin sa mga konstitusyonal at pandaigdigang batas. Samantala, ginagamit naman ang katagang mga tao o lahì upang tumukoy sa isang partikular na grupo ng mga tao (halimbawa, lahing Pilipino, mga taong puti); sa politika, tumutukoy ito sa pamayanan ng isang pangkat etniko o bansa.
Konsepto
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ginagamit sa unang kabanata ng unang artikulo ng Karta ng Mga Nagkakaisang Bansa ang katagang Ingles na peoples (lit. na 'mga taumbayan') sa konteksto ng karapatan ng mga tao sa sariling determinasyon.[1] Gayunpaman, hindi nito saklaw ang pagkalas mula sa isang bansa.[2] Ayon kay Ivor Jennings, kinakailangan munang linawin kung sino-sino muna ang tinutukoy na bahagi ng taumbayan bago malapag ang karapatang ito.[3]
Ginagamit sa mga kasong kriminal sa Pilipinas ang katagang People of the Philippines (lit. na 'Taumbayan ng Pilipinas') bilang ang nagsasakdal dahil sa politikal na teorya na nagsasabing mga tao ang pinakapinuno ng isang bansa.[4] Ganito rin ang anyo ng nagsasakdal sa mga kaparehong kaso sa ibang mga hurisdiksiyon kagaya sa ilang estado sa Estados Unidos, halimbawa People of of the State of California para sa mga kasong kriminal sa California. Ginagamit rin sa ilang estado tulad sa Massachusetts ang katagang Commonwealth imbes na People. Sa Reyno Unido naman at mga bansang nasa ilalim ng Commonwealth realms, ginagamit ang katagang The Crown upang tumukoy sa mga tao.[5]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Charter of the United Nations" [Karta ng mga Nagkakaisang Bansa] (sa wikang Ingles). Mga Nagkakaisang Bansa. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 May 2015.
- ↑ Shrinkhal, Rashwet (2021). ""Indigenous sovereignty" and right to self-determination in international law: a critical appraisal" ["Katutubong soberanya" at ang karapatan sa sariling determinasyon sa pandaigdigang batas: kritikal na pananaw]. AlterNative: An International Journal of Indigenous Peoples (sa wikang Ingles). 17 (1). SAGE Publications: 71–82. doi:10.1177/1177180121994681. ISSN 1177-1801. S2CID 232264306.
- ↑ Mayall, James (2013). "International Society, State Sovereignty, and National Self-Determination" [Pandaigdigang Lipunan, Soberanya ng Estado, at Pambansang Sariling Determinasyon]. Mula sa Breuilly, John (pat.). The Oxford Handbook of the History of Nationalism [Ang Handbook ng Oxford sa Kasaysayan ng Nasyonalismo] (sa wikang Ingles). Oxford: Oxford University Press. p. 542. ISBN 978-0-19-876820-3.
- ↑ "Complainant's Right to File an Appeal in Philippine Legal Proceedings" [Karapatan ng Nagkaso na Maghain ng Apela sa mga Prosesong Legal sa Pilipinas]. Respicio & Co. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Mayo 2025.
- ↑ Black's Law Dictionary [Diksyonaryong Pambatas ni Black] (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) labas). West Publishing. 1979. ISBN 0-8299-2041-2.