Pumunta sa nilalaman

Tats Faustino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tats Faustino
PinagmulanMaynila, Pilipinas
GenreOPM, pop, r&b, klasiko, pang-simbahan, kontemporaryong-adulto
TrabahoProdyuser, kompositor, manunulat ng awit, mang-aawit, taga-areglo, prodyuser ng record, maramihang tagapagtugtog ng instrumento, tambulero, perkusiyonista
InstrumentoTambol, tambol na de-kuryente, boses, piyano, tiklado, gitara, synthesizer
Taong aktibo1980-kasalukuyan
LabelViva
Websitetatsfaustino.com

Si Tats Faustino ay isang kompositor, taga-areglo, prodyuser, direktor pang-musika, manunulat ng mga awitin, mang-aawit, maramihang tagatugtog ng instrumento, perkusisyonista, at tambulero na mula sa Pilipinas.

Nilikha niya ang mga awiting "Hang On" para kay Gary Valenciano, "Hindi Magbabago" para kay Randy Santiago, "Dadalhin" para kay Regine Velasquez at "Nakaraang Pasko" para Kuh Ledesma. Sa kalunan, gumawa rin siya ng mga awitin para kina Carol Banawa, Christian Bautista, Martin Nievera at iba pang Pilipinong mang-aawit.