Pumunta sa nilalaman

Ted Failon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ted Failon
Ipinanganak Mario Teodoro Failon Etong
(1962-03-29) 29 Marso 1962 (edad 62)
Lungsod ng Tacloban, Leyte
Trabaho Mamahayag sa himpapawid
Asawa Trinidad Arteche-Etong (k. 1984–2009)
Anak Katrina 'Kaye' Etong, Karishma Etong
Mga nagawa

Si Ted Failon ay isang mamamahayag, tagapagbalita at komentador sa telebisyon at radyo, at dating politiko sa Pilipinas. Naging isa siyang Kinatawan ng Kongreso mula 2001 hanggang 2004 sa unang distrito ng Leyte.

Sa kasalukuyan, siya ang nangunguna sa mga programa ng DZMM tulad ng Radyo Patrol Balita: Alas Siete, Kabayan (kasama si Noli de Castro), at Tambalang Failon at Webb (kasama si Pinky Webb) at sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng TV Patrol at Failon Ngayon.

Ipinanganak si Failon sa Lungsod ng Tacloban, Leyte noong Marso 29, 1962.[1] Nagtrabaho noong bata pa siya upang isuporta ang kanyang pag-aaral, nakatapos siya sa St. Andrew's School sa Parañaque ng elementarya noong 1974, at mataas na paaralan sa University of Perpetual Help System Dalta Las Piñas Campus Department of Business High School noong 1979. Kumuha siya ng Batsilyer sa Ekonomika sa Colegio de San Juan de Letran habang nagtratrabaho bilang disc jockey sa EDSA at Cubao, Lungsod Quezon. Natamo niya ang Batsilyer sa Pakikipagtalastasan sa Pagsasahimpapawid (Broadcast Communication) mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, Maynila noong 1996, at dumalo sa isang program ng Batsilyer sa Batas sa Pamantasan ng Arellano.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Cyril L. Bonabente (2009-04-16). "Failon on Estrada's Senate list". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2009-04-16.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.