Tinimbang Ka Ngunit Kulang
Tinimbang Ka Ngunit Kulang | |
---|---|
Direktor | Lino Brocka |
Prinodyus | Korporasyong CineManila |
Sumulat | Mario O'Hara |
Itinatampok sina | Lolita Rodriguez Christopher De Leon Mario O'Hara Eddie Garcia Hilda Koronel Laurice Guillen Lilia Dizon |
Musika | Lutgardo Labad Emmanuel Lacaba |
Sinematograpiya | Jose Batac |
In-edit ni | Augusto Salvador |
Tagapamahagi | Korporasyong CineManila |
Inilabas noong | 30 Mayo 1974 |
Haba | 126 na minuto |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay isang pelikulang dramatiko na nilikha sa ilalim ng direksiyon ni Lino Brocka.
Ang pamagat ng pelikula ay hinango sa isang siniping pangungusap mula sa Aklat ni Daniel ng Lumang Tipan na nagbabanggit ng kahabagan ukol sa kahinaang pantao.[1]
Pinasinayaan ng pelikulang ito si Christopher De Leon bilang artista at sa larangan ng karera sa pelikula.
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Mga nagsiganap | Ginampanan bilang |
---|---|
Lolita Rodriguez | Kuala |
Christopher De Leon | Junior |
Mario O'Hara | Bertong Ketong |
Hilda Koronel | Evangeline Ortega |
Eddie Garcia | G. Cesar Blanco |
Lilia Dizon | Gng. Carolina Blanco |
Laurice Guillen | Milagros |
Joseph Sytangco | Nitoy |
Rosa Aguirre | Lola Jacoba |
Lorli Villanueva | Gng. Sy |
Ernie Zarate | Dr. Ambrosio Ortega |
Anita Linda | Gng. Ortega |
Chito Ponce Enrile | Domeng |
Bey Vito | Eddie |
Joonee Gamboa | ama ni Eddie |
Jerry O'Hara | Joel |
Orlando Nadres | G. Del Mundo |
Alicia Alonzo | |
Lily Miraflor | |
Mely Mallari | |
Estrella Kuenzler | |
Cita Javellana | |
Ursula Carlos | |
Lota Garcia | |
Rolly Papasin | |
Nina Lorenzo | |
Melvi Pacubas | |
Paz Brosas | |
Dante Balawis | |
Lito Cruz | |
Fred Alvarez | |
Erning David | |
Edwardo Montiel | |
Robert Miller | |
Minda D. Azarcon | |
Roger Mariscal | |
Max Azacon | |
Lily Gamboa Mendoza | |
Alvi Mendoza |
Buod ng pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagala-gala si Kuala (Rodriguez), isang babaeng nasiraan ng ulo, na may maruruming damit at dusdusing buhok. Pinagkakatuwaan siya ng mga taumbayan. Tinutulak siya sa bubon ng tubig at halos nalulunod. Umakit si Berto (O'Hara), isang ketunging may pighati pagdating sa ugnayan sa kababaihan, kay Kuala na may isang laruang kalantog at dinala siya sa kanyang barungbarong sa libingan. Gumawa si Junior (De Leon) ng pagkakaibigan sa kanila, naghahamon sa mga pagbabawal ng kanyang ama na si Cesar Blanco (Garcia), isang politiko.
Humingi si Junior ng payo kay Berto hinggil sa kanyang mga problema sa isang kakatwang guro, G. Del Mundo (Nadres), na may pagkahaling sa kanya. May mga problema rin sina Junior sa kanyang kasintahan na si Evangeline (Koronel), na humimbang sa kanyang abay sa Santacruzan. Nilisan ng nagseselos na Junior ang prusisyon at hinanap ang kasamahan ni Milagros (Guillen), na hinibo siya.
Ang Asociacion de las Damas Cristianas ay naalingasngas nang matuklasan na si Kuala ay buntis. Napilitang tumira si Kuala sa ilalim ng pag-aandukha ng relihiyosang Lola Jacoba (Aguirre). Nagpakita si Junior at tinulungan ang buntis na Kuala sa paraan na maibalik sa barungbarong ni Berto.
Nang magsimulang dumugo, ang naunang karanasan sa panganganak ay sumapit sa kanyang pagbabalik-gunita. Nasiwalat siya bilang kulasisi ni Blanco, ama ni Junior. Pinilit si Kuala na ipalaglag ang bata sa isang malayong lugar. May nangyaring taliwas, at umalis ang aborsyonista at si Blanco, na iniwan siyang walang-malay at dumurugo. Ito ay isang nakalilingaw na karanasan na tumungo sa kawalan sa sarili.
Humangos si Berto upang magpadala ng isang manggagamot. Nang tumangging pumunta ang manggagamot, nagbanta si Berto na papatayin siya. Bago makarating sa barungbarong sa libingan, tumakas ang manggagamot. Sa kasunod na tugisan, binaril si Berto ng isa sa mga mamamayan ng bayan. Nang inalo ni Junior ang kanyang mamamatay na kaibigan, narinig ang mga iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Luminaw ang isip ni Kuala sa isang saglit at nakilala si Cesar sa mga taong lumilibot sa kanya. Subali't bumalik ang alaala ng kanyang naunang pagkaagas at siya ay nawalan ng malay.[1]
Pagsusuri sa pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinasadula ang pelikula at hiniwagan ang bilang ng mga tauhan sa isang panghalimbawang pamayanan na pinukaw ng sigla ng tinubuang bayan ni Brocka sa San Jose, Nueva Ecija. Ang paglapat ng musika ay nagtatampok ng mga katutubong kagamitan tulad ng gong, kulating, gansa, kulintang, kubing at iba pa.[1]
Mga gawad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gawad FAMAS
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Aktor Christopher De Leon Pinakamahusay na Aktres Lolita Rodriguez Pinakamahusay na Direksiyon Lino Brocka Pinakamahusay sa Paglapat ng Musika Lutgardo Labad Pinakamahusay na Awit Pantikha Emmanuel Lacaba (para sa awiting "Awit ni Kuala") Pinakamahusay na Pelikula | ||
Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Mario O'Hara Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Laurice Guillen |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lino Brocka
- Christopher De Leon
- Lolita Rodriguez
- Eddie Garcia
- Mario O'Hara
- Hilda Koronel
- Laurice Guillen
- Lilia Dizon
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tinimbang ka ngunit kulang sa Datobaseng Pelikula ng Internet
- Geocities - Philippine movies: Tinimbang Ka Ngunit Kulang
- kabayancentral.com: Tinimbang Ka Ngunit Kulang Naka-arkibo 2009-01-03 sa Wayback Machine.
- SGNewWave - Our Movement in Film: Lino Brocka: The Characters in his film: Tinimbang Ka Nguni’t Kulang(1974) and their part to play in displaying the oppression of that time[patay na link]
- xomitxe: One of Lino Brocka's finest film: Tinimbang ka Ngunit Kulang
- TINIMBANG KA NGUNIT KULANG (1974) PINOY DVDRiP DivX EngSubs (Tagalog) Naka-arkibo 2009-01-05 sa Wayback Machine. WingTip.torrent
Palabas sa YouTube
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kung nais ninyong mapanood ang kabuuang pelikula sa YouTube, maaaring ninyong pasukin ang kawing na ito: