Pumunta sa nilalaman

Tore ng Baku TV

Mga koordinado: 40°21′5″N 49°49′24″E / 40.35139°N 49.82333°E / 40.35139; 49.82333
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Baku TV Tower
Map
Pangkalahatang impormasyon
UriBrodkast ng TV
KinaroroonanBaku, Aserbayan
Mga koordinado40°21′5″N 49°49′24″E / 40.35139°N 49.82333°E / 40.35139; 49.82333
Natapos1996
Taas
Bubungan310 m (1017 ft)

Ang Tore ng Baku TV (Aseri: Televiziya Qülləsi), na itinayo noong 1996, ay isang nagsasarili at kongkretong tore ng telekomunikasyon sa Baku, Aserbayan. Sa timbaw na 310 metro (1017 ft), ito ang pinakamataas na istraktura sa Aserbayan at ang pinakamataas na gusaling gawa sa pinatibay na kongkreto sa Kaukasya.

Naging isa sa mga pinakakilalang muhon ng Baku ang tore, madalas sa panimulang larawan (Ingles: establishing shot) ng mga pelikula na itinakda sa lungsod.

Dinisenyo ang toreng pantelebisyon batay sa desisyon ng Konseho ng mga Ministro ng USSR pagkatapos ng utos mula sa Ministro ng Komunikasyon ng Aserbayanong Surian ng Estado ng Ministro ng Komunikasyon ng USSR. Nagsimula ang konstruksiyon noong 1979 at ayon sa plano ng proyektong konstruksiyon, nakumpleto dapat ito noong 1985.[1][2] Pagkatapos ng pagbalik ni Heydar Aliyev sa kapangyarihan noong 1993, natuloy ang pagtatayo ng tore, at noong 1996 sa kanyang paglahok, naganap ang opisyal na seremonya ng pagbubukas ng tambalan.[3]

Binuksan ang isang restawrang umiikot sa ika-62 palapag (175 metro) ng Tore ng Azeri TV noong 2008.[4]

Paminsan-minsan, binabago ang pag-iilaw ng Tore ng Baku TV para maging tiyak at natatangi ang pagsasaayos para sa mga espesyal na pagdiriwang. Sanhi ang ilang mga taunang pangyayari ng naiibang pag-ilaw sa tore. Halimbawa, naiilawan ang mga alternating seksyon ng tore ng bughaw, pula at luntian tulad ng tradisyonal na watawat ng Aserbayan para ipagdiwang ang mga pistang pampubliko. Mayroon din itong iba't ibang espesyal na pagsasaayos ng pag-iilaw para sa Bagong Taon mula noong 2004.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]