Pumunta sa nilalaman

Trans-Pacific Partnership

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Trans-Pacific Partnership (TPP) ay isang kasunduang pangkalakalan sa pagitan ng maraming bansa sa paligid ng Pasipiko na tungkol sa samo't saring paksa ng patakarang pang-ekonomiya. Bukod dito, balak ng TPP na bawasan ang mga balakid sa kalakalan gaya ng mga taripa, magtatag ng isang balangkas hinggil sa pag-aaring intelektuwal, magpatupad ng pamantayan sa batas paggawa at batas pangkalikasan, at magkaroon ng mekanismo upang matugunan ang alitan sa pagitan ng estado at mamumuhunan.[1] Ang mga inihayag na layunin ng kasunduan ay upang "palawigin ang kalakalan at pamumuhunan sa mga bansang katuwang sa TPP, upang magtaguyod ng inobasyon, paglago ng ekonomiya at kaunlaran, at tumulong sa paglikha at pagpapanatili ng mga trabaho."[2] Itinuturing ng pamahalaan ng Estados Unidos ang TPP bilang na katambal na kasunduan ng TTIP (ang Transatlantic Trade and Investment Partnership), isang malawak na kahalintulad na kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at ng European Union.

Maituturing na ang TPP ay isang pagpapalawig ng Trans-Pacific Strategic Economic Partnership Agreement (TPSEP o P4) na nilagdaan ng Brunei, Chile, Singapore, at New Zealand noong 2006. Simula noong 2008, umanib ang ilan pang bansa upang magkaroon ng higit na malalawak na kasunduan: Australia, Canada, Estados Unidos, Japan, Malaysia, Mexico, Peru, at Vietnam, dahilan upang umabot sa labindalawang bansang kasanib sa kasunduan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "What is the Trans-Pacific Partnership?". Vox. Nakuha noong Hulyo 2, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The US and the TPP". USTR. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-01-07. Nakuha noong Disyembre 5, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)