translatewiki.net
Orihinal na may-akda | Niklas Laxström |
---|---|
(Mga) Developer | Niklas Laxström, Siebrand Mazeland |
Unang labas | Hulyo 2006 (alpha: 2005) |
Stable release | Nagpapatuloy na pagpapaunlad
/ Monthly MLEB release (Buwanang pagpapakawala ng MLEB) |
Engine |
|
Operating system | Platapormang nagtatawiran |
Mayroon sa | 300 languages |
Tipo | Pagsasalinwikang tinutulungan ng kompyuter |
Lisensiya | GPL; serbisyong walang bayad |
Website | translatewiki.net; dokumentasyon |
Ang translatewiki.net ay isang platapormang pangsalinwika na may himpilan sa web, na pinapaandar ng dugtong na Translate (Isalinwika) para sa MediaWiki, na nakagagawa sa MediaWiki na maging isang makapangyarihang kasangkapan upang makapagsalinwika ng anumang uri ng teksto.
Sa kasalukuyan, ito ang pang-13 pinakamalaking wiki sa mundo ayon sa bilang ng mga pahina,[1] na mayroong humigit-kumulang sa 5,000 mga tagapagsalinwika[2] para sa mahigit sa 50 libong mga sintas (mga string) ng mahigit sa 20 mga proyekto[3] kabilang na ang MediaWiki, OpenStreetMap, Mifos, Encyclopedia of Life (Ensiklopedya ng Buhay), at MantisBT.
Mga tampok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangunahing katangian ng translatewiki.net at ng makina nitong Translate extension o "dugtong na Isalinwika", ay ang pagiging isang wiki, kung kaya't ang pag-aambag ay nagawang maging maginhawa para sa sinumang tagagamit ng web, na mayroong mababa o walang hadlang sa paglalahok o pagpapasok.[4] Ang kataasan ng uri (kalidad) ay pinagpupunyagian sa pamamagitan ng pagpapatuon ng pansin ng mga nagsasalinwika sa kung saan sila pinakamahusay - ang pagsasalinwika - na nagpapalaya sa kanila mula sa lahat ng iba pang mga pasaning gawain.
Ang mga salinwika ay kaagad na makukuha ng tagapagsalinwika at magiging «mahinahong sasabay sa repositoryo ng [sopwer]»[5] o mga pahinang maisasalinwika, na walang pamamagitan ng tagapagsalinwika. Sa pinakamahusay na kaso, sa MediaWiki na nasa mga proyekto ng Wikimedia, ang mga bagong lokalisasyon (pagsasapook) ay nakakarating sa buhay na mga pook o sityo sa loob ng isang araw.[6]
Ang nakabaon na patnugot o editor ng pagsasalinwika ay nagbibigay ng sari-saring mga tampok upang makatulong sa pagsasalinwika, katulad ng
- dokumentasyon ng mensahe, na nakikilala rin bilang "context" (konteksto o diwa),
- mga mungkahi mula sa memorya o ala-ala ng pagsasalinwika at pagsasalinwikang ginagawa ng isang makina,
- pagsusuri ng mga salinwika para sa pangkaraniwang mga pagkakamali sa palaugnayan o syntax,
- katayuan ng pagsasalinwika ng mga mensahe.[7]
Ang Translatewiki.net ay isa ring Semantic MediaWiki (MediaWiking Semantiko).[8]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Translatewiki.net ay ginawa ni Niklas Laxström upang magamit[9] bilang isang plataporma ng lokalisasyon para sa lahat ng mga wika ng MediaWiki noong humigit-kumulang sa Hulyo 2006, nang pangalanan ito bilang Betawiki.[10] Bukod sa pagsasalinwika, umunlad ito na mayroong mga katangian ng isang plataporma ng pagsusubok at pagpapaunlad para sa MediaWiki (Nukawiki noong 2005[4]), na nakatuon sa pagpapainam ng mga tampok na internasyunalisasyon.[11]
Noong katapusan ng 2007, sumali si Siebrand Mazeland sa pamamahala ng websayt, na inilipat sa pangkasalukuyang dominyo (nasasakupan) na translatewiki.net.
Noong Abril 2008, sinusuportahan na nito ang mahigit sa 100 mga wika para sa MediaWiki at 200 ng mga dugtong (mga extension) nito, «na nakagawa rito upang maging isa sa pinaka isinasalinwikang mga proyekto ng sopwer», pati na ang FreeCol. Magmula noon, habang bilang isang nagsasariling proyektong boluntaryo o nagkukusang-loob,[12] [13] kinilala ito bilang isang pangunahing tagaganap sa pandaigdigang tagumpay ng MediaWiki at ng mga proyekto ng Wikimedia na pinapaandar nito, katulad ng Wikipedia, na nasa mahigit sa 280 mga wika.[14]
Noong 2009, napainam ito dahil sa proyektong Google Summer of Code (Tag-init ng Kodigo ng Google) ni Niklas Laxström.[15] Noong 2011, ipinakilala ang mga tampok nito ng pagwawasto o para sa proofreading.[16] Noong 2012, lumawak ang makina nito ng ala-ala ng salinwika papunta sa lahat ng mga proyekto ng Wikimedia na ginagamit ang Translate.[17]
Noong 2013, sumailalim ang plataporma ng Translate ng isang malaking pagbabago sa pamamagitan ng proyektong "Translate User eXperience" o "TUX" (literal na "karanasan ng Tagagamit ng Translate [Salinwika]"), kabilang na ang «mga pagbabago sa nabigasyon o panggagalugad, anyo ng "patnugot" o editor at pakiramdam, pook ng pagsasalinwika, mga pansala, paghahanap, at kulay at estilo».[7]
Mga pormatong sinusuportahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pormato o format na sinusuportahan doon bilang katutubong bahagi. Marami pang mga maidaragdag sa pamamagitan ng ilang mga kostumasisasyon o pagpapasadya.[18]
- Ugnayang-mukha o interface at mga pahina ng MediaWiki
- GNU Gettext
- Mga katangiang pag-aari ng Java (Java properties)
- Mga napagkukunan ng sintas ng Android (Android string resources)
- INI
- Dtd
- Mga talaksang PHP
- JavaScript
- Json
- PythonSingle
- RubyYaml
- Yaml
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ m:List of largest wikis, Marso 2013.
- ↑ Estadistika
- ↑ Buhay na estadistika ng lokalisasyon, na ang halimbawang wika ay Pinlandes (Finnish).
- ↑ 4.0 4.1 translatewiki.net celebrates – so do I, paskil para sa ika-6 na kaarawan ni Niklas Laxström, 22 Abril 2011.
- ↑ Pamayanan ng Translatewiki.net Naka-arkibo 2013-01-17 sa Wayback Machine., 27 Abril 2011, mifos.org.
- ↑ mw:Localisation#Update of localisation.
- ↑ 7.0 7.1 Redesigning the Translation experience: An overview, blog ng Wikimedia Foundation, 25 Marso 2013.
- ↑ Bry, Francois; Schaffert, Sebastian; Vrandecic, Denny; Weiand, Klara (2012). "Semantic Wikis: Approaches, Applications, and Perspectives". Lecture Notes in Computer Science. doi:10.1007/978-3-642-33158-9_9. ISBN 978-3-642-33157-2. ISSN 0302-9743.
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Sa loob ng artikulo, ibinigay ito bilang isang halimbawa ng "Novel Semantic Wiki Applications" (Bagong mga Paggamit o Paglalapat ng Wiking Semantiko); ayon sa mga may-akda, «Ang mga wiking semantiko ay maaaring magamit upang makapag-ambag sa semi-awtomisasyon ng proseso ng pagsasalinwika sa pamamagitan ng paggawang maliwanag ng pangmaramihang wika na pag-uugnayan (o kaisahan) sa pagitan ng mga teksto» («Semantic wikis could be used to contribute to the semi-automatisation of the translation process by making explicit the multi-lingual correspondences between texts»). - ↑ Niklas Laxström, language engineer and Wikimedian, blog ng Wikimedia Foundation, 23 Abril 2012.
- ↑ Nakaarkibong pangunahing pahina, archive.org.
- ↑ KillerStartups, 11 Marso 2008.
- ↑ Gómez Fontanills, David; Mörth, Karlheinz (2012). "Panorama of the wikimediasphere". Digithum (14). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-03-30. Nakuha noong 1 Mayo 2013.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Siam, Omar (2013). "Ein digitales Wörterbuch der 200 häufigsten Wörter der Wikipedia in ägyptischer Umgangssprache: corpusbasierte Methoden zur lexikalischen Analyse nicht-standardisierter Sprache" (sa wikang Aleman). Philologisch-Kulturwissenschaftliche Fakultät, Universität Wien. Nakuha noong 1 Mayo 2013.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Erik Moeller, Free Culture Spotlight: Interview with BetaWiki founder Niklas Laxström, blog ng Wikimedia Foundation, 18 Abril 2008.
- ↑ GSoC wrap-up – Translate extension, 1 Setyembre 2009.
- ↑ Putting that another pair of eyes into good us, 29 Disyembre 2011.
- ↑ Efficient translation: Translation memory enabled on all Wikimedia wikis, 7 Setyembre 2012.
- ↑ File format support (Suporta sa pormato ng talaksan).
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pahina at dokumentasyon ng dugtong na Translate ng MediaWiki
- Translatewiki.net na naroon sa Ohloh