Chiryū
Chiryū 知立市 | |||
---|---|---|---|
Paikot sa kanan mula sa itaas: Gusaling Panlungsod ng Chiryū; Panoramang urbano ng Chiryū; Pista ng Chiryū | |||
| |||
Kinaroroonan ng Chiryū sa Prepektura ng Aichi | |||
Mga koordinado: 35°0′5.029″N 137°3′2.17″E / 35.00139694°N 137.0506028°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Ikuo Hayashi (mula noong Disyembre 2008) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 16.31 km2 (6.30 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Oktubre 1, 2019) | |||
• Kabuuan | 71,992 | ||
• Kapal | 4,400/km2 (11,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Zelkova serrata | ||
- Bulaklak | Iris laevigata | ||
Bilang pantawag | 0566-83-1111 | ||
Adres | 3-1 Hiromi, Chiryū-shi, Aichi-ken 472-8666 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang Chiryū (知立市 Chiryū-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019[update], may tinatayang populasyon ito na 71,992 katao sa 32,579 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 4,414 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 16.31 square kilometre (6.30 mi kuw).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumilitaw ang "Chiryū" bilang pangalan ng pampook na lugar sa mga dokumento ng panahong Nara, at matatagpuan sa dating Lalawigan ng Mikawa. Noong panahong Edo, lumago ang lugar bilang Chiryū-juku, isa sa mga hintuan sa Tōkaidō na nag-uugnay ng Edo sa Kyoto. Kilala ang bayan sa kanilang mga perya ng pangangalakal ng mga kabayo. Bahagi ng kasalukuyang lungsod ay nasa ilalim ng Dominyong Kariya, isang piyudal na han sa ilalim ng kasugunang Tokugawa.
Pagkaraan ng pagpapanumbalik ng Meiji, itinatag ang bayan ng Chiryū sa loob ng Distrito ng Hekikai, Prepektura ng Aichi noong Oktubre 1, 1889 kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Nakamit nito ang katayuang panlungsod noong Disyembre 1, 1970.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Chiryū sa gitnang bahagi ng Prepektura ng Aichi na hinahangganan ng Ilog Aizuma sa hilaga at ng Ilog Sawatari sa timog.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] tuluy-tuloy na tumataas ang populasyon ng Chiryū sa nakalipas na 70 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1940 | 12,253 | — |
1950 | 17,220 | +40.5% |
1960 | 20,542 | +19.3% |
1970 | 41,895 | +103.9% |
1980 | 49,432 | +18.0% |
1990 | 54,059 | +9.4% |
2000 | 62,587 | +15.8% |
2010 | 68,392 | +9.3% |
Mga kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- – Ina, Nagano, Hapon
- - Lungsod ng Wyndham, Australya.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chiryū City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Chiryū population statistics
- ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-12-12. Nakuha noong 2013-12-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya ang Chiryu, Aichi sa Wikimedia Commons
- Opisyal na website (sa Hapones)