Tuklong
Ang tuklong, kapilya, o bisita[1] (Ingles: chapel, Kastila: capilla) ay isang pook o gusaling - maliit na simbahan - itinuturing na banal at sambahan para sa mga Kristiyano. Maaari itong nakakabit sa isang kayariang katulad ng isang simbahan, kolehiyo, ospital, palasyo, bilangguan, o kaya libingan. Maaari rin itong isang malaya at gusaling hindi naman nakadikit sa isa pang gusali.[2]. Maaaring hindi ito isang malaking simbahang kapanalig ng isang parokya sa isang barangay o baryo, o nayon, sapagkat pribado o pansarili, o mayroong natatanging layunin. Sa mga baryo o barangay, maaari itong yari sa nipa at kawayan na nagsisilbing isang pansamantalang dambana o sambahan hanggang sa maging isang ganap na pangmatagalan at mas matibay na gusali.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Tuklong, kapilya, bisita". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Catholic Encyclopedia, NewAdvent.org
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.